Chapter 33: Hired

14.5K 647 193
                                    

Mag-aala-una na nang matapos ang gawain ni Architect sa site. We discussed a lot of things about the design. Kahit awkward ay pinilit kong gawing normal ang takbo ng usapan. And well, mukhang hindi naman siya naiilang kaya pinapakita ko ding hindi ako apektado.

Don't show them that they get to you, as they say.

"You want my idea?" he asked coldly when he recommended better location for the garden. Tama siya na mas lalaki ang gastos kung rooftop. May malaking espasyo pa naman sa likod ng eskwelahan kaya pwedeng doon. Kids could also plant vegetables there so I think it's better.

I nodded in response. May sinulat siya saglit sa kanyang clipboard bago ayusin ang dalang gamit. Pinanood ko lamang siya sa ginagawa hanggang sa matapos.

"You have one and a half million budget for this project, am I correct?" he asked while we're on our way to where his car was parked.

"Yes."

"And you're aware it'll cause more than that? Ten million is short, too. It's only a renovation but you requested for so many things to do so I guess you'll need more or less twenty million for this one," kalmado niyang sabi. Pinatunog niya ang kanyang sasakyan. Ibang-iba iyon sa dati niyang gamit. It's a Mustang, if I'm right. Kulay itim iyon at mukhang bago pa.

Hindi na ako nagsalita. Mapaguusapan naman ang kakailanganing pera pagdating sa meeting. Si Mrs. Rivera na ang bahala doon. Maglalabas din ako ng mga naipon ko pa sa banko para kahit papaano'y hindi masyadong pabigat kina Papa. Masyado ngang kapos ang isa't kalahating milyon para dito. Ang iba nga'y umaabot ng limang daang libo sa pag-papaayos lamang ng isang kwarto.

I'm stupid for thinking it'll cost less. Handa namang maglabas ng pera sina Papa ngunit nakakahiya kung puro sa kanila lang manggagaling iyon. I really need to find a job so I could pay them back.

Nang huminto siya'y huminto rin ako sa paglalakad. He pulled out his phone. May itinipa siya doon bago ilagay sa kanyang kanang tainga. I watched him do that kasabay ng pagaayos niya ng mga dala-dalang gamit sa backseat ng kotse.

Tumuwid siya ng tayo at kunot-noong tinitigan ang kanyang phone. Hindi siguro nasagot ang kanyang tawag. Who is he calling? Obviously, iyong girlfriend niya.

Inilapat niya muli sa kanyang tainga ang phone, ang isang kamay niya'y nakapamaywang. He looks really manly now. Kumpara noon ay mas naging lalaki siya tignan.

"Hello..." aniya sa kausap. "This is Architect Constantine...tapos na ba ang meeting ni MJ?"

MJ for Megan Joreen, huh.

"Yes. Please tell her to answer my call. Pabalik na ako diyan. Susunduin ko siya dahil kakain kami sa seaside," sumulyap siya sa akin. Umismid ako at nag-iwas ng tingin.

"Hello, MJ. Yes. Papunta na ako diyan. Don't go anywhere without me, saglit lang naman ang byahe. Alright...bye..."

"I love you," I mocked silently dahil ganoon naman madalas ang end ng usapan kung nobya mo ang kausap diba?

"What did you say?" I heard him asked in an annoyed tone. Tinignan ko siya't nagulat ako nang sa akin siya nakatingin. Again, with his cold look!

Hawak niya ang kanyang phone sa gilid at mukhang tapos na ang kanilang usapan. Wait, I didn't hear him telling her the magic words! What kind of boyfriend is he...

"May sinabi ba ako?" I asked innocently habang inaabala ang tingin ko sa aking paa.

"Well, I thought I heard you say you love me," malamig niyang sabi bago isarado ang pintuan sa back seat at buksan ang sa driver's. I pursed my lips and didn't say anything. Ang hina-hina ng bulong ko kanina pero narinig niya pa. Wow.

I Heard YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon