Chapter 26: Odd

15K 571 131
                                    

Madaling araw na akong nakatulog kaya medyo tinanghali ako ng gising. Halos mapamura pa ako nang makitang alas nuebe y media na ng umaga.

Hindi ko nabati ng 'good morning' si Sav! At saka, malelate na din ako!

Mabilis akong bumangon sa kama at kinuha ang aking phone sa gilid. Kumunot ang noo ko nang hindi niya manlang nareplyan ang message ko sa Messenger kagabi. Text lamang mula kay Mommy ang nakita ko. Isang oras na ang nakakalipas nang mareceive ko ito.

From: Mommy
Sav texted. Hindi daw siya papasok. Bakit?

I frowned. Bakit hindi siya papasok? Don't tell me may sakit siya, she's perfectly fine last night.

To: Mommy
I don't know, ma. Kakagising ko lang. I'll ask her. Morning po...

Then I texted Sav.

To: My Angel
Good morning. I just woke. Malelate na ako kaya papalipas muna ako ng almusal. Hindi ka daw papasok? Why? Masama ba ang pakiramdam mo?

Hinintay ko siyang magreply ngunit nainip ako kaya naligo muna ako sa banyo. When I got out, wala pa din siyang text. I'm sure nakapagcharge na siya dahil naitext niya si Mommy.

To: My Angel
Sav. Bakit hindi ka papasok? Are you sick o tinatamad ka lang? Please, reply...

Hanggang sa makapagbihis ako'y hindi pa din siya nagreply. I checked the Messenger if she's online but she isn't. Tumawag ako pero patuloy lang ang pag-ring nito.

I'm starting to get worried. I wonder if there's something wrong. Kung aabsent siya'y paniguradong may rason. She's not the type of girl who'd easily ditch her classes.

I dialled my mom's number. It didn't take long 'til she answers the call.

"Mommy. Sav's not replying. Could you check on her now? I'm kinda worried. It's unlikely of her to ignore my texts," sabi ko agad.

"I'm on my way there. I'm a bit worried too. Baka nilagnat or something. Wala pa naman sina Shanty doon. May dala akong mga gamot, soup at  prutas," aniya. I sighed. I'm glad my mom's going there to check on her. Baka kaya hindi siya makareply ay dahil nakatulog siyang muli.

"Thank you, Ma. Text me the details, asap, okay? Papasok na po ako."

"Alright, Cryd. Ako na ang bahala kay Sav. Love you," she hung up.

Habang abala sa pagdidiscuss ang prof nami'y panay ang check ko sa phone ko. Naghihintay ako ng text mula kay Sav o kaya nama'y kay Mommy. Sa kalagitnaan ng klase'y biglang tumunog ang aking phone. Nag-taas ng kilay ang prof namin. Istrikta pa naman ito.

"It's my mom," dahilan ko. Tumango si Ma'am at sinabing sa labas ko sagutin ang tawag. Sinunod ko ang sinabi niya't lumabas na ng classroom. Sinagot ko agad ang tawag, "Ma?"

"Anong oras ang uwi mo?" kalmadong tanong ni Mommy.

"Hanggang eight ng gabi pa po ang tapos ng klase ko. Kumusta si Sav?"

I heard her sigh. "Wala naman siyang lagnat pero matamlay ang kilos niya at medyo namumugto ang mata. Magpapahinga lamang daw siya pero nag-aalala ako dahil ayaw niyang galawin ang pagkain. Tinawagan ko na sina Shanty, papunta na sila dito."

"She looks fine last night..." hinaplos ng kaba ang aking dibdib. Hindi ba siya nakatulog ng maayos kagabi? Baka napuyat iyon kakahanap ng charger niya. O napagod kakasolve nung sa Physics. Dapat ay ako nalang pala ang nag-sagot kung gayon.

I Heard YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon