I' m BACK!!!! HAHAHAH sorna Idol's medyo busy lang , hindi ko kayo nakalimutan .. :) dapat kahapon ko pa ito iUUD ang kaso yung mabait kong kuya hindi nag pahiram ng loptop hahah bait nya noh ! sumang-ayon kayo dali hahah XD :D Ito na Idols ! Enjoy (n_n)
--------------------------------
PRRRTT!!
Coach CHa - " GISING ! GISING ! GISING !!!!"
agad naman silang naalipungatan dahil sa kakatambol ni Coach Cha ng kaldero habang nasa kalagitnaan sila ng pag tulog . napabalikwas naman si Alyssa kahit pa masakit ang katawan nya at agad na kinuha ang salamin nya at sinuot na nya agad .
Aly - " ha !? sunog ? asan ? dali bea ! "
agad na sana syang tatakbo papunta sa hagdan ng bigla nyang maramdaman na may tumama sa ulo nya ,
Aly - " aray !! " dinampot nya naman yung tumama sa ulo nya " tsinelas ? "
Coach Cha - " Oa ka kasi ! akin na nga yan ! " sinalo naman nya agad yung tyinelas nya " oh ! oh ! san sa tingin mo ikaw pupunta ? nakatayo ka na din naman .. bumaba ka na din "
hihiga na sana ulit si Alyssa ng bigla syang pinigilan ni Coach Cha , hindi lang sya . halos lahat sila . nag taka naman si Alyssa at tinignan yung relo nya at halos nanlaki ang mata nya saka nya hinarap si Coach Cha .
Aly - " Coach Cha ala una palang ng madaling araw !! "
Coach Cha - " nag rereklamo ka ? "
Aly - " sabi ko nga tatayo na ako .. hoy ikaw din Bea gumising ka na at tumayo ! "
Bea - " bakit ako !? ugh ! inaantok pa ako eh ! " nag talukbong sya ng unan pero inalis ito ni Alyssa " ano ba !? "
Aly - " hay naku ! wag ka ng mag reklamo kung ayaw mong mag almusal ng sermon ni Coach Cha .. "
tumayo na si Bea at yung iba , maliban lang kay Dennise . nag taka naman sila dahil ang himbing pa ng tulog ni Dennise samantalang ang lakas ng pag babalentong ni Coach Cha . dahil katabi ito ni Ella sya na ang sumilip .
Ella - " anak ng ! kaya pala hindi magising gising ! may nakasalpak sa tenga nya ! "inalis naman ito ni Ella saka sumigaw " SUNOGGGGGGGGGGG !! "
napaupo naman si Dennise at nagkauntugan silang dalawa , kaya pareho silang napa aray . dahilan para matawa ang lahat .
Den - " bwisit ka naman liit ka ! ang sarap ng tulog ko ! ugh ! ano bang problema mo !? "
Coach Cha - " bakit na sa'yo ang gadgets ?! "
mabilis naman naigala ni Dennise ang paningin nya at halos nag taka sya dahil gising na ang lahat at yung iba nag liligpit na ng higaan . napatingin naman sya kay Coach Cha at napangiti na lang sya ng alanganin ng makita nyang nakataas ang kilay nito .
Coach Cha - " oh sya ! mag ligpit na kayo at bumaba na ! " tumalikod na ito at nauna ng bumaba sa iba
pag baba palang ni Coach Cha nakita nito si Mang Tai sa dulo ng hagdan , nakita naman ni Mang Tai ang pag hinga ng malalim ni Coach Cha , kaya bago pa ito lumagpas sa kanya nag salita na ito .
BINABASA MO ANG
Nerdy Fighter
Fanfictionhang kailan ka tatakbo ? Hanggang kailan ka matatakot ? Hanggang kailan mo tatalikuran kung sino ka talaga ? Dennise Lazaro , sikat sa campus at hinahanggan ng lahat .. matagal na nyang inaapi si alyssa pero dadating ang oras maiiba ang tingin nya...