Chapter 35: Boss

14.5K 699 302
                                    

Mabilis na natapos ang tatlong araw na palugid ni Architect bago ko siya tuluyang pag-silbihan. Sinanay ako nina Christine at Lucia sa mga gawaing pang-sekretarya. Hindi naman iyon mahirap pero hindi talaga ako kumportable sa magiging amo ko.

In the end, I have no choice but to agree to his proposition. Wala na akong magagawa dahil nakapirma ako sa kontrata kahit pa ayaw ko naman. The contract will only last for six months but he can rehire me after that if he wants to.

I can't assure myself that it would be a smooth job for me. Hirap nga akong makasama siya sa loob ng iilang oras, anim na buwan pa kaya?

And I don't even know what's in his mind. Sigurado akong mayroon siyang pinaplano dahil kung wala'y dapat naghanap na lang siya ng ibang magiging sekretarya niya. Imbes na ganoo'y pinilit niya pa rin ito sa akin, ginamit niya pa ang kontrata laban sa akin. He's planning for revenge and I don't know if I'm ready for that. Wala na akong maisip na ibang dahilan para gawin niya ito.

Noong una nga'y hindi ko alam kung iiyak ba ako dahil sa frustration o kakalbuhin ko si Ate Kiana dahil sa ginawa niya. Pero syempre'y hindi naman ako bayolenteng tao kaya hindi ko magagawang manakit physically. Iaasa ko nalang iyon sa karma.  

Huminga ako ng malalim bago dumungaw sa labas ng sasakyan. Madilim pa ang langit at tanging ilaw mula lamang sa guard house ng bahay ni Architect ang nakikita.

"Talaga bang kada alas kuatro'y dapat narito ka na?" tanong ni Kuya Arnold. Tumango ako at inayos ang dala kong shoulder bag. Simpleng polo shirt at pantalon lamang ang sinuot ko dahil wala namang uniform na nirequired si Architect. Basta huwag daw masyadong revealing at maiksi'y ayos na.

"Itetext nalang po kita kung kailangan na akong sunduin," I told him before getting out the car. Sinalubong agad ako ng dalawang lalaking naka-unipormeng pang-gwardiya. Ang isa'y namumukhaan ko dahil ito ang sumalubong sa amin noong unang punta ko dito.

"Miss Esquivel, magandang umaga po," ani Manong saka inilahad ang kamay sa akin. "Ako po si Ramil. Mula umaga hanggang hapon po ang shift ko dito. At ito naman..." itinuro niya ang isa pang guard na papikit na ang mga maga. "Si Freddy. Ang pang-gabi."

"Good morning po, Mang Ramil, Mang Freddy," nakangiti kong sabi. "Ngayon po ang simula ko sa trabaho. Bilin ni Architect na pumunta ako dito bago siya magising kaya inagahan ko."

"Mabuti nga't inagahan mo. Maagang magising 'yang si Architect," ani Mang Ramil sabay ngiti.

Nag-presinta siyang ihatid ako sa loob ng bahay. Saktong pag-bukas ng pinto'y, awtomatiko ang pag-on ng ilaw sa living room. Nakakamangha talaga ang modernong teknolohiya.

"Ipaghahanda mo ba siya ng almusal?" tanong ni Mang Ramil pagkalingon sa akin. Ngumiti ako't tumango. Minuwestra niya ako patungo sa kusina at iniwan na doon. Inilapag ko ang aking bag sa isang stool at iginala ang paningin sa paligid.

"All clean," I whispered as I scanned the area. Lumapit ako sa isang makinang na double door refrigerator. Nang buksan ko ito'y kompleto ang laman.

All of it was organized properly. Ang mga prutas ay magkakatabi, ganoon din ang mga gulay, karne at mga isda. Desserts are arranged befittingly too. Parang babae tuloy ang nakatira dito sa sobrang ayos ng mga pagkakalagay.

Tinitigan ko ang mga pagkain doon at nag-isip ng pwedeng iluto. I know how to cook but I don't know what to cook for him.

Ano ba ang gusto niyang almusal? Scrambled egg nalang kaya tapos rice. Nag-kakanin ba siya tuwing umaga?

Ang hirap naman nito. Hindi naman niya kasi nabanggit sa akin kung ano ang gusto niyang kainin. I know all of his favorite foods wayback pero hindi naman siguro siya nag-heheavy meal sa pang-umagahan.

I Heard YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon