LIZZY
Grabe huhuhu! Ano ba kasing ginawa ko? Nadala ako masyado ng emotions ko, gawd. Tumakbo nalang ako palayo at sakto naman ay binubuksan na ng mga guards ang gate. Pinuntahan ko ang parking at nakita doon na natutulog si Manong Mario sa loob ng sasakyan. Kumatok ako sa bintana at agad naman siyang nagising at nag-panic.
"Ay M-Miss sorry po! Akala ko po kasi mamaya pa kay--"
"Okay lang po. Tara na, uwi napo tayo.." Nginitian ko siya.
"S-Sige" siguro nagulat siya dahil maaga pa para umuwi na.
Tahimik lang ang naging byahe at tanging radio lang ang nag-iingay.
Nakarating kami sa bahay ng 11:30 pm. Nag-half bath lang ako at hindi na kumain. Nag-lock ako ng pinto dahil panigurado ay magtatanong si Kuya, baka na rin si Ate.
Dahil hindi pa ako makatulog ay naisipin kong buksan ang laptop at nag-research nalang.
Typing...
'Pandora's Box'
Bawat Gods at Goddesses ay binigyan siya ng gift like beauty and more positive traits. Pero meron isa ay nagbigay sakanya ng curiosity. Binigyan siya ng isang box at binilin na huwag buksan ito. Pero dahil sobrang curious na siya, nilabag niya ang utos sakanya. Nagulat siya ng lumabas ang hatred, jealousy at iba pa. Kaya naman sinara niya rin ito kaya may natira pa at yun ay yung 'hope'. Kaya huwag tayong sumuko dahil kahit na ano mang pagsubok ang pagdaraanan natin, meron laging hopez
Yan ang pagkakaintindi ko sa nabasa ko. Although nabasa ko na to multiple times, parang bago parin sakin. Ang ganda kasi ng message pero sa ibang versions yata ay negative ang meaning na to dahil sabi nila kung hindi dahil din ay sana perfect and world. Hindi rin diba?
Ng mapagod na ako ay natulog na ako.
~~~~~~
Pagkagising ko ay bumaba na ako para mag-almusal pagkatapos ay maligo at mag-llock na sa kwarto. Tinatanong ako ni Kuya if okay lang ako, syempre hindi naman pweding sabihin hindi. Saturday and Sunday ay ganun lang ang ginawa ko hanggang sa mag-Monday na at kailangan ko ng pumasok.Act normal, Lizzy. Be happy. Keep your positivity. Boost your confidence.
'Huhuhu! Ang hirap'
Okay... Naglakad na ako papasok at dumiretso na sa room. Ngiti lang ako ng ngiti na para bang walang nangyari. Halos wala naman kaming ginawa kung hindi mag check ng exams.
*Lunch Break*
"Tara na sa table nina Khin, Inah!!! Yieee!" Naka-ngiting anyaya ko sakanya.
"B-Bakit naman don?!" Umiwas siya ng tingin sakin kaya naman napa-ngisi ako.
"Alam ko namang miss mo na si Khin, kuwnari pa to tss!" Pang-aasar ko sakanya kaya naman nainis siya pero hindi niya naman ako iniwan kaya umupo na ako sa harap ni Jayzen, sa tabi ko ay si Inah, kaharap niya naman si Khin.
"Nasan si Ico?!" Naunahan ako ni Inah sa pagtatanong. Nagkibit-balikat lang si Jayzen kaya naman si Khin ang sumagot.
"Ah, umalis sila ng parents niya"
BINABASA MO ANG
Musically In Love (COMPLETED)
Подростковая литератураLIZZY ALIZUMA. Pangit. Super Hirap. Tahimik. Maitim. Mangmang. Walang talent. MATAPANG "DAW"! Yan ang mga katangiang wala sa kanya, kaya huwag na ninyong hanapin dahil mapapagod lang kayo. Mahina man siya sa pag-ibig sa inyong paningin, sa mga des...