Oh diba nag promise ako sa inyo na ilike nyu lang yung picture ng kapatid ko mag uUD ako heheh ^_^ chararan ! XD
Binabati ko nga pala sila Idol Boxzzlord hahah nag karuon na ng FOREVER dahil sa Nerdy Fighter hahah Congrats sa inyo Idol gabrielzace15 hheheh ^_^
Laking pasasalamat ko nga pala kila Idol Yco Jazz, Idol Genalyn Davido , Idol Christine Perez At kay Idol Ceejhei Francisco Delda haha thank you talaga mga Idol XD dahil sa inyo hindi na ngungulelat yung kapatid ko pero kailangan ko pang makaabot ng 1000k para sa kanya heheh
Yun lang muna ! Enjoy Idol ^_^
-------------------------------
Nagkakagulo na sa loob ng bus simula pa kaninang umalis ng Arena , todo sayawan at tawanan ngayon ang nangyayari sa loob . May kantahan pa sa pamumuno ni Mich .. sinong mag aakala na marunog pala itong kumanta . sa tagal ba naman na nakasama nila ito , ngayon lang nailabas ang tunay na kulit ni Mich .
Habang nag kakasiyahan ang lahat , nakaupo lang si Dennise pero nakikitawa .. pero yung katabi niya ayun .. hindi pa nakakainum pero aakalain mong may tama na .
Den - " ano ba Ells ang sakit na ng tainga ko ! wag ka ng kumanta !! " saway niya dito habang natawa
Ella - " hahah sumabay ka kasi sa'min! "
kumanta na ulit sila ng 'We are the champion ' Chorus lang naman pero feel na feel mo yung saya sa kanta . Napapailing na lang si Dennise ng makita na pati si Coach Cha nakikisabay sa kulitan ng lahat ..
Hindi naman nag pahuli ang mga Rookies , may mga nasayaw din kahit na mabilis ang paandar ng bus .. kahit bigla itong titigil . Akala nga ni Dennise , may mga pandikit ang mga paa nito .. Hindi man lang kasi natutumba ang mga makukulit na Rookies habang nasayaw pa .
Sumulyap na lang si Dennise sa labas , tinanaw nya ang nadadaanan nila . Gabi na kaya walang masyadong sasakyan .. napagkasunduan nilang kila Dennise na dumaretso at mag party .. Tinawagan na din nito Ang ama nya para sabihing dadating sila ..
Natuwa naman si Martin ng mabalitaan nitong nanalo ang team ng Anak nya kaya naman nag pahanda ito agad , nag paluto ng masasarap na pag kain dahil siguradong gutom ang mga ito pag dating ..
SCRTCHHHH!!
Biglang napa preno naman ang bus dahilan para masubsob ang lahat , pati ang mga nakaupo napasubsob na lang din dahil sa sobrang pagkabigla .
Coach Cha - " ano ba Alexa ! dahan dahan naman " saway nito
Alexa - " may biglang humarang na sasakyan sa harap natin eh"
Nag tayuan naman sila ng ayos para sumilip sa unahan , tama si Alexa .. may dalawang sasakyan na itim ang humarang sa kanila . Si Dennise naman inalog pa yung utak nya bago tumayo ..
Den - " anong ng yari ? " tanong nito kay Ella
Ella - " may bigla daw humarang eh .. "
Nakita nilang may mga bumaba na mga kalalakihan sa dalawang kotse na nasa harapan nila .. halos natakot sila ng makita nilang may mga hawak ang mga ito na mahahabang baril .
Den - " Coach i-atras nyu ! "
Alexa - " huh ? ah si-sige "
agad nga itong aatras pero may nabangga sila sa likudan nila , napatingin naman si Dennise sa likod .. may isa pang sasakyan sa likod ng bus . Kaya hindi na sila nakagalaw .. isasarado na lang sana ni Coach Cha yung pinto pero agad itong binasag ng isang lalake .. marahas itong pumasok at tinutukan si Coach Cha ..
BINABASA MO ANG
Nerdy Fighter
Fanfictionhang kailan ka tatakbo ? Hanggang kailan ka matatakot ? Hanggang kailan mo tatalikuran kung sino ka talaga ? Dennise Lazaro , sikat sa campus at hinahanggan ng lahat .. matagal na nyang inaapi si alyssa pero dadating ang oras maiiba ang tingin nya...