Angelo's POV
Nagtatawanan pa kami ni Nico sa loob ng bahay nila nung marinig ko yung busina ng kotse ni Ralph.
Teka muna pare, nandiyan na pala sundo ni Ralph. Sumilip ako sa may curtains and I saw Kathy..teka anung pinaguusapan nila. Bakit nandito pa toh? Kala ko umuwi na toh.
Nico: Oh teka, aalis ka na ba? Sige pare sa monday na lang! Tapos tinap niya ako sa may shoulders then nag-hi 5 naman ako sa kanya.
Sige Nico, alis nako. Mag-cocommute pa ako eh. Paglabas ko nung main door nila narinig ko yung usapan nila Ralph and Kathy...
Are you really sure Kathy? Pwede naman kita ihatid hanggang gate nitong village..?
Ah...si--..
Ralph,wag mo nang problemahin si Kathy, ako na lang maghahatid sa kanya. Nasabi ko yun? Epal ko noh? Eh bakit ba? Gusto ko eh, ano kamo? GUSTO ko? Hindi ah...naaawa lang ako kay Kathy...ganun na yun Anjo? Naaawa ka? Sama ko noh? Basta gusto ko ako maghatid sa kanya, eh bakit ba kasi wala yung kotse nila diba?
Sige Angelo! Ingatan mo yan! Bye Kathy! Bye pare! Iingatan ko talaga siya! Hala..anu bang pinagsasabi ko? Oo,syempre babae yan noh! Sira ka talaga Angelo...!
Bye Ralph!
Bye!
Pumasok na si Ralph sa kotse niya. Then tumingin sa akin si Kathy na parang masama..Ano na namang ginawa ko?
Baket? Nagsmile na lang ako.
San na yung sasakyan mo? Hala,kotse pala ang hanap nito. Sorry wala ako niyan ngayon. Nainis siguro toh dahil balak niyang makisabay kay Ralph, ayaw ko nga! Este...mag-commute na lang siya..mas magandang exercise pa yun diba?
Ahh...sorry maglalakad lang tayo hanggang palabas. At least alam ko yung palabas dito.
Ganun? Sige na nga...kesa sa wala akong kasabay pauwi. Oonga, sabi ko naman sayo eh wag kang uuwi nang gabi tapos magisa...ikaw talaga si Kathy! Tapos lumabas na kami ng bahay nila Nico at nagsimulang maglakad.
Sana hindi ka napipilitan,pero kung gusto mo iwanan kita dito. Sige ka... madaming mumu diyan...tska adik! Biglang napalapit saken si Kathy, may nakita kasi siyang isang adik sa may kanto tapos bigla siyang napayakap saken. Ang cute ni Kathy parang bata, hindi ko naman talaga gagawin yun noh..
Hindi naman kita matitiis eh! Ikaw pa! Angelo? Gelo? Anjo? Teka...nasabi ko ba yun ng malakas? Lagot...patay na!
____________________________________________________________________________
Kathy's POV
What? Tama ba ang narinig ko?"Hindi naman kita matitiis eh! Ikaw pa!" with matching smile pa yan, at take note..pa-cute? Lakas din talaga ng tama nitong lalaking to noh? Hindi mo maintindihan.
Hah? Ano? Paki ulit nga? Baka kasi nabingi lang ako sa sinabi niya.
Ang sabi ko Nakakaawa ka naman, at hindi ko matitiis na maiwan ang isang walang kalaban-laban na babae dito. Ikaw pa,eh baka kung anung kalokohan ang mangyari sayo dito.
So naaawa pala siya saken.. ganun? At parang sinabi na niya na lampa ako at walang kalaban-laban..
Ah..ganun ba? Ganun na tingin mo saken? Okay fine! Mas maganda palang naglakad na lang akong magisa. Maiwan ka na diyan. Kaya iniwanan ko siya..tinulak pa nga eh kasi nga diba napayakap ako sa kanya. Nagsimula nakong maglakad.
At least ako hindi ko na kailangang magalala sayo kasi diba kaya mo naman sarili mo kung mapahamak ka man? Kaya alis na ako at least from here alam ko na kung saan ang labasan. Sinasabi ko yun habang naglalakad pero hindi nako nakatingin sa kanya.