Chapter 6: Valentine's

18.9K 875 431
                                    

Tumambay kami sa bahay nila ng ilang oras. Nanood lang kami ng ilang movies. Naiintindihan niya iyon basta may subtitles.

An hour before lunch, we went to Jollibee para bumili ng bucket meals para sa mga bata. Ginamit ko ang ipon ko bilang pambayad. Limang bucket meals ang binili ko at may add-ons na spaghetti.

She doesn't agree with it at first pero hindi niya ako mapipigilan. I want to help the kids too.

We went to St. Clair's School for Children with Disability (SCSCD). Saktong mag-aalas dose nang makarating kami doon. Ipinark ko ang kotse sa gilid ng building at sinamahan muna si Sav.

Tumungo kami sa head's office to see the school's principal. Benjamin St. Clair's the name. Hindi ko inaasahang lalaki ang namamahala dito.

"Savanna!" Magiliw nitong tawag nang makita si Sav. I scowled when he pulled her for a hug.

Aba! Ano 'to ha?

"Uhh, hi, Benj." Nangingiting sabi ni Sav. What? Anong ngini-ngiti niya diyan? Kinilig ba siya doon sa yakap nitong Benjamin na 'to? Tss.

"This is Cryd." Pakilala niya sa akin. Hinawakan niya ang wrist ko, "My—"

"Boyfriend."

"Friend."

Sabay ang pagkakasabi namin. Hindi niya narinig pero narinig nitong panget na 'to. Nginitian ako ni Benj pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Nice meeting you, bro."

Don't bro me.

"Tara na sa mga bata. Papakilala ko muna kayo bago pamigay ang mga regalo ni Savanna." Aya nito at naunang maglakad.

Sumunod si Savanna sa kanya at sumabay naman ako sa kanya. Mukhang hindi niya napansin na nawala ako sa mood dahil excited siyang makita ang mga bata.

Pagdating namin sa classroom na mukhang playground na may mini library, agad na nagsilapitan ang mga bata kay Sav. Tuwang-tuwa ang mga ito na makita siya at tuwang-tuwa naman ako na makita si Sav na nakangiti. Nawala tuloy ang bad mood ko kanina.

Nag-sign language iyong pangit na principal at naintindihan ng mga bata iyon dahil nagsilayuan sila kay Sav at tahimik na umupo sa carpeted floor.

Wala akong naintindihan nang igalaw ni Sav ang kamay niya.

Kailangan ko na din sigurong matutong gumamit ng sign language para hindi ako magmukhang alien tuwing pupunta kami dito.

"Kuya..." Sabay-sabay na sabi ng mga bata. Nakatingin sila sa akin dahil tinuro ako ni Sav.

"...Cr...Cryd. Kuya...Cryd!" Tuwang-tuwa sila nang masabi ng mabuti ang pangalan ko. I smiled at them and waved my hand.

Nang ibalik ko kina Sav at Benj ang tingin ko ay naguusap sila gamit ang sign language.

Tss. Matuto din ako niyan, tignan niyo. Pinagmasdan ko lang sila hanggang sa lumabas na ng room si pangit.

Tumingin sa akin si Sav, "Sabi niya tawagin nalang siya kapag may kailangan tayo."

"No thanks." I murmured.

"Kunin muna natin iyong mga gamit?" She asked smiling. Tumango ako. Nag-paalam siya saglit sa mga bata bago kami lumabas.

Inakbayan ko siya habang papunta kami sa kotse. Hindi naman na niya pinansin iyon dahil good mood talaga siya ngayon.

I Heard YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon