LIZZY
"So class, which battle of 1571 marked the end of the Ottoman naval supremacy in the Mediterranean?" Tanong ni Miss Aemie samin.
Walang nag-taas kaya naman abot tenga ang ngiti ko habang ganadong-ganadong tinaas ang kanan kong kamay.
"Yes Ms. Alizuma?" Aniya na para bang hindi makapaniwala na alam ko ang sagot. Kaya naman lahat ng classmates ko ay tumingin sa likod, sa pwesto ko.
Nginitian ko silang lahat, yung pinakamalaki kong ngiti.
d ^ _ ^ b
"The Battle of Lepanto! It was a naval engagement taking place on 7 October 1571 in which a fleet of the Holy League, a coalition of European Catholic maritime states arranged by Pope Pius V, led by Spanish --"
Naudlot ang pagsasagot ko dahil pinahinto na ako ni Miss.
"Okay okay, thank you Ms. Alizuma. You may sit down." Natatawang sabi niya at pinagpatuloy ang discussion namin.
Nakikinig lang ako habang abot tenga pa rin ang ngiti.
d ^ _ ^ b
Syempre dapat good vibes lang. Yan kasi ang turo nina Mommy. Dapat laging masaya. We should be always thankful for everything. We should smile every minute. We should b--
Nahinto ako ng sumigaw si Miss Aemie.
"CLASS! No one knows the answer? Seriously?!"
Nawala ang ngiti ko sa labi at pinatong ko ang dalawang kamay sa desk ko. At ng di ako mapakali ay nagtaas na ako ng kamay upang tanungin kung ano ang question.
Syempre, nung nagtanong ako ngumuti ulit ako, yung bonggang bongga!
d ^ _ ^ b
"James Brine died in Ontario, Canada, in 1902 - he was a member of which group? Make sure you'll answer this correctly Ms. Alizuma or else your class will be given a surprise quiz today and you won't be dismiss on time"
At tinuro niya pa ako. Galit na siya at seryoso na talaga.Hala!!!!! Kinabahan ako dahil di ako sure kung tama ba yung nasa isip ko pero syempre nakangiti pa rin ako. Hinintay ko lang siyang matapos at sumagot.
"The Tolpuddle Martyrs, Miss. It's a group of 19th century Dorset agricultural labourers who were arrested for and convicted of swearing a secret oath as members of the Friendly Society of Agricultural Labourers." Confident na sagot ko habang ngumingiti.
Napanganga naman ang mga classmates ko kaya kumunot ang aking noo pero naka ngiti parin syempre naman!
"Very good, class dismiss" Nakangiting paalam niya at kinuha na ang mga gamit sa mesa at naglakad na palabas.
"Hoy Liz!" Tawag sakin ng seat mate ko slash best friend slash close friend.
Liningon ko ang left side ko, dun kasi yung pwesto niya.
"Ano Inah Fovilion?" Nakangiting tanong ko.
"Saan mo nakuha mga sagot mo kanina? Psh!" Nag-taas pa siya ng kilay ba akala mo talaga masungit.
Sinenyasan ko siya na lumapit sakin gamit ang isang daliri ko. Pinaparating ko sakanya na bubulong ko ang sagot ko sa tanong niya at nakuha naman niya agad yun kaya tinutok niya ang tenga sa akin.
"Sa isip ko" natatawa kong sagot kaya naman na-asar siya at naningkit ang mata.
"Psh! Ewan ko sayo, di na tayo bate!" At kunwaring tinalikuran ako. Nagtatampo daw siya. Tss.
BINABASA MO ANG
Musically In Love (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsLIZZY ALIZUMA. Pangit. Super Hirap. Tahimik. Maitim. Mangmang. Walang talent. MATAPANG "DAW"! Yan ang mga katangiang wala sa kanya, kaya huwag na ninyong hanapin dahil mapapagod lang kayo. Mahina man siya sa pag-ibig sa inyong paningin, sa mga des...