Chapter 43

16.2K 429 262
                                    


Oh diba nakapagUD ulit hahah XD Pagpasensyahan nyu na Idol at minadali ko na 'to .. nakakahiya naman kasi kay Master hhaha XD 

Para sa mga walang magawa ngayung Weekend ^_^


Enjoy Idol ^_^ 



--------------------------------



Nakaupo lang si Bea sa higaan nya habang nakatungo , nakatulala lang ito .. Hindi malaman kung nag iisip ba o sadyang tulog ang diwa nya .. Gusto nyang buksan ang TV pero natatakot sya sa mapapanuod nya .. mali , natatakot sya sa makikita nya na baka matalo ang team dahil sa ginawa nya.

Naiintindihan ngayun ni Bea na babalutan ng kaba o matindinding pressure ang team dahil sa kanya .. kung sana mas inunawa na lang nya si Alyssa nuon , edi sana hindi na humantung sa ganito .. kung saan nakaupo lang sya at kahit kailan hindi na muling makakapaglaro .. 

Muli na naman nangingilid ang luha sa kanyang mga mata , hanggang ngayun hindi nya pa lubos maisip na hindi na sya makakapag laro kahit kailan .. 

Bea - " kasalanan mo 'to ! mag dusa ka !! " sigaw na lang nito sa sarili " Ang tanga mo talaga Bea !! ang tanga tanga mo !! " dagdag pa nya

nayukom na lang nito ang kamao nya habang umiiyak , gusto nyang tumayo pero wala syang magawa .. tanging kirot lang sa damdamin ang nararamdaman nya twing naalala nya na muntik ng mapahamak si Alyssa dahil sa makasarili nyang isip .. 

wala nang pag asa ang katulad nya ..

malabo ng muli syang makapag laro ..

kasama ang teammates nya ..

kasama si Alyssa ...


dahil sa mga sumbat sa sarili nya , tuluyan ng muling umagos ang luha nya .. 





Tok tok Tok 


agad na pinunasan ni Bea ang luha nya , ayaw nya kasing may makakita sa kanyang umiiyak .. gusto nyang ipamukha sa lahat na wala syang ibang sinisisi bukod sa sarili nya kung bakit sya ngayun naratay sa higaan kung saan wala ng pag asa pang makalakad ..

Bea - " si-sino yan ..?" 

bumukas ang pinto at may sumilip , bumaba pa ang tingin ni Bea ng makita nya isang bata .. naka silip lang ito at halatang nahihiya .

Bata - " ahmm ano .. ate , pw-pwede po bang makinuod ? "

napakunot ng nuo si Bea dahil sa inasal ng bata ..

Bata - " sira po kasi yung T.v ko sa kabilang kwarto .. wag po kayong mag alala .. hindi naman po ako mag iingay " 

HIndi alam ni Bea pero bigla na lang syang napangiti dahil sa bata , marahan na tumango si Bea dahilan para tuluyan ng mapangiti ang Bata . Pumasok na ito at kinuha ang remote .. hindi naman nag salita si Bea .. tinitignan lang nito yung bata habang nag lilipat ng chanel 

Announcer - " wearing jersey number 2 .. The team captain !  Alyssa Valdez !! "

halos napatingin si Bea sa screen ng T.v nya , akala nya muling ililipat ng bata  yung channel pero nilapag lang nito yung remote .

Nerdy FighterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon