Musical #11 Dance With My Father

586 8 0
                                    

JAYZEN

Saan pupunta yun? Masyado na akong nacurious kung anong meron. Siguro... Nag-aalala lang ako dahil sa mga inaasta niya.

Nakita ko nalang ang sarili ko na sinusundan siya pero hindi ko siya nilapitan. Patuloy lang siya sa paglalakad at mukhang alam ko na kung saan ang punta niya.

Nagbalikan na ang mga students sa mga room dahil tapos na ang lunch pero si Lizzy ay hindi lang pinansin ang kanilang classroom at naglalakad parin.

Pumasok siya sa music hall. Aalis na sana ako dahil baka doon nalang siya kaya lang ay nakita ko siyang lumabas na may bitbit na piano sa side niya. Hindi masyadong mahaba ito katulad ng iba dahil siguro pwede itong dalhin kahit saan.

LIZZY

Pagkatapos kong kunin yung piano ay pumunta ako sa RL. Walang tao dahil oras na ng klase. Siguro ay alam na ng mga teachers ang tungkol kay Dad.

Umupo ako sa damuhan at nilapag ko na ang dala-dalang piano. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang gagawin ko dito. Gusto ko lang kumanta, talaga.

Hinaplos-haplos ko ang mga white keys bago tuluyang pinindot ang mga ito.

Naglabas ito ng napakagandang ritmo. Hindi muna ako kumanta dahil inulit-ulit ko ang intro. Siguro sa ibang tao ay nakaka-iyak ito pero ako, hindi ako naiiyak. Nalulungkot.

"Back

when I was

a child..."

Hindi ko alam pero parang pumiyok ako. Nabasag ang boses ko.

"Before life removed

all the

innocence"

H-Hindi to pwede.

"My

father"

Natigil ako ng kusa dahil na-alala ko na si Daddy. God, please take care of him.

"would

lift

me high"

Na-alala ko ito, nung bata pa ako. Lagi niya akong binubuhat dahil tinatamad ako o kaya naman ay gusto ko lang. Yung mga panahong kapag nanonood kami ng isang palabas ay hindi ko makita kaya bubuhatin niya ako.

"And dance

with my mother

and me

and then

Spin me around

til I

fell asleep"

Musically In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon