Musical #8 The Music Party

692 12 1
                                    


JAYZEN

Ha! Natulala siya.

Pagkatapos ko ay marami pang ibang kumanta. Hindi namin namalayan ang oras kaya nagulat kami ng sabihin na tapos na Music Game pero hindi pa raw tapos ang party at kantahan.

"You may now request a person to sing and you may send messages. You're allowed to be anonymous if that's what you want. Thank you! Let's enjoy the party! Keep calm and relax students!"

At nagsigawan na ang mga tao. Too loud!

"Pwedi na bang umuwi?" bulong ni Lizzy sa best friend niya.

Bakit naman nagmamadali to? Ayaw niya sigurong kumanta.

"Anyare sayo?! Hindi pa no!" sigaw naman sakanya ni Inah.

Hindi naman siya sumagot at binalik nalang ang paningin sa kumakanta sa stage. Maya maya pa ay nagsalita rin si Khin kaya napalingon kami sakanya.

"Ayos ka lang ba?"tanong niya kay Lizzy. Hindi tinignan ni Lizzy si Khin pero tumango lang siya. Hindi siya ngumingiti kaya nagtataka na kami.

"Hoy umamin ka nga!! May mens ka ba ha!?" sigaw ni Inah kaya naman natawa kami pero natigil din ng sumagot si Lizzy.

"Oo bakit. Masama?" sagot niya pero hindi parin siya tumitingin samin!

"Omaygaaaad!"nilagay ni Inah ang dalawang kamay sa bibig niya at nanlaki ng mata. "DALAGA KANA! KAILAN PA HA!?" biro ng best friend niya sakanya.

"Grade 7." maikling sagot niya.

Ang seryoso niya ngayon ah?

Nanahimik nalang kami dahil hindi rin kami magkakarinigan kung magkukwentuhan dahil sa sobrang ingay. Pagkatapos kumanta ng isang lalaki para daw sa best friend niya ay nagsigawan ulit ang mga tao. Nagulat naman ako ng sabihin ng president and pangalan ko.

"Jayzen Orizal, what song would you like to dedicate for me? Sing please, baby. From, Arianity Alizuma, your baby!"

What the hell?! Is she out of her mind?

Wala na akong nagawa dahil hinila na ako ng mga kaibigan niya papuntang stage kaya naman nag panic na ako dahil wala akong alam na song para sakanya. Puro love lang naman kasi lagi yung mga meaning ng songs! Damn!

At ng may naisip na ako ay agad kong kinuha ang microphone at nilagay sa stand at di na nag-abalang kumuha ng upuan at kahit na anong instruments. Mabilis lang to...

I cleared my throat and nilagay ang dalawang kamay ko sa bulsa.

May mga sumisigaw naman na ang hot and gwapo ko daw kaya napaisip ako. Ganon rin kaya yung iniisip ni Liz?

Damn, she should understand this song. Baka magkamali sila ng intindi. Tinignan ko naman ang mga kaibigan ko at naka-ngisi ang loko. Si Lizzy ay parang wala lang, seryoso siya habang nakatingin sakin.

Musically In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon