Musical #21

460 5 0
                                    

LIZZY

"So here comes the girlfriend huh?" Taas kilay na sabi sa akin ni Ate Arian nang makasalubong ko siya at ang kanyang mga kaibigan sa corridor ng school.

"So... My dear sister... I'm so happy for you" ramdam ko ang pagka-sarkastiko sa kanyang boses.

"Ate... I have to go... Lunch time is about to end, I have to go right now." At nagsimula ng humakbang palayo.

Narinig ko pa siyang tumawa ng kaunti pero hindi ko nalang pinansin dahil baka mahuli pa ako sa aking klase.

Araw-araw akong sinusundo ni Jayzen sa 'min pero kapag umuuwi ay minsan hindi kami nagkaka-sabay dahil iba ang kanyang schedule sa 'kin. Sabay rin kaming kumakain ng lunch at kasama ko rin siya tuwing break time.

Magmula nang maging kami ni Jayzen ay hindi ako pinapansin ni Ate. Kung kakausapin niya man ako ay magtataray lang siya kaya minabuti ko nalamang na huwag siyang kausapin kung maaari.

Laging ganoon ang eksena namin araw-araw.

Ngayon ay sabado kaya naman hindi ko muna makikita si Jayzen. Aalis daw kasi kami nila mommy.

Mabilis na lumipas ang oras at oras na ng pag-alis namin. Bumaba na ako at nakita ko si mommy at kuya na naka-upo sa may sofa.

"Oh ayan na pala si Liz..." Nginitian ko si kuya pero nawala rin yun nang makita ko si Ate na kasunod ko sa hagdan. "Tara na? Kumpleto na tayo..."

"Let's go.. We'll be using only one car okay? Opti will drive.."

"Sure mom..."

"Let's go, I'm in a hurry mommy..." Sabi ni ate ng makasakay kami sa car. Si mommy sa front seat at kaming dalawa ni ate sa likod.

"Where are you going, Arianity?" May pagkadiin ang pagkakasabi ni mommy sa pangalan ni ate. Hindi ko nalang sila pinansin at kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng pants ko.

Merong dalawang message na galing kay Jayzen at tatlo naman galing sa mga kaibigan ko.

From: Jayzzzz <3
Hey, baby.

Baby?! Seriously? Napa-ngiti ako sa text niya kaya naman nilingon ako ni ate. Nginitian ko lang siya at tumingin na ulit sa phone.

From: Jayzzzz <3
I miss you... What are you doing?

Nag-type agad ako ng reply.

To: Jayzzzz <3
Baby? Hahaha! I miss you too. We're on our way to a hotel. I don't know exactly where. Where are you?

Mabilis akong naka-tanggap ng reply.

From: Jayzzzz <3
Don't you like the 'baby' baby? I'm just checking on you. I'm home... Please, take care, baby.

"Eww, baby? The fuck? Corny."

"What's your problem ate?" Nakakunot ang aking noo dahil sa reaction niya.

Hindi siya sumagot kaya naman nag-type nalang ako ng reply.

To: Jayzzzz <3
Hahaha! Korni raw yun eh. Take care too.

Pagkatapos kong nag-reply ay binuksan ko ang ibang messages.

From: Kuya Rei
Hey, Liz! :) Pwede ka ba sa Tuesday? Chill sa bahay with friends. Don't worry, kasama yung baby mo. We need a singer eh. :D Just kidding, of course you're a friend of mine. ;)

Baby ko? Hahaha! Kaklasi niya nga pala su Jayzen. Wait so kasama si ate?

To: Kuya Rei
Sure! Wala naman akong gagawin eh. :-) See you, kuya reiiiiiii!

Binuksan ko yung iba at dahil wala akong magawa ay ni-reply-an ko nalang.

From: Inah
Bwiset ka! Anong sinulat mo sa wall ko? "Gwapo mo" tf, Lizzy?! :(

To: Inah
Hehehe. Labyu.

From: Ate Kate Salvador
Liz!!! I miss you na! Hope to see you soon! Malapit na akong umuwi yeheeeeey. Bantayan mo kapatid ko ah? Hihihi muah muah tsup tsup.

To: Ate Kate Salvador
Hello, Ate! :D Miss na rin kita. Take care, mwa.

Si Ate Kate ay kapatid ni Axzine. Nasa California yata siya. Ka-close ko ang ate niya dahil super bait nito. Mahilig din siyang kumanta. Bestfriend ko rin kasi si Axzine, hindi lang talaga halata.

"Lizzy ang tagal mo bumaba ka na nga!" Natigil ako sa sigaw ni ate.

Bumaba na agad ako at sumunod kay mommy. Nandito na pala kami.

"Let's proceed to the rooftop, Liz.. Arianity."

Tumango lang ako sumunod nalang sakanila.

Ng makarating kami sa rooftop ay nakita ako napakalawak na pool at sa gilid ay mga tables and chairs. Umupo na kami sa itinuro nung staff kanina.

"May kasama ba tayo, mom?"

"Yes, we'll wait for them, first. You can swim if you want to." Sagot ni mommy kay ate. Sino kaya? Ang pangit pa naman ng suot ko. Poli shirt lang at pants.

"I'll just wait. I don't wanna swim baka mangitim pa ako.." Maarteng sabi ni ate. Tumawa naman si kuya kaya napatingin ako sakanya.

"Gabi na kaya... Lizzy tara tayo nalang..."

Agad akong tumayo at hinila si kuya.

"Sure kuya!!! Pero wala akong susuotin" nag-pout pa ako.

"Boy scout ako right? Nag-dala na ako, pinagdala na rin kita... Oh.." Inabot niya sakin ang paperbag at agad ko namang tinignan ang laman nito.

"Hahaha! Protective talaga si kuya! Shorts at sleeveless?" Tumawa ako. Tinaas niya ang kamay niya kaya nag-apir kami. "Nice taste kuya! Bihis lang ako!"

Mabilisan akong nagbihis at hinanap ko agad ko si kuya. Nagulat ako ng nasa pool na pala siya kaya naman nag-dive agad ako at lumapit sa kanya. Hinila ko ang paa niya kaya naman tawa ako nang tawa. Hindi ko namalayan na hinila niya rin ang paa ko sa ilalim kaya naman lumubog ako sa tubig. Siya naman ngayon ang tumatawa.

"Kuya ang muntik na akong mamatay!" Sigaw ko sakanya pero natatawa pa rin ako.

"Hahaha! OA mo! Hahahahhahaha- oh andyan na pala sila! Halika na Liz, mamaya nalang yan." Kinindatan niya ako at ng maka-ahon siya at iniabot niya ang kamay niya sa'kin para tulungan akong umahon.

Bakit nandito siya?

"Hindi mo ba lalapitan yung boyfriend mo Liz?" Ngumisi pa si kuya.

Sila ba yung hinihintay namin? Bakit hindi sinabi ni mommy? Tss, ang pangit pa naman ng suot ko.

To be continued...

Thanks <3






Musically In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon