Chapter 2: Trust

22.9K 894 247
                                    

To: Sav
Sabay na tayo umuwi. Be waiting sa library.

Habang nag-hihintay ay chineck ko ang mga social media accounts ko. Sav is still not accepting my friend request. I should remind her about that later.

After stalking Lady Kiana's account, I decided to stay on Sav's profile.

Unlike Lady Kiana's page, kaunti lang ang mga picture ni Sav. She rarely post a selfie. Sa katunayan, her profile picture was updated three years ago. Nakasuot siya ng puting dress. Sa likod niya ay may puting pakpak din. Nakakulot ang buhok niya at may kaunting kolorete sa mukha. Maliit ang ngiti niya ngunit ang ganda niya pa rin.

Kumpara sa mga naglalike ng pictures ko na umaabot ng thousand, sa kanya ay nasa 50 lang. Imbis na like ay kinclick ko yung heart na shape.

I scanned the comment box and saw a few na nagcomment doon. Mostly, family members niya lang at sina Reina.

Reina Avila: Gorg as evah.

Velvet Murray: Love it, gurl.

Shanty Carol Esquivel: Dalaga na ang baby natin, Joseff Charles Esquivel. We love you, 'nak. Hope to see you soon.

Dwight Poblacion: Hands down ❤️

Pinaningkitan ko ang comment ni Dwight. Talagang may puso pa ang comment niya.

Sinave ko ang picture at naghanap pa ng iba. I saw one with her family. Nasa gitna siya ng isang lalaki at babae. They were older than my parents, I think. Kamukha ni Sav ang kanyang daddy. But her height came from her mom.

Matapos mag-save ng ilan pang pictures ay naisipan kong tignan kung may twitter siya or instagram. She doesn't have any of the two.

Napamura ako nang makitang alas singko na. I checked my messages but she didn't reply. Four lang ang uwian niya. Tumingin ako sa paligid to check if she's here but she isn't.

Nagpunta ako sa room niya pero wala ng tao doon.

I was in a really foul mood now.   Kapag nalaman kong tinakasan niya ko, she'll be sorry. She must have a valid excuse for this.

To: Sav
Where are you?

It took her five minutes to reply. By then, nasa parking lot na ako. Naisip ko kasing dalhin ang kotse ko ngayon since its safer kapag hinatid ko siya gamit ang kotse.

From: Sav
I'm sorry. Nauna na ako. I don't think it's right kasi na sabay tayo umuwi.

Napaismid ako nang mabasa iyon, "Great."

To: Sav
Sana nagtext ka na ayaw mong sumabay para hindi na ako naghintay.

I don't know why it made me so upset. It's not her fault that I waited. Pero kahit na, she should've informed me that she's already home and she doesn't want to come with me.

Napansin agad ni Mommy na wala ako sa mood pagdating ko sa bahay. I kissed her cheeks and went to the fridge to get something to drink.

"What happened?"

I told her what happened. Akala ko dadamayan niya ako pero tinawanan niya lang ako, "I told you, she might be thinking you're scary. Ano ka ba, baby. You're still a stranger to her. Kahapon lang kayo nagkakilala. She's stupid kung sasama siya agad sa'yo."

"So, what do I have to do?" I asked, checking on my phone kung nag-reply siya pero hindi.

"Gain her trust, of course."

I Heard YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon