IM BACKKKKKKKKK :D :D hahahah namiss ko kayo Idols ! huhuhu akala ko last UD ko na yung chapter 5 ! pero wala eh ... masamang damo daw ako kaya nakaligtas kami :) :)
minsan iniisip ko kung bakit ko ba naisipan isulat tong chapter na ito .. parang nag hanap ako ng bato na ipupukpok sa ulo ko heheh .. grabe ang hard ng mga narinig at nabasa ko sa opinion nila about Same Sex Married :) pero maraming salamat sa mga nag bigay ng opinions idol ! :D
nga pala .. ang mababasa po dito ay nakuha ko lang sa mga kaibigan ko at sa mga issue ni Manny Pacquiao tungkol sa "mas masahol pa sa hayop"
Yung tungkol naman sa salita ng bible , hindi ko po intensyon na bastusin ang salita ng bible pero ngayun palang ... humihingi na ako ng sorry sa kung ano man po ang mababasa nyu ..
Enjoy Reads Idols ! :D (goodluck makie-_- )
----------------------------------
" tara na bilisan nyu baka nag uumpisa na ! "
" naku siguradong magandang laban to hahaha ! "
" ano kanino kayo pupusta ? "
narinig nila Bea , kasama nito sila Jia Jho Mich ella Amy Mae at yung mga rookies . nandito sila ngayun sa labas ng cafeteria nung may makita silang nag tatakbuhan . napakunot sila sa mga narinig nila kaya naman nung may makitang tumatakbo si Bea agad nya itong hinatak
Bea - " hoy anong nang yayari ? bakit nag kakagulo kayo ? "
lalaki - " tsss san kabang lupalop galing .. sariling team mo hindi mo alam kung anong ng yayari !"
napatingin naman ng masama si Bea sa kausap nya . napaatras naman yung lalaki dahil humakbang papalapit si Bea sa kanya . may humawak pa sa balikat nya kaya ng lingunin nya napalunok sya . akala nya kasi nag iisa lang si Bea kasama pala nito ang buong team .
Bea - " mag sasabi ka ng kusa o tatakbo kang puro pasa !? "
Lalaki - " ah eh heheh hindi ka na mabiro ... a-ano kasi , si Nerd at saka yung princess libero nyu , may debate sa convention hall "
Ella - " mag sasalita ka din pala pinatagal mo ! sige alis na ! "
tinaboy naman nila ito kaya ang loko karipas na ang takbo . tatawa naman ang iba pero maliban lang sa isa .
si Bea
nag aalala kasi sya na baka ipahiya ni Dennise si Alyssa sa maraming tao . kilala nya si alyssa , pero mas kilala nya si Dennise pag dating sa debate . paalis na sana sya ng may humawak sa balikat nya , nakita naman nyang si Jho ito .
Jho - " saan ka pupunta ? diba may training pa ta'yo ? "
Bea - " ha ? kasi ano ...."
Mich - " ako manunuod ng debate .. kayo ba ? "
nakahinga naman ng maluwag si Bea dahil sa pang aagaw atensyon ni Mich . siguradong mag tataka sila kasi pag sinabi ni Bea na manunuod sya . kilala kasi nila si Bea na walang pakelam sa mga nang yayari tanging volleyball lang lagi ang laman ng isip .
nag titigan naman ang mga kasamahan ni Bea at tumango bilang pag sang ayon . na una ng mag lakad si Mich at sumunod sa kanya ang iba. nag pahuli na lang si Bea at Jho ,
BINABASA MO ANG
Nerdy Fighter
Fanfictionhang kailan ka tatakbo ? Hanggang kailan ka matatakot ? Hanggang kailan mo tatalikuran kung sino ka talaga ? Dennise Lazaro , sikat sa campus at hinahanggan ng lahat .. matagal na nyang inaapi si alyssa pero dadating ang oras maiiba ang tingin nya...