Chapter 43: Begin again

17.9K 803 349
                                    

"Bumalik ka na doon. Baka hinahanap ka na ng girlfriend mo," I told him. Pero imbis na sundin ako'y humakbang siya palapit sa akin. Agad nitong nakain ang natitirang distansya sa aming dalawa.

Tiningala ko siya. Kahit madilim ay kitang-kita ko ang pag-aalab ng kanyang mga mata. The way he's looking at me right now makes me want to melt. His stares were too intense and my heart can't help but to react at that. Every second that passed, it beats faster and faster.

"Is that all?" may diin ang kanyang pagkakatanong sabay lapit sa akin lalo. Humakbang ako paatras hanggang sa tumama ang likod ko sa isang kotse. Hala!

"Is that all you have to say?" he gritted. "You have another man, you're not interested in me anymore, you want to resign, you..."

He stopped for a moment, closed his eyes firmly before snapping at me. "You practically want me out of your life!"

Nayanig ako sa lakas ng sigaw niya at paghampas sa kotse sa aking likuran. He locked me in between his arms and I don't know how I should escape his cage!

"Iyon lang ba, Savanna?" patuloy niya. "O baka mayroon ka pang gustong idagdag. Sabihin mo na ngayon..."

He stared at me and waited for me to speak, but I can't find the right words to say. I want him out of my life because he's bad for me. He's toxic. My love for him is toxic. And I'm done getting hurt!

Kung mananatili siyang nasa buhay ko't paglalaruan ako'y baka ikawala ng katinuan ko. Ayokong kamuhian siya dahil sa ginagawa niyang panloloko sa akin. Ayokong magtanim ng galit sa kanya dahil mahal ko siya. Ayokong mapalitan ng galit ang nararamdaman kong pagmamahal para sa kanya.

His jaw clenched. Pakiramdam ko'y galit na galit siya ngayon at kaunting pagkakamali ko lang ay bibitbitin niya na ko't ihahagis sa dagat.

"Tell me everything you want to say. What? I'm playing with you? I'm lying? I'm having an affair with MJ?" pataas ng pataas ang tono ng kanyang boses. "Go on. Hurl all the hurtful words you can think of! Tell me everything that'll stab my barely pumping heart!"

Halos magdikit na ang aming mukha sa sobrang lapit namin sa isa't isa. I gulped and averted my gaze but he touched my chin and made me look at him.

"Tell me and let's see..." his voice softened. "...let's see if I give up on you."

Napapikit ako at dinala ang kamay ko sa kanyang dibdib para sana itulak siya ngunit mas lumapit pa siya sa akin, leaving no space in between our bodies. Nagtama ang ilong namin at halos lumabas ang puso ko sa kinalalagyan nito sa sobrang lakas ng pagpintig.

"Hindi ako susuko, Sav..." his voice croaked. "Dahil gaano man kalubak at kahirap ang daan patungo sa'yo, tutuloy ako kahit lasug-lasog na ang katawan ko."

Halos manlambot ako ng haplusin niya ang aking pisngi. "Kahit anong gawin mo, kahit anong sabihin mo...sa'yo ako..."

"Stop..." I whispered. I don't want to hear these words from him. I'm afraid I might believe him for real this time. "Ayokong marinig 'yan..."

"Gusto kong marinig mo kung gaano ako kapatay na patay sa'yo, Sav..." he softly said. "Pero kung ayaw mong marinig, ipaparamdam ko nalang."

I don't know what he meant by that at first but when I felt his lips touching mine, my eyes went wide. Holy...

He licked my lower lip and I shivered. Bumaba ang kamay niya sa aking baywang at hinapit ako doon.

Hell, I want to push him away because I know this isn't right! But my body betrayed me. Instead, I let him kiss me fully on my lips.

I Heard YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon