This is the last chapter of IHY! Thank you so much for reading! :)
Can't wait to read your comments haha. Enjoy!
—
Hinaplos ko ang kamao ni Cryd na medyo namamaga pa rin dahil sa nangyari noong isang araw sa kulungan.
Walang nakapagsabi sa akin kung paano at bakit pinayagan ng mga pulis mag-usap ang dalawa nang hindi pinapagitnaan ng isang scree. Kahit si Ate Kiana'y piniling 'wag na lamang magsalita tungkol doon kahit na alam kong kating-kati siyang ipaglaban si Dwight.
Basta ang alam ko, basag ang mukha ni Dwight sa nangyari. Hindi ko na siya napuntahan dahil inuna kong asikasuhin ang kamao ni Cryd na may bakas ng dugo at medyo nagkukulay ube. Mabuti nalang at nag-paiwan si Ate Kiana noon para madaluhan niya si Dwight kahit labag sa loob.
Hindi rin nagkwento sa akin si Cryd tungkol sa nangyari pero wala naman siyang tinamong major injury bukod sa kaunting pasa sa kamao. Hindi yata nanlaban si Dwight. Tinanggap niya lahat ng galit ni Cryd.
Inaasahan ko ng mangyayari 'yon pero hindi ko naman alam na magiging bayolente si Cryd. Siya pa naman itong nagsasabing, hindi masosolusyonan ang problema kung magpipisikalan ang mga tao.
"Sa tingin mo pupunta si Ate Kiana mamaya?" nag-angat ako ng tingin sa kanya. Simula kasi ng nangyari'y hindi pa kami nagkakausap ni Ate. Sa tingin ko'y sobrang nastress ito sa ginawa ni Cryd, at baka pa may inasikaso muna para maayos ang gulo bilang lawyer.
Cryd sighed and lifted my hand to plant a soft kiss on it. "I hope so..."
Ngumiti ako't pinisil ang kanyang pisngi. "Ikaw kasi eh..."
"He deserves a good punch," aniya sa isang malamig na tono. Ngumuso ako't nakinig na lamang sa misa.
Nakapagdesisyon na fin si Cryd na sumama papuntang Maryland. Although, ilang araw lang naman ako doon, gusto niya pa ring kasama siya. Tsaka gusto niya daw makilala si Vane.
Mamayang hating-gabi ang flight namin at may dinner kami sa La Majeste mamaya kasama ang buong pamilya niya at sina Tita Alma.
"Nawa'y magbigayan tayo ng kapayapaan sa isa't isa..."
"Peace be with you," sabay-sabay naming sabi. Yumuko ako't tumungo bago lingunin ang mga tao sa paligid. Pabulong kong sinabi ang peace be with you sa lahat ng mapapatingin sa gawi ko.
Nanliit ang mata ko nang makita si London sa kabilang side ng simbahan. Naka-akbay ito sa isang babaeng kaedad niya. Siguro'y bagong girlfriend nanaman. Nailing na lamang ako. Kanino kaya nagmana ang batang 'to?
"Hey," bulong ni Cryd sa gilid ko kaya bumaling ako sa kanya. He touched my chin and lowered his head slowly. "Peace be with you, Angel..."
Nanlaki ang mata ko nang ilapit niya ang mukha sa akin. Nataranta ako bigla. Hindi naman niya ko hahalikan, 'di ba?
Hindi naman sa ayaw ko pero nasa public place kami! Baka kung ano ang isipin ng ibang tao.
Narinig ko ang bahagyang pag-tawa niya bago ilapat ang labi niya sa tungki ng ilong ko. Lumayo rin siya agad kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Always too shy," bulong-bulong niya bago pinagsalikop ang aming mga kamay. Inirapan ko na lamang siya.
Matapos ang misa'y dumiretso kami ACDC para maipasa niya ang ginawa niyang design. Tinapos niya lahat ng importanteng gawain niya para makapagleave ng isang linggo. Halos wala nga siyang tulog.
Hindi ko naman siya matulungan dahil wala akong galing sa pag-guhit. Baka imbes na makatulong, masira ko pa ang gawa niya. So, the only thing I can do is to watch over him and entertain him para 'di siya makatulog. Worth it naman kasi natapos niya lahat.
BINABASA MO ANG
I Heard You
Romance{ Constantine Series: Book 1 } "I love you. Do you hear me? I said, I love you..." - After getting rejected by his long-time crush, Cryd Constantine meets the shy and timid girl, Savanna Esquivel, who is crying alone on a rainy day in a waiting shed...