Chapter 24

13.1K 298 71
                                    


Enjoy ^_^



----------------------------------



Aly - " hindi kita maintindihan ... " 

pumasok na ang dalawa at pumunta mismo sa gitna ng court , ginala pa nilang dalawa ang paningin nila . 

Bea - " dahil natalo kami last season ng UAAP ... " 

Aly - " pwede bang ikwento mo na lahat !? " 

muling napahinga ng malalim si Bea saka nya pinulot ang nag iisang bola , nilaro laro lang nya ito habang nag sasalita . 

Bea - " pareho kaming nangarap ni Maddie , gusto namin makarating kahit final four lang .. nung una maayos ang laro naming dalawa , nagagawa namin ang trabaho namin pag kami ang nasa unahan ... pero dumating ang araw na kalaban namin ang UST . play off para makapasok kami ng Final four . .. na-injured si Maddie " 

nakinig lang si Alyssa sa kwento ni Bea , hindi sya nag sasalita tanging tenga lang nya ang ginagamit nya . nilapitan naman nya si Bea at saka inabot ang panyo . kinuha naman iyon ng huli at pinunasan ang luha nya bago nagpatuloy sa pag kwento . 

Bea - " Malaking kawalan si Maddie sa team namin nuon , HIndi ko din alam kung makakaya ko bang mag isang humarang sa mga atake ng kalaban ... dumating sa point na nawalan din ako ng pag asa , pero ..... si Jho " 

Aly - " si Jho ? " 

Bea - " sya yung naging sandalan ko nung mga panahong ng hina din ako ... daig ko pa ang na-injured dahil wala akong nagawa paralang manalo sa laban , Nung natalo na talaga kami lagi syang nasa tabi ko ... lagi nya sakin pinapakita na hindi dapat ako sumuko , mag tiwala lang daw ako na makakamit namin ang championship .. "

Aly - " nahulog ka sa kanya tama ba ? " 

Bea - " Oo ... " umupo silang dalawa sa court habang hawak nya ang bola " hindi mahirap mahalin si Jho , makulit sya at maalaga . kaya nung hindi ko na nalabanan ang nararamdaman ko sa kanya , hiniwalayan ko si Maddie . " 

Aly - " Teka !? Hiniwalayan mo si Maddie nung mga panahong lugmok din sya ? yung oras na injured sya ?! " 

hindi maiwasan na pagtaasan nito ng boses si Bea dahil sa inis . kung sya din kasi ang nasa katayuan ni Maddie talagang magagalit din sya . 

Bea - " Anong magagawa ko !? Hindi ko din naman syang kayang damayan !? nung nawala sya sa Team dahil sa lintik na ACL na yan .. parang nawala din ako sa pag lalaro " yumuko ito saka umagos ang luha nya " naduwag din kasi ako , Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Maddie kung pareho kaming nabaun sa pagkatalo " 

Aly - " pero kinailangan ni Maddie si Jho pero mas inuna ka ni Jho ? " tumango naman si Bea " kaya pala ... " 

ngayun nasagot na ang mga katanungan sa isip ni Alyssa kung anong ng yari sa pagitan ng tatlo , kung sya din naman kasi ang nasa kalagayan ni Maddie siguradong mag rerebelde din sya . may isa lang naisip si Alyssa dahilan para mapangiti sya . 

Aly - " May isa akong tanong  ... Bakit parang pakiramdam ko takot kang maging mag kaibigan na yung dalawa ? " 

Bea - " tignan mo ang ng yayari , ito ang kinakatakot ... siguradong babawi si Jho kay Maddie at iiwan na nya ako , nakikita ko din naman kasi kay Jho na gusto nyang humingi ng tawad kay Maddie ... kahit ano handa nyang gawin para lang bumalik ang pag kakaibigan nilang dalawa na sinira ko dahil lang sa kaduwagan ko " umiiyak nyang saad " Kahit pa iwan nya ako gagawin nya ... " 

Nerdy FighterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon