××× Shane's Point of View ×××
Pababa ako nang hagdan nang biglang may nag doorbell. Napasilip ako sa wall clock sandali. "9:44 pm na." At may nagdo-doorbell pa. Nakaka-kaba naman, baka kung sino na yang nagdodoorbell. Sinilip ko muna sa bintana yung para makita ko yung nagdodoorbell, deretso lang syang nakatayo sa gate.
Hindi kaya man in black hood ito? WAAAAAAH! nakakatakot talaga. Lumapit na ako sa gate "Sino ka?" Tanong ko. "Pssst! Shane! Ako'to!!!" Nagulat ako nang marinig ko yung boses ni Miss El, agad ko namang binuksan yung gate.
"Miss El? Bakit?---Akala ko tulog ka na sa taas?" Gulat kong tanong ko sa kanya. Ngumiti lang sya ng pagkalaki-laki na abot hanggang tenga. Nakainom ba 'to si Miss El?
Pumasok na sya sa loob ng bahay at dere-deretsong pumasok sa kwarto. "Miss El, anung bang nangyari sayo? Nalasing ka ba?"
"Ako lasing? Kailan pa ako uminom shane?" Abnormal. Ugh. Mukha syang pagod na pagod. Kanina pang ala-una yung uwian ah, bakit naman sya ginabi sa paguwi. "Miss el, magpalit ka na ng damit, baka lalo pang madumihan yung uniform mo eh." Pumasok sya sa dressing room nya at nagpalit. Pagkatapos ng ilang minuto, binigay nya sa akin yung uniform nya at agad agad na lang natulog. Hays, Ewan ko na lang talaga.
Lumabas na ako sa kwarto ni Miss El, at dahan dahan sinara ang pinto ng kwarto nya. Naguguluhan na ako kay Miss El ngayon. Hays...
××× Elaine's Point of View ×××
Its 3:23 in the morning, pababa ako nang hagdan para kumain. Hehe! Alam kong isang linggo akong bawal kumain kapag madaling araw pero naalala ko yung sinabi ni Jax..
"Breaking the rules are one of the coolest things."
Kaya eto ang lakas ng loob kong magnakaw ng pagkain. Medyo madilim pa naman kaya sure akong di ako makikita.
Kumuha ako sa ref ng raspberry juice. May nakita din akong pizza kaya kinuha ko na. Inilapag ko sa lamesa at umupo sa high stool na upuan. Habang busy sa pagkain, narinig ko yung boses ni Dad na parang may kinakausap. Lumapit ako sa may pintuan ng bahay, para marinig ko lalo yung pinaguusapan nila.
"Good, that's very good. At dahil jan, malaki ang makukuha nyo." Rinig kong sambit ni Dad sa lalaking nakatakip ang mukha.
"Boss, anu nang gagawin namin sa lalaking yun?" Tanong naman nung lalaking kausap ni dad. "Pahirapan nyo lang sya at paaminin, wag nyo syang papatayin dahil ako ang mismong papatay sa kanya." Literal na napalaki ang mata ko sa gulat. Pagkaalis ng lalaki saka ako nagtago sa may kusina nang makita kong papasok si Dad. Tama ba yung narinig ko mula kay Dad? Papatayin? Ibigsabihin, may papatayin si Dad?
Papaano? Bakit? H-hindi. Hindi 'to maaari. Mabait si Dad, baka naman mali lang yung pagkakaintindi ko? Hindi eh. Ginapangan ako ng kaba kaya hindi na ako nakakain. Iniligpit ko na lang yung mga pagkain na kinuha ko at umakyat sa kwarto.
Mga ilang oras ang lumipas, hindi na ako nakatulog pa dahil paulit ulit kong naririnig sa isipan ko ang mga salitang binitawan ni Dad kanina. Hindi pa din nawala ang kaba ko kanina pa. Sana naman maging okay lang ang lahat. Sana walang anung masama ang gawin si Dad. Sama mali ang hinala ko. Sana....

BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Love (On-going & Editing)
Teen FictionWhat if loving someone will put you in danger? Would you still take the risk? Are you ready to love? and to sacrifice? ---- The story is unedited. There are still some grammar lapses and some errors. But im working on it. ==>01.29.16<==