Chapter 38: Scare

14.2K 653 195
                                    

Matagal kaming nanatili sa ganoong posisyon. Ang pintig ng puso ko'y parang nakikipagkarera sa mga kabayo dahil sa bilis. Dahan-dahan kong ikinuyom ang aking palad na nakapatong sa kanyang dibdib.

His ragged breathing on my shoulder made me quiver.

Dumampi saglit ang kanyang labi doon bago siya umangat para hulihin ang aking tingin. Nag-iwas ako agad pero iginaya niya ang aking baba para magkatinginan kaming muli.

He didn't say anything.

He licked his lower lip when his gaze fell to my parted lips.

Oh, God. Spare my life.

"You're staying..." pinal niyang bulong na para bang wala na akong karapatang umangal. I want to say something but my throat felt dry. Bumaba ang kamay niya sa aking pala-pulsuhan. "Come on..."

Hindi na ako nag-protesta at nagpatianod nalang sa paghila niya sa akin pataas sa ikalawang palapag. We stopped in front of a door which I immediately recognized as his room.

Don't tell me...

Binuksan niya ang pinto at hinila ako papasok pero pinirmi ko ang sarili ko sa labas.

This is his bedroom! I can't stay here!

Nilingon niya ako ng may kunot na noo. "Bakit?"

"Sa kabilang kwarto ako matutulog. This is your room."

At paano kapag nalaman ito ni Engineer? Ayaw kong magkagulo kami't magkasira sila.

"You'll sleep here," sabi niya lang saka malakas akong hinigit papasok ng kanyang kwarto. Nakaramdam ako ng kaba nang isarado niya ang pinto pagkapasok ko.

"Sa kabilang kwarto..." hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil pinigil niya ako gamit ang kanyang daliri.

Pagod siyang tumingin sa akin. "Ang sabi ko, dito ka matutulog. Sundin mo ang sinabi ko, Savanna."

Huminga ako ng malalim saka hinawi ang kanyang kamay. Hindi ako nakapagsalita. I don't want to stay here. It's not right...

But his voice sounded firm and authoritative. Na para bang kapag nakipagdebate ako sa kanya'y matatalo lang ako.

"I'll just take a shower," he murmured, massaging his temple. "Don't leave the room."

Dahan-dahan akong tumango. I waited until he's inside the bathroom. Nang mawala siya sa paningin ko'y isang malakas na buntong hininga muli ang aking pinakawalan.

Hindi ko alam kung pagpapahirap sa akin itong ginagawa niya o gusto niya lang talagang dito ako matulog dahil tinatamad siyang ihatid ako.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kanyang kwarto. Isang malaking kama at isang couch ang pwedeng tulugan. Syempre'y sa kanya ang kama kaya sa couch ako matutulog. Hindi kami pupwedeng mag-tabi. At kahit saang angulo tignan, mali na matulog ako sa kwarto niya dahil may girlfriend siya.

What is he thinking? Kung ako ang kanyang girlfriend, mababaliw ako kapag nalaman kong may ibang babae siyang kasama sa kwarto!

If he's too tired to send me home, he could've let me sleep in another room.

I was tempted to go out the room but I don't want him to lose his patience on me. Ang sabi niya'y huwag akong lalabas, edi iyon ang susundin ko.

Sumalampak ako sa couch at hinintay siyang matapos mag-shower. I want to bathe, too. I feel sticky. Kaso nakakahiya namang makigamit ng banyo.

My phone's still not with me. Kailangan kong itext sina Ate Kiana na dito ako magpapalipas ng gabi. O baka naman nasabihan na niya si Ate?

Tumuwid ako ng upo nang lumabas siya ng bathroom. I didn't dare look at him because I know he only has his towel on. Narinig ko ang pagbukas-sara ng isang slide door, indicating that he's inside his walk-in closet.

I Heard YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon