Nanalo ang I Heard You sa #Wattys2016 HQ Love category!
Words can't express how happy I am to receive the news. Sobrang thank you talaga sa suporta niyo! The best kayo! :)))
Enjoy reading!
***
trigger warning:
suicide, harassment, drug use, depressionreader's discretion is advised.
read at your own risk.
do not read if uncomfortable.
***Ang tanging nagsasalita lamang habang nasa hapag kami ay si Engineer. She's talking about a project she's been working on. She would talk to me like she didn't confront me earlier. Na para bang guni-guni ko lang ang nangyari kanina. Napapatango na lamang ako.
Mabuti't hindi na niya ginatungan ang tungkol sa pag-alis ko sa 29. Ang gusto ko'y ako mismo ang magpapaliwanag kay Cryd kung bakit ako aalis. Kung paano nalaman ni Megan ang tungkol doon ay hindi ko alam. Wala akong balak tanungin siya dahil inis ako sa mga sinabi niya kanina.
"About Spain..." pag-bukas ni Megan sa isang topic matapos sumimsim sa kanyang inumin.
Pasimple akong umirap. I'm really annoyed with her tonight. Hindi ko kasi akalaing may pagkamalditang side pala siya. She's a professional so I didn't really expect the way she confronted me earlier.
"We already talked about that, MJ," Cryd replied coldly. Sumulyap ako sa kanya at napayuko din agad nang makitang nakatingin siya sa akin.
"You still have a few weeks to decide. This is a big opportunity..."
Lumingon sa akin si Megan. Para bang nanghihingi ng tulong na pilitin ko sa Cryd dahil malaking oportunidad nga naman iyon. Pero asa naman siyang tutulungan ko siya. We're not friends!
"My decision is final. I deeply apologize for suddenly changing our plans but..." tumigil siya't bumaling sa akin. "Savanna's my priority."
Nag-init ang pisngi ko sa narinig. Kahit malamig ang kanyang boses ay nahihimigan ko ang lambing doon. Tama si Megan na ako ang dahilan kung bakit hindi tutuloy si Cryd. Uminom ako ng tubig para itago ang nagbabadyang ngiti.
"Well, if you change your mind, just tell me..." she shrugged and didn't say anything after that. Kitang-kita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata.
Hindi ko rin naman siya masisisi kung madismaya siya sa desisyon ni Cryd. She said she's been looking forward it, kaso ay dumating ako.
As much as I want him to pursue his dreams abroad, I think his decision is what matters. Ayoko ng ipilit ang sa tingin ko ay dapat. I'm not him to decide anyway. I'm only here to support him with his decision.
Kung sakaling piliin niyang sumama kay Megan, rerespetuhin ko iyon. And I hope Megan would eventually do that as well. Kung ako ang pinili, tanggapin niya nalang. Hindi tamang ipilit ang sarili sa taong nasa iba ang atensyon.
Or maybe, it's just really hard for her to accept the fact that Cryd's not over me yet. Ilang taon din naman kasi silang naging magkaibigan. Mahal niya si Cryd kaya paniguradong umasa iyon na maaaring mahal din siya nito. Hindi naman kasi malabong magustuhan din siya ni Cryd.
They're close friends. Plus, she's an engineer. She's pretty, sexy and somehow classy. I really, really like her at first. She's the kind of girl I want Cryd to be with, kung hindi ako ang makakasama nito. I just hope she didn't show me her bad side.
What love can do to people...
Nang matapos kumain ay agad din siyang nagpaalam. Mabuti't may dala siyang sasakyan kaya hindi na siya kailangan ihatid.
BINABASA MO ANG
I Heard You
Romance{ Constantine Series: Book 1 } "I love you. Do you hear me? I said, I love you..." - After getting rejected by his long-time crush, Cryd Constantine meets the shy and timid girl, Savanna Esquivel, who is crying alone on a rainy day in a waiting shed...