CHAPTER 1
Cassy's POV
8 am na, nasa higaan pa ako. Okay lang yan, Saturday naman eh.
Mga ilang saglit lang biglang nag-ring yung phone ko.
From: Jenina
Cass, gala tayo! 10 am! Kita tayo dun sa mall.
To: Jenina
Ang aga mo naman mang-istorbo! BTW, kasama buong barkada?
From: Jenina
Yes! Yie! Magkikita-kita nanaman tayo.
To: Jenina
Parang di tayo nagkikita-kita sa school!
From: Jenina
Mamaya na ang tsimisan, kumilos ka na at alam kong nakahiga ka pa sa kama mo. Haha!
OMG! Pano nya nalaman? Well, best friend's instinct.
By the way, I'm Cassy Dirk Molina, a typical yet simple school girl. ✌
Bumaba na ako para mag-breakfast.
"Good morning, Ma. Ma, gagala kami ngayon." sabay kiss sa cheeks nya.
"Good Morning din 'nak. Sige, basta wag ka magpapagabi ha?"
"Yes, Ma! Ang bait mo talaga."
Kumain na muna ako.
After 20 Minutes natapos na ako kumain at umakyat na ako.
Naligo na ako nagbihis. I wear a three-fourths shirt, shorts and sneakers. Mas komportable ako kapag ganito suot ko.
Nagpahatid na ako kay Kuya Jomar papunta sa mall.
= MALL =
"Cassy!" biglaang tawag sa akin na kadahilanan para lingunin iyon. Nakita ko si Jenina.
"Uy, Jenina!"
"Cassy, ba't naka-shorts ka lang? Manonood kaya tayo ng sine. Panigurado lalamigin ka."
"Hayaan mo na. Kaya ko yan, for sure. Haha!"
"Edi, ikaw na! Tara, puwesto na tayo dun hintayin natin yung barkada." At pumunta na kaminsa food court.
"Sige, tara!"
'Yan si Jenina Kayla Lopez, best friend ko since fetus. Haha! Promise! Magkakilala kasi Mom namin, High School friends, kaya ayun pati kami nadamay. Haha! Beauty and Brain 'yan! Tutor ng barkada? Pwede. Tutor pa nga ng bayan eh. Haha!
"Uy, girls!" sigaw ni Gazelle. 'Lang 'ya lang di ba? Nasa loob ng mall, sumisigaw.
"Uy, hi!" sabi namin ni Jenina ng makalapit na sila.
"Cassy, sexy natin ngayon ha?" Sabi ni Gianelle.
"Hay nako, mang-asar ka pa! 'Di porket naka-pants kayo."
"Joke lang! Haha!"
"Ang tagal naman ng mga boys." sabi ni Jenina na kanina pa nakasimangot. Ang panget nya. Lol. Oy, mahal ko yan!
"Kaya nga eh." sabi naman naming tatlo.
By the way, isa sa mga kaibigan at kabarkada ko si Gazelle. Gazelle Tomodos. Chix yan mga, dude! Yan nga yung pinakamagandang kabarkada namin eh. Lapitin. Ligawin. Kaya laging nagseselos yung boyfriend nya.
Yung isa naman si Gianelle. Gianelle Patricia Ramirez. Bago lang yan. Last year lang siya napasok sa barkada. Sa unang tingin, mukha siyang tahimik. Pero nako, pag nakasama mo yan, nako lang talaga. Haha!
-------
Edited
A/N: May bad languages po. Kaya kung ayaw nyo po matuto, leave this story. Pero kung ayos lang po sa inyo, go. :)
Hope you will support this story. ✌
BINABASA MO ANG
ANG SAKIT PALA. (Editing)
Teen Fiction#ASP || Paano kung dumating na sa isang punto na magkawatak-watak ang napakasaya ninyong barkada? Maraming nagbago at marami na rin ang naitatago. Ano ang gagawin mo? First Move? O tutunganga? Tunghayan na lang natin ang kuwento ni Cassy Dirk Molina...