It's an achievement that I didn't cry after our encounter earlier. Kahit papaano'y napigilan ko ang sarili kong umiyak, but that doesn't mean hindi ako nagmukmok. Up until now, hindi ko pa rin nakakalimutan ang lamig sa kanyang mga tingin.
I can't blame him. I know it's my fault. I left him without explanation. Hindi ko naman ineexpect na 'pag nagkita kami'y kagaya lang ng dati ang magiging pakikitungo niya. Siguro'y kailangan ko nalang makuntento sa ganoon. I don't want to get further involvement in his life now. Natatakot akong komprontahin niya ako tungkol sa aking pag-alis noon.
Maghahating-gabi nang maisipan kong bumangon mula sa kama dahil hindi ako madalaw-dalaw ng antok. Kinabit ko ang transmitter sa aking tainga bago bumaba para magtimpla ng gatas pampatulog. Kung hindi makakatulong ang gatas ay iinom nalang ako ulit ng sleeping pills. Palaging nakahanda iyon dahil madalas akong mahirapang matulog sa gabi.
Papasok ako ng kusina nang marinig ang kalansing ng utensils at boses ni Ate Kiana.
"She's here...yes. I don't know if she'll pay a visit."
Dahan-dahan akong naglakad papasok at nakita kong nakapamaywang si Ate habang may kausap sa kanyang cellphone. Nakatalikod siya sa akin.
"Last time was a mess. I understand. Matulog ka na...okay. Good night din."
Nang humarap siya sa akin ay kita ko ang kanyang gulat. "You're still awake."
"Hindi ako makatulog eh. Sino 'yong kausap mo?"
"Just someone," she shrugged and smiled. "Inaalala mo ba iyong kanina?"
Tumango ako at naglakad papunta sa counter para magtimpla ng gatas. Tinapik ni Ate Kiana ang balikat ko. Without saying a word, she went out of the kitchen.
Hindi rin naman ako nag-tagal doon dahil matapos mag-timpla'y dinala ko sa kwarto ang baso ng gatas. I checked my phone and saw a message from Vane in Skype. It was sent a few minutes ago.
Vane_10 is online
Vane_10: Went to Catoctin Mountain today. It feels different bc you weren't here with me :(
I smiled and typed my reply.
Sabanana: Go find someone else to hike with you haha
Vane_10: You're the only one I want to go with. I'm surprised you're still awake. It's already midnight there, ryt?
Sabanana: Yup. Can't sleep..
Vane_10 wants to videocall...
[ accept ] [ decline ]I tapped 'accept' and smiled wide. Nakita ko agad ang ngisi ni Vane. Behind him was people having picnic in the same place we've been to. Kulay maroon ang suot niya at nakaangat sa ulo ang kanyang sunglasses.
"Why can't you sleep? Something bothering you?" he asked with lace of concern.
Umiling ako. Hindi ko naman kasi pwedeng ikwento sa kanya ang tungkol kay Architect. I never mentioned his name to him before since I don't think it's necessary. And besides, kapag sinabi ko sa kanyang nang-iwan ako ng lalaki, he'd dig in further. I don't want to explain.
Nag-usap na lamang kami ni Vane tungkol sa kung anu-anong bagay. Kinwento niya ang nangyayari sa Goode Elementary School at ang pagkamiss ng mga bata sa akin. Namimiss ko na din naman sila pero kailangan kong manatili dito dahil marami pa akong aayusin.
Kapag nag-simula na ang construction ay maghahanap ako ng pansamantalang trabaho. I'll probably teach in a private school while the renovation of SC's on-going. Hindi man ako nakapagtapos ng pag-aaral ay mayroon naman na akong experience sa pagtuturo. Sana lang sapat iyon para makakuha ako ng trabaho. Hindi naman kasi pwedeng tambay lang ako sa bahay habang 'di pa tapos ang pinapaayos ko.
BINABASA MO ANG
I Heard You
Lãng mạn{ Constantine Series: Book 1 } "I love you. Do you hear me? I said, I love you..." - After getting rejected by his long-time crush, Cryd Constantine meets the shy and timid girl, Savanna Esquivel, who is crying alone on a rainy day in a waiting shed...