Musical #10

565 8 0
                                    

LIZZY

"B-Bakit ka umiiyak ate?" Nagtatakang tanong ko sakanya. Yumakap lang siya sakin bago nagsalita.

"L-Lizzy....." Nabasag ang kanyang boses at humagulgol habang magkayakap kami.

Sht, anong meron?

"A-nong meron ate? Please tell me... May problem-"

Natigil ako sa pagsasalita ng bitawan niya ang mga salitang yun.

"D-dad!! Si Dad!! Li-Lizzyyy si daddy!!! P-patay na.. He's gone..."

Tinawanan ko lang siya.

"Stop joking... Hahahaha!" Tumawa lang ako pero natigil din ng dumating si kuya Opti.

"T-Totoo yun..." Sabi niya habang pumatak ang kanyang mga luha na agad naman niyang pinunasan.

"Shut the f*ck up!!! You guys are not funny hahahaahhah!" Tumawa ulit ako pero napatigil ako sa pagtawa ng yakapin ako ni Kuya.

"Lizzy... L-let's go home..." Pumiyok ang boses niya.

Hindi ako nagsalita. Hindi ako makapaniwala. Gusto kong umiyak. Pero... Walang lumalabas na luha.

Sinong pumatay?! Paano siya namatay?! Aksidente ba?! Anong oras?! Bakit di niyo agad sinabi sakin?! Anong nangyari?!

Andaming tanong sa utak ko pero walang lumalabas sa bibig ko. Wala paring luha! Shit! Natulala lang ako sa langit at parang nakita ko yung mukha ni daddy. He's smiling at me.

No! No! Hindi yun totoo Lizzy. Hindi okay?

"Tara na..." Sabay hila sakin ni Kuya at Ate palabas ng school. Hindi ko alam pero ngayon ay nasa bahay na agad kami. Hindi pa rin ako nagsasalita.

Hindi ko pa kayang magsalita.

Dumeretso ako sa loob ng bahay at naaninag ko agad ang isang mukha. Si daddy. Na may nakapalibot na ilaw. Shit! Picture lang pala!

May nakita na akong nakahiga doon sa ... Wala wala!

Lumapit ako kay Mommy... Ngumiti ako.

"Mommy nasa kwarto ba si daddy?" Tanong ko habang naka-ngiti.

Lumuluha si Mommy at yinakap niya agad ako. Agad naman akong kumalas at tumakbo paakyat ng hagdanan. Naramdaman kong may mga pumupgil sakin pero wala akong pinakinggan.

"Daddy!!! Nandito na akooo! Nandyan kaba sa taas? Halika na baba kana... Sabay tayong kumain..." Katok ako ng katok sa kwarto nila pero walang sumasagot. "Daddy buksan mo na dali na..." Ngumiti pa ako pero natigilan ako ng may yumakap sakin mula sa likod.

"Lizzy, wala na si Daddy..." Umiiyak pa rin siya habang sinasabi niya yon.

"Hahahhaha! Grabe ka naman magbiro kuya eh..." Tawa ko at tumakbo na papasok sa kwarto ko at nag-lock.

Hindi ako maka-iyak. Ang sakit. Pero naisip ko ang mga tao sa labas. Siguro mas lalo silang nasasaktan ngayon kesa sakin. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako pero nagising rin ako dahil sa ingay sa baba.

Musically In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon