"Are you sure about this?" sumulyap ako kay Savanna pero syempre'y hindi niya ako narinig, patuloy lang siyang nakatulala sa mga bagaheng dadalhin ko sa Maynila. Hindi naman iyon ganoong kadami dahil linggo-linggo naman ang uwi ko dito.
"Wala ka na bang nakalimutan, Cryd?" tanong ni Mommy mula sa likuran.
"Wala na po," sagot ko saka pinagbuksan ng pintuan si Sav. Ihahatid nila ako at tutulungan na rin sa pag-aayos ng unit na tutuluyan ko.
Tumingala siya sa akin. Her eyes looks sad. Damn. I know it'd be really hard to do this but they didn't give me a choice. She wants me to pursue my dreams in that school kahit pa ayoko. Nangatwiran na ako sa kanya pero pinaninindigan niya ang pagpapalayo sa akin.
"Pasok na, Sav," malamig kong sabi saka binitawan ang kamay niya. I don't want to be cold at her but I'm really upset. Para kaming sina Nico at Reina. Ang kaibihan lang, hindi ako mangingibang bansa at magkikita pa din naman kami. Hindi nga lang araw-araw gaya ng nakasanayan.
Tahimik na pumasok si Sav sa kotse. Umikot ako sa harap para makapasok na din. Buong araw ko siyang hindi pinansin.
I hate that they pushed me away because they thought coming here is the best for me! Well, it's not. What's best for me is the path I choose. Not their choice!
Pero ano pa nga bang magagawa ko? Ito ang gusto para sa akin ni Sav, pati ni Mommy. Nagsanib pwersa sila kaya in the end, talo ako. Nakakasawa din kasi iyong araw-araw nilang pangungulit sa akin
However, I really think Savanna's reason is crooked. Pinaaalis niya ako dahil sa tingin niya'y nagiging sagabal siya sa pagkamit ng pangarap ko. Dammit, paano siya magiging sagabal kung siya ang inspirasyon ko?
Nagbabaka sakali na lamang ako na pigilan ako ni Savanna. Siya lang naman ang susundin ko. Kung sasabihin niyang 'wag ko nalang ituloy ang pag-aaral ko sa Maynila, hindi ako tutuloy. Naka-enrol na ako but I can still transfer to another school within a month. Mom will be furious but if Sav wants me to stay then I will. If she wants me to go, I'll go.
"Kuya, uuwi ka ng may pasalubong ah!" Genieva said then jumped to give me a hug. "Mamimiss kita!"
"Uuwi naman ako tuwing Friday ng gabi."
"Kina Ate Sav ka naman didiretso eh," pangaasar niya.
Ngumiti na lamang ako at nagpaalam na din kina Mommy. Madami siyang ibinilin. Palaging panatilihing malinis. Magpa-laundry ng damit sa ibaba. Huwag kumain madalas sa mga fast food chain, etc. etc.
"Kung may dadalhin kang kaklase dito para sa mga group projects, sabihan mo ako," Mom reminded. "Bawal mag-dala ng babae gabi-gabi. Or else, you'll lose your Savanna."
I rolled my eyes. "As if I'll do that. Si Sav lang ang dadalhin ko dito."
Nilingon ko si Daddy na abala sa pag-kain ng pizza. "May ibibilin ka, Dad?"
"Use protections," he winked.
"Ryder!" Mom glared at him.
"Joke lang," tawa ni Daddy saka umakbay kay Mommy. "Just stay loyal. Maraming bebot dito, baka matukso ka."
Umirap na lamang ako. Minsan hindi ko maintindihan kung ano ang nagustuhan ni Mommy kay Daddy eh. They're the total opposites. Seryoso palagi si Mommy samantalang si Dad nama'y puro kalokohan ang alam.
BINABASA MO ANG
I Heard You
Romance{ Constantine Series: Book 1 } "I love you. Do you hear me? I said, I love you..." - After getting rejected by his long-time crush, Cryd Constantine meets the shy and timid girl, Savanna Esquivel, who is crying alone on a rainy day in a waiting shed...