Chapter 37: Stay

14.8K 741 133
                                    

Matapos kong mag-bihis ay dumiretso ako sa kabilang silid para kunin ang mga naiwan kong gamit. Wala siya doon kaya baka nauna ng bumaba. And I was right. Pag-baba ko sa first floor ay naabutan ko siyang nakahilig sa sofa at nakatitig sa isang pelikula tungkol sa isang super hero.

I wonder if he's really watching the movie. He looks like he's in a deep thought.

Tahimik akong lumapit sa kanya. He probably sensed my presence since he turned his gaze to me. Hinagod niya ako ng tingin bago tumayo sa kanyang pagkakaupo. He turned off the TV.

"Tara na..." aniya.

Buong byahe papunta kina Reina'y tahimik kami pareho. Ang tanging ingay lamang sa loob ng kanyang sasakyan ay ang tumutugtog na mellow music sa player.

I want to ask questions about my friends but I kept my mouth shut. I don't want to be annoying. Besides, malalaman ko din naman iyon mamaya.

Tumigil ang kanyang sasakyan sa harap ng isang bahay. Pinasadahan ko agad ito ng tingin pagkalabas ng kotse. Their house looks traditional. Mapuno rin ito't maraming halaman. It's not as big as Architect's house pero sapat na ito para tirhan ng isang pamilya.

Puting fences lamang ang nagsisilbing boundary ng kanilang teritoryo. Sa labas ay mayroong malaking bahay kubo. Nakaayos na din ang isang grill at ang mesang gagamitin para sa kainan.

Kumaway sa amin ang isang lalaki na nakasuot ng apron at may hawak-hawak na pamaypay. I immediately recognized him as Nico. He looks so mature!

"Mabuti't nakarating na kayo. Kanina pa nag-iinarte si buntis," he said referring to, of course, his wife, Reina. Until now, I couldn't get over the fact that they're married. I'm so happy for them.

Nag-high five sila ni Architect nang makalapit kami sa kanya. Ang amoy ng kanyang iniihaw ay nakakapag-pagalit sa tiyan ko. Hindi nga pala ako nakameryenda kanina tapos kaunti lang din ang kinain ko nung lunch.

"Nico! Nandiyan na ba si Sav?" a familiar voice boomed from inside the house.

"Oo! Halika na rito!" sagot naman ni Nico saka bumaling sa akin. "Miss na miss ka no'n. Medyo nagtatampo nga't hindi ka naimbitahan sa kasal."

"Savanna!" Reina shouted as she walked out of the house. I smiled widely and run towards her. She welcomed me with a really tight hug. Ang dami niyang sinabi na hindi ko halos maintindihan. Ang bilis kasi niyang mag-salita. And then suddenly, another person joined the hug. It was Velvet.

"Sav! Ikaw nga!" Velvet cried. "Akala ko niloloko lang ako ni Will!"

"Kailan ba kita niloko, Velvs?" a man laughed from behind. That's probably Will. Hindi ko na siya nilingon dahil abala kaming tatlo sa pagyayakapan.

"Girls..." biro ni Nico. "Always full of drama."

Napa-ouch na lamang siya nang murahin siya ni Reina habang umiiyak kaming tatlo. I missed them so, so much. They've been my friends since I was a kid and the fact that they were still here to welcome me with open arms proves that they're true friends.

"Thank you..." I can't help but said.  Nagbabara na ang ilong ko sa kakaiyak. I was just so ecstatic to see them again.

Kumunot ang noo ng dalawa. Pati sila'y pulang-pula na ang pisngi at ilong.

I Heard YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon