Hiyaw !! dapat hindi ko 'to iuUD eh .. pero makulit si Master hahah XD :D pagtyatyagaan daw nya kahit sabaw hahaha
kaway kaway din kay Idol Miah Merill Ramos XD :D Ayan Dre binati ko na huh ! sana naman matahimik na yung inbox ko kakakulit mo sa'kin -_- naku naku ! hahaha XD :D Hi Idol Miah (n_n) pinapabati ka nya hahah ito lang masasabi ko sa'yo .. wag kang maniwala sa mga sinasabi nyan .. Huling naging girlfriend nyan namatay sa gutom wahahaha XD :D Choss lang ! Love ko yan eh (Pwe -_-)
So yun lang .. Enjoy Idols
------------------------------------
Aly - " Caymo .... Alyssa Caymo Valdez " saka nya tinangal ang salamin at tumingin ng seryoso kay Larry
nagtaka ang lahat ng bangitin ni Alyssa yung 'Caymo ' , pero mas nag taka sila ng makitang pinagpawisan ng malamig si Larry . nag taka din naman si LA kaya naman lumapit silang dalawa ni Myco kila Dennise .
Larry - " ca-caymo ?? Va-Valdez ? "
binitawan naman ni Martin si Dennise at nilapitan si Alyssa .
Martin - " Alyssa ... Caymo ... Valdez ... pamilyar yung pangalan mo "
inisip ni Martin kung saan nya ba narinig ang pangalan na yun , si Dennise tumingin lang kay Alyssa . Hindi alam ng dalaga kung ano ba ang nasa likod ng pangalan ni Alyssa pero dahil sa itsura ni Larry Revilla , mukhang may malalim itong ibig sabihin " sino ka ba talaga Alyssa .." sa isip na lang nya
parang naramdaman naman ni Alyssa na nakatingin sa kanya si Dennise ,may halong pag tataka . Hindi na din naman sya nagulat kung walang makakilala sa kanya pero alam ni Alyssa na kapag binangit nya ang kaisa isang pangalan na 'to . mahahalungkat ang tunay nyang pag katao . Hindi lang nya makayanan na iwan sa ere si Dennise at nag papakasaya ang mga asong ulol sa paligid nya .
Martin - " natatandaan ko na ..." bakas sa kanya ang gulat " nag iisang Anak nila Lita at Anthon Vladez ..."
marahan na tumango si Alyssa kay Martin ,
Martin - " pero i-imposble ... "
Larry - " tama si Martin !! talagang imposible !! paanong may nakaligtas sa pag sabog nuon----"
Den - " pag sabog ?? "
naramdaman ni Dennise na may humawak sa kamay nya , tinignan nya kung sino yun at napanatag ang kalooban nya ng makita si ALyssa . Ngumiti ng marahan si Alyssa kay Dennise bago tumingin ng seryoso kay Larry na bakas pa din ang gulat .
Aly - " Mabuti naman at naalala nyu pa din ... Oo , may nakaligtas .. "
napansin nila Coach Cha na parang may galit sa mga mata ni Alyssa , hindi nila alam ang dahilan kung anong yung tinutukoy na pag sabog pero iisa lang ang nasa isip nila . Isa si Alyssa dun sa tinutukoy nilang pag sabog .
napatingin si Alyssa kay LA habang hawak pa nito ang kamay ni Dennise
Aly - " Hindi ko hahayaan na mag dusa si Dennise sa Asong mukhang PUGO " seryoso nitong saad
napangiti na lang si Mich sa likod ni Alyssa at tumingin din kay LA , si Dennise naman wala ng pag lagyan ng tuwa . kahit papaano kaya din palang tumayo at lumaban ni Alyssa para lang sa kanya . kaya naman napahigpit ang pag hawak nya sa kamay ni Alyssa habang may ngiti sa kanyang labi .
BINABASA MO ANG
Nerdy Fighter
Fanfictionhang kailan ka tatakbo ? Hanggang kailan ka matatakot ? Hanggang kailan mo tatalikuran kung sino ka talaga ? Dennise Lazaro , sikat sa campus at hinahanggan ng lahat .. matagal na nyang inaapi si alyssa pero dadating ang oras maiiba ang tingin nya...