Chapter 30: Architect

14.3K 656 214
                                    

"Welcome back!" malakas na bati ng mga kamag-anak ko pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay nina Ate Kiana.

Sunud-sunod ang pag-sabog ng mga party poppers at hiyawan nila.

"You're back!" yumakap sa akin ang mga pinsan ko at kinamusta ako. Matapos ang anim na taon ay ngayon ko lang ulit sila nakita. Hindi naman kasi sila napupunta sa states para bisitahin ako.

"I missed you all!" I told them, almost teary-eyed. Pinaghandaan talaga nila ang dating ko dahil may malaking tarpaulin pa ang nakasabit sa pader na may nakaprint na: Welcome home, Savanna!

May mga nakakalat rin na mga lobo. At nakaayos ang mga pagkain sa mesa.

Humalakhak si Kuya Erice at umakbay sa akin para guluhin ang buhok ko. "Hindi ka manlang tumangkad, Sav."

I pouted. Ang gandang bungad naman noon!

"You look prettier, Sav. Chubbier din," ani Ate Veronica. Nagpasalamat naman ako. Gumanda din siya at medyo nag-mature ang hitsura.

Maraming pinagbago sa mga pinsan ko. Lalo silang nagmukhang mas matanda sa akin. Ang iba pa nga'y may asawa na. Si Ate Veronica'y engaged na't ikakasal sa susunod na taon.

"Kayo na nga lang ni LK ang wala pang boyfriend," kantyaw nila habang pinamimigay ko ang mga damit at chocolates na pasalubong.

"Sinong may sabing walang boyfriend 'yang si Sav?" singit ni Ate Kiana. Nag-ngising aso tuloy ang mga pinsan ko. "Sino 'yan, ha?"

"Wala akong boyfriend," sabi ko. Lagi nalang pinipilit ni Ate Kiana na mayroon pero wala naman.

"Ano tawag mo kay Cryd?" masungit na tanong ni Ate Kiana.

"OMG! Kayo pa din! Akala ko nag-break na kayo dahil biglaan ang alis mo! Ni hindi ka nga nag-paalam sa amin!" ani Ate Khione.

Umiling-iling na lamang ako't hindi na nagpaliwanag. Hindi naman na kasi kami ni Cryd. Umalis ako. Iniwan ko siya. That means we've broken up, right? And six years have already passed...

Buong araw na 'yon ay nag-bonding lamang kaming magpipinsan. Hindi ko kaclose ang lahat pero nakakatuwa dahil nakakausap ko na sila ng matino ngayon. Madami silang tinanong tungkol sa naging operation ko, tsaka kung anong naging ganap sa buhay ko. Nag-kwento ako sa kanila ng kaunti but I didn't devulge too much info. I don't want to keep secrets but there are things that's better left unsaid.

"O'sya, magpahinga ka muna't mukhang pagod ka na," sabi ni Ate Khione nang makita akong humikab. Hindi na ako nakipagtalo dahil totoong pagod na ako't gusto ko ng mahiga sa kama para matulog.

My cousins guided me to my new room. Tinulungan din nila ako sa pag-akyat ng mga dala kong gamit. Halos puro puti ang nasa loob ng kwarto pwera sa cabinets at isang study table sa gilid. Ang sabi ni Tita'y ipapakuha niya ang mga gamit ko na nasa kabilang bahay pero tumanggi ako. Nakakahiya naman tsaka baka maisipan ko ding doon tumira kapag tumagal-tagal na. Hindi naman kasi pwedng makitira na lamang ako kina Ate Kiana forever. Nakakahiya naman.

Matapos makapaglinis ng katawa'y dumagan agad ako sa kama. Sa sobrang pagod ko'y mabilis akong tinablan ng antok.

Pagkagising ko kinabukasa'y tahimik ang bahay. Mukhang nakauwi na sa kani-kaniyang tahanan ang mga pinsan ko. Hindi manlang ako nakapag-paalam sa kanila.

Naabutan ko si Tita Alma na umiinom ng kape sa kusina habang si Ate Kiana nama'y abala sa pagbabasa ng mga files ba hawak niya.

"Good morning po, tita, ate," nginitian ko sila pareho.

"Kumusta ang tulog mo, Sav?"

"Maayos naman po, tita. Medyo napasarap nga. Hindi na tuloy ako nakapagpaalam kina Tito."

I Heard YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon