Oh buti na lang nakapag UD HAHAHA dami ng sumusubaybay eh heheh kakatuwa naman ^_^ mas lalo akong gaganahan mag sulat HAHAH XD Enjoy Idol's ! (n_n)
---------------------------------------------
hinatak na ni Ella ang dalawa habang hindi binibitawan ni Alyssa ang kamay ni Dennise , tinignan din naman ni Dennise yung kamay ni Alyssa sa kamay nya , gusto nya itong alisin ng marahas pero parang nanaig ang mas gusto nya itong hinawakan sya .
Ella - " yan pumila na kayo dyan .. "
Aly - " teka saan ka pupunta ? "
Ella - " may bibilhin lang .. " binulungan nito si Alyssa " hawakan mo yan huh .. matatakutin yan eh ! "
sasagot pa sana si Alyssa ng pabulong pero sinipa lang naman ni Dennise ang paa nya , napangiiwi naman si Dennise kesa kay Alyssa . naramdaman na naman kasi ni Dennise yung matigas na bagay sa binti ni Alyssa .
Aly - " hala sorry ulit "
Ella - " oh sya maiwan ko muna kayo ! babye Aly hhahah "
lumuhd naman si Alyssa para pantayan si Dennise at tinulungan nya itong mahimas ang paa ,
Den - " tsk ! ano ba kasi yang nakakabit sa binti mo !? "
Aly - " ah wala .. " ngumiti na lang ng alanganin si Alyssa " ah si-sigurado ka bang gusto mong sumakay dito ? okay lang naman kung sa iba tayo"
Den - " bakit natatakot ka ? " ngumiti na lang ito ng nakakaloko " Nerd "
napahinga na lang ng malalim si Alyssa dahil bumalik na ang kasungitan ng babaeng kaharap nya , hindi lang iyon minaliit na naman sya . gusto nyang matawa dahil isa ito sa mga nagustuhan nya sa dalaga .
tumayo si Alyssa at kinawit nito ang kamay nya para maalalayan si Dennise sa pag tayo , nagulat naman si Dennise dahil pamilyar sa kanya ang ginagawa ni 'Fighter' . nag alangan syang kunin iyon pero tinangap din ni Dennise ang kamay ni Alyssa at marahan syang tinayo .
Aly - " tignan na lang natin kung sino ang takot " ngiting sabi nya
hindi alam ni Dennise kung anong meron sa ngiting iyon pero napangiti na lang din sya at tumango dahil sa pang hahamon ni Alyssa .
nakasakay na silang dalawa sa Ferris wheel , tulad ng inaasahan ng marami hindi mag katabi ang dalawa . mag katapat lang pero ayos na yun para kay Alyssa para makita din nito ang itsura ni Dennise , ang mga mata at ang mga ngiti nito na halatang peke lang .
paano ba naman nung pag angat lang ng konti ng sinasakyan nila , gusto ng sumigaw ni Dennise dahil sa takot pero hindi lang nya ito pinapahalata . ayaw nitong makita ni Alyssa na takot sya .
napangiti na lang si Alyssa dahil napapikit na si Dennise dahil takot sa pag kakalula , napahawak na lang sya bigla ng mahigpit sa bakal ng biglang gumalaw ang sinasakyan nila . hindi alam ni Dennise si Alyssa ang dahilan ng pag galaw na iyon , tinabihan kasi sya ni Alyssa .
BINABASA MO ANG
Nerdy Fighter
ספרות חובביםhang kailan ka tatakbo ? Hanggang kailan ka matatakot ? Hanggang kailan mo tatalikuran kung sino ka talaga ? Dennise Lazaro , sikat sa campus at hinahanggan ng lahat .. matagal na nyang inaapi si alyssa pero dadating ang oras maiiba ang tingin nya...