Chapter 13: Upset

15.2K 649 171
                                    

"Hey." Malamyang bati ni Savanna nang puntahan ko siya sa classroom nila.

May iilan pang estudyanteng lalaki ang nasa loob kaya medyo nainis ako. Siya lang ang nag-iisang babae dapat ay sa labas na niya ako hinintay.

Tumayo siya agad at sinukbit ang kanyang backpack. She walked pass me kaya nagtaka ako. What is she upset about?

Sumunod na lamang ako sa kanya dahil medyo wala din ako sa mood mangulit. Sa kotse ko na siya kakausapin tungkol doon sa sinabi ni Lady Kiana.

At kung mamalasin ka nga naman, makakasalubong pa namin si Dwight. Savanna stopped when that guy appeared in front of her. Mabilis akong pumunta sa tabi niya.

Matalim ang naging tingin ni Dwight nang makita ako, "Sav and I will talk. Just the two of us."

"I'll stay here." May diin kong sabi saka umakbay kay Savanna. To my surprise, she shoved it away. Kumunot ang noo ko at tinignan siya. Bad mood ata talaga siya. I wonder what happened.

She pulled out her phone and showed it to Dwight. Nangunot din ang noo nito lalo na nang hawakan ni Sav ang kamay ko at hilahin ako palabas ng building.

At least, ako ang hinila niya at hindi si Dwight. Ha!

Nang makalayo kami doon ay mabilis niyang binitawan ang kamay ko at padabog na nagtungo sa parking lot. She looks cute when she's like that. Para siyang nagtatantrums na bata.

Pinatunog ko ang sasakyan para makapasok na siya doon. She didn't wait for me to open the door for her so pumasok na ako at umupo sa driver's seat.

Sumulyap ako sa kanya. Her bag's on her lap and her arms were crossed.

"Hey." Tawag ko at kinalbit siya, "Is there a problem, Angel?"

She tapped something on her phone and showed it to me.

Sav: Uwi mo na 'ko.

Wala siya sa mood gamitin ang precious voice niya ngayon kaya napanguso ako. She knows I like hearing her voice.

Cryd: Ano munang problema?

She glared at me. Natawa tuloy ako. Ang cute niya nanaman.

Sav: Wala!

Cryd: Weh? Ano nga? Tell me. What happened?

Sav: Gusto ko ng umuwi. May test kami bukas, ok??

Cryd: Hindi kita iuuwi hangga't 'di mo sinasabi sa akin ang problema.

Sav: Edi magcocommute ako!!

She was about to open the door pero mabilis ko itong nilock sa controller sa gilid ko. She looked at me with disbelief, "Cryd!"

Humalakhak ako sa naging reaksyon niya, "Angel, stop being so cute."

"Let. Me. Out."

"No." Ngisi ko. Sinubukan niyang buksan ulit ang pinto but it was no use dahil patuloy ko itong nilalock. Sa huli'y, sumandal nalang siya sa upuan at galit akong tinignan.

Sav: YOU ARE SO ANNNNOYYYYINGGGG!!!!!!!!!!!!!!!!!

Cryd: Well, you're being stubborn again.

I Heard YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon