Chapter 5: Cute

18.3K 832 219
                                    

Maganda ang gising ko kinaumagahan. Sa katunayan ay mas nauna pa akong nagising kay Mommy. I prepared breakfast for all of us then packed two boxes for me and Sav. Sasabayan ko na siyang kumain, hoping she didn't prepare breakfast for the two of us.

Pero kung nagluto siya, maligaya akong kakainin iyon.

While preparing, Nico dialled my number. Tinigil ko ang ginagawa ko at sinagot ang tawag, "Sup?"

"Tuloy ba tayo ngayon? Triple date?"

Kumunot ang noo ko, "May plano ba tayo?"

"Yeah. Ikaw nagplano last week. Sabi mo aayain mo si Lady Kiana ngayon."

Oh, yes.

Naalala ko na. The original plan was if Lady Kiana accepted my offer to be her prom date, I'll ask her to go out with me on Valentine's. But since she rejected me the first time, I don't think we should continue the plan.

"I'm with Sav. Kayo nalang."

Sumipol siya sa kabilang linya, "Seryoso ka talaga kay Sav, dude? What 'bout Lady Kiana?"

"Sav's my friend." I scoffed and leaned on the sink, "Besides, Lady Kiana's probably not free today. Baka may date sila ni Dwight. Or her family."

"There's no harm in trying, buddy."

"I asked her to be my prom date and she rejected me. I don't want to get rejected twice in a week, Nico." Paliwanag ko saka nakaplano na ang araw ko kasama si Savanna. I don't want to upset her if I'll suddenly change the plan and go out with Lady Kiana.

Nico sighed defeatedly, "Oo na nga. So, si Savanna ang isasama mo sa triple date natin?"

"Nope. Sav and I has other plans. Go and talk to Will. Hindi ko kayo makakasama ngayon." I said and ended the call. I grabbed the boxes I made for me and Sav at niligay iyon sa isang paper bag.

Nag-paalam ako kay Mommy na kabababa lang hagdan, "Have to see Sav early. It'll be a nice day, ma. Happy Valentine's by the way. Love you so much." I kissed her cheeks.

She smiled, "You got yourself a new crush."

Ngumuso ako, "Sav's my friend, ma."

"Diyan nagsisimula ang lahat." She wiggled her brows.

Napailing na lamang ako saka lumabas ng bahay. It was a smooth ride going to Sav's house. Hindi na ako hinarang ng guard sa main gate ng subdivision pati ni Manong Julio. Natutulog pa kaya ito? Mukhang 24 hours ay binabantayan niya ang bahay nina Sav.

Pinagbuksan ako ni Sav ng pintuan. Nakapantulog pa siya at halatang kagigising lang talaga. My eyes landed on her chest.

Thankfully, she's wearing a bra.

"Good morning, Angel." I greeted, wishing she could hear how sweet I am able to say Angel.

Humikab siya at kinusot ang mata niya at mabagal na nagsalita, "Sorry. Madaling araw na ako nakatulog. Inayos ko pa yung mga libro at binalutan."

Tumango ako at hinintay siyang makababa. I showed her the meal I brought. Saka siya hinila patungo sa dining area. Nilapag ko doon ang pagkain at pinakita sa kanya ang sunny side up, hotdog at fried rice na niluto ko.

She mumbled a silent thank you. Kumuha ako ng kutsara't tinidor saka naglagay ng freshmilk sa dalawang baso. Sabay kaming kumain ng breakfast. Tahimik lang pero masaya ako.

I Heard YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon