Chapter 2

11.9K 273 50
                                    


Enjoy reads Idol's :) 

------------



nag lalakad na si alyssa papunta sa loob ng campus habang humihikab . ganun pa din ang itsura nya twing napasok . hindi nawawala yung salamin nya , hati sa gitna yung buhok nya at maraming mga dala na libro . 

sa kalagitnaan ng paglalakad nya , muli nitong natanaw si Bea at parang may hinihintay . nag madali na lang si alyssa na tumalikod at umiba ng derekson . alam na kasi nitong may kailangan si Bea kaya mabuti na yung iwasan nya kesa may makakita pang nakikipag usap sya sa isang campus crush . 

pero parang mali ata yung ginawa nya . nakita kasi nya sila LA Myco at Jeron  , tatalikod na sana syang muli pero mukhang huli na . tinawag na kasi sya ni LA , tulad nuon wala syang karapatan tangihan ito dahil mas lalong lumala lang . kaya naman lumapit na sya dito .

LA - " Nerd ! ibigay mo nga ito kay Dennise .. diba block mate mo sya ? " 

inabot nito yung isang boyquet na red roses . tinangap naman ito ni Alyssa pero nag tataka sya kung bakit hindi si LA ang mag abot . ganun pa man , hindi na lang nya ito tinanong baka mas lalong tumagal pa yung usapan . 

ALy - " sige , ako ng bahala " lumakad na sya papasok

Myco - " bwisit kasi yung nag nanumbong ! dapat kasi ikaw nag abot LA ! "

LA - " tsk ! alam ko pero may makating dilang nanumbong na ng gugulo tayo dito ! oras na malaman ko kung sino yung gagong yon ! patay talaga sya sa akin ! "

rinig pa ni alyssa yung usapan nya habang nag lalakad papalayo kila LA . " tsk ! mukhang alam ko na kung sino ang may kakagawan nito ... " sa isip nya at nag patuloy na lang mag lakad .

--------------------------

nag lalaro lang ng tetriz si Dennise sa desk nya . maaga pa naman kaya wala pa yung proctor nila . nag taka nga sya kung bakit hindi nya nakita sila LA ngayung araw , " dibale tatanungin ko na lang mimiya pag nag kita kami ... " sa isip nya 

Den -" booom!! heheh " sigaw nito bigla nung natalo na nya yung kalaban nya 

"wow ! si nerd ba yun ? bakit may dalang mga roses ? " 

" aba ! mukhang nag bibinata na ah ! hahaha " 

" shhhh wag nga kayo ! hahah baka mag tatapat na .. abangan na lang natin kung kanino " 

rinig ni Dennise yung mga bulungan ng mga ka-block mate nya . kaya naman sinara nya yung loptop nya para makita yung dahilan kung bakit nag bubulungan yung mga katabi nya . sa pag sara nya ng loptop nya , saktong papalapit sa kanya si alyssa . " hala !! " sa isip na lang nya at lumaki ang mata nya ng nasa tapat na nito si alyssa .

Aly - " pa-para sa'yo .... " alangan nyang sabi

hindi alam ni Dennise pero pakiramdam nya namula ata yung pisngi nya . kusa na lang tinangap ng mga kamay nya yung rosas at sa hindi sinasadya nahawakan din nito ang kamay ni alyssa . parang nakaramdaman sya ng boltaheng kahit kailan hindi pa nya naramdaman . 

Den - " sa-sa a-akin to ?? " 

tumango na lang si Alyssa at binigyan nya ng ngiti si Dennise na mas lalong ikinamula ng pisngi nya . umiling na lang sya para bumalik sya sa wisyo nya at binigyan ng masamang tingin si alyssa .

Den - " tsk ! kung may balak kang manligaw .. pasensya na pero straight akong tao at wala akong balak pumatol sa kapwa babae noh ! " 

tinapon naman ni Dennise yung mga bulaklak na binigay ni alyssa . nanlaki naman ang mata ni Alyssa hindi dahil sa mga sinabi ni Dennise kundi sa ginawa nito sa mga bulaklak .

Nerdy FighterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon