Chapter 29: Call

12.7K 550 119
                                    

"She's coming with us?" kunot-noong tanong ni Vane habang tinuturo si Ate Kiana. I smiled apologetically at him and mouthed, "I'm sorry."

Nagpumilit kasi si Ate na sasama siya sa amin ni Vane nang malaman niyang may lakad kami ngayon. Kailangan niya daw akong bantayan dahil wala siyang tiwala dito. I think she's just over reacting. Vane's a good guy.

"I don't want you to join us. This is Sav and I's date," diretsong sabi ni Vane kay Ate Kiana.

"Date daw. Assumero pala ito, Sav," inis na bulong sa akin ni Ate bago pinaningkitan ng mata si Vane. "Sav won't come with you unless you'll tag me along."

Umirap lamang si Vane at sumuko na rin sa huli. Wala din naman siyang magagawa dahil todo get-up na si Ate Kiana. Mas nauna pa nga itong magising sa akin kanina sa sobrang excite na mag-hiking. O baka naman sa excite na makasama si Vane.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Vane kagaya ng nakasanayan. Nginitian ko siya at papasok na sana kaso naunang pumasok si Ate sa front seat.

"Hey!" saway sa kanya ni Vane. "That's Savanna's side of the car."

"This is my side of the car now. So, shoo," malditang sabi ni Ate. Ano kaya ang nakain nito at dumoble ang pag-susungit?

"It's okay, Vane. I'll seat at the back," I told him saka binuksan ang pinto't pumasok na sa loob ng kanyang Ram. Again, wala ng nagawa si Vane. Hanggang sa makarating tuloy kami sa Catoctin ay nakasimangot siya. Si Ate Kiana naman kasi. Mukhang pinaghandaan talaga ito ni Vane dahil may dala siyang picnic basket. Nakakahiya tuloy...

"Hello, Engineer Alston," bati ni Ate Kiana sa kausap, lumayo siya ng kaunti sa amin habang inaayos ni Vane ang dadalhin sa hiking. "Mamaya pa ang flight ko kaya madaling araw pa ang dating namin ng Pinas."

Sumulyap siya sa akin. "Talaga? Hindi ba nakakahiya naman sa'yo't sa kuya mo kung kayo pareho ang aayos sa project?"

"Fix your lace, Sav. Or you'll trip," Vane told me while pointing at my shoes. Lumabi ako't yumuko para ayusin ang sintas.

I heard Ate Kiana's laugh. "Oh? Bakit tumanggi iyong isa? Sana sinabi mong ako ang kliyente!"

"You should've told me that your icky cousin will come. I only prepared food for the two of us," ani Vane.

"I'm sorry," sabi ko habang pinaglalaruan ang aking daliri. He sighed and smiled a little. "Wait here. I'll buy more snacks so she could eat too."

Tumango ako at pinagmasdan siyang mag-jog patungo sa isang mini mart sa kabilang side. Lumapit naman sa akin si Ate Kiana matapos makipagtawagan.

"Si Engineer Alston iyon?" I asked.

Tumango siya. "She said she already assigned an architect for the project. Siya ang magiging engineer dahil syempre'y magkakilala kami. Tapos ang Kuya niya naman ang magiging architect. Lunes ng ala una tayo makikipagkita sa kanila. We have to take pictures of the site first so we could show it to them during the meeting."

I nodded.

"Architect Alston is not the best architect of their company, by the way. I figured we won't get the best so it's fine. Tumanggi daw kasi ang naunang inofferan niya ng project dahil busy iyon at may mas malaking proyektong pinagmakaabalahan," aniya bago luminga-linga sa paligid. "Oh, asan iyong pumoporma sa'yo kahit wala namang pag-asa?"

"Bumili lang ng pagkain doon," tinuro ko ang pinuntahan ni Vane. "Saka, hindi naman niya ako pinopormahan. Magkaibigan lang kami."

Ate Kiana squinted her eyes but didn't say anything. Hinintay naming bumalik si Vane bago mag-simulang mag-hike. Medyo matarik ang trails pero sanay naman na ako sa ganito at kabisado ko na rin ang bawat aapakan.

I Heard YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon