Bad Chapter 19: Bestfriends date

20 1 0
                                    

Nakaupo ako ngayon sa hagdan ng entrance ng school. Inaantay ko si Clei na dumating, dahil magsosorry ako. Nakapagisip-isip kasi ako kagabi na ibalik lahat lahat ng mga nagbago. Siguro kasi mas nag-focus ako sa pagkakaibigan namin ni Jax kahit na hindi ko alam kung itinuring nya akong isang kaibigan. I'll try to fix up everything. Hindi ko na rin papansinin si Jax, sya naman may gusto nito eh. Edi okay. Sa araw na 'to hindi ko na sya papansinin. Back to zero ulit. Okay.

Nang makita ko si Clei papasok, tinabihan ko sya habang naglalakad. Medyo nagulat sya at parang naging mailap. "Hi Clei." Medyo nahihiya kong bati sa kanya. Ngumiti lang sya sa akin saka dumeretso ng tingin.

"Galit ka ba sa akin? Kung galit ka, naiintindihan ko. Pasensya ka na nga pala ah. Im so sorry kung bakit hindi kita pinansin, kung bakit kita nilalayuan these past few days. Gulong gulo kasi ako eh. May mga bagay na kailangan kong harapin magisa." Im trying to sound good to her. Gusto ko paniwalaan nya ako. Ayokong mawalan ng kaibigan.

"It's okay. I forgive you and I admit nasaktan ako sa ginawa mo kasi you know, being ignored is like you don't care about me anymore and It hurts my feelings." Nakatitig ako sa kanya habang nagpoproseso ang utak ko sa mga binitawan nyang salita.

"Being ignored is like you don't care about me anymore and It hurts my feelings."

We're exactly feeling the same. Being ignored. Siguro wala na nga pakialam sa akin si Jax, ay mali...wala nga pala talaga syang pakialam sa akin from the very start.

"Yeah, I feel you." Sabi ko sabay yuko.


"Are you okay? May problema ka ba? Wala kasi akong nabalitaan sayo mula nung last time na hindi mo ako pinansin eh."


Ngumiti ako para ipakita sa kanya na okay na okay lang ako. "Kung may problema man ako, malalampasan ko din 'to." sabi ko.

"Tama. Pero tandaan mo na nandito lang ako incase you needed someone to listen to you. I can be a mother, a friend and an advicer to you."


Why I shouldn't try her. Mukhang kaparehas din naman sya ni Melissa na pwede akong pakinggan. "Thank you, Clei ah. Anyway, I need your help. Gusto ko kasing makipag-bati kay Francine. I really missed her so much."


"Oh really? Sure! So what's the plan?"


Nagwink ako sa kanya at saka pinagusapan ang plano namin.


××× Clei's Point of View ×××

After three subject period, break time naaaaa! Maaga ako kumain para mahanap ko ka agad si Francine.

"Clei." Lumingon ako sa tumawag.

"Francine! There you are! Kanina pa kita hinahanap!" Hingal na hingal kong sabi.


"Bakit?" Tanong nya. "Mamaya, samahan mo ako after class. May pupuntahan ako eh and it's important."

"Who are you to command me?"

"Oh...is that a command? Whatever! Basta samahan mo ako pleaseeeee! Sige bye!" Paalam ko sabay takbo. Baka mamaya masabunutan pa ako o di kaya makalmot pa ako ng matutulis nyang kuko eh. Naka-salubong ko naman si Elaine, nagtama ang tingin naming dalawa atsaka ko sya binigyan ng approve sign.


Sabay kaming pumasok ulit ni Elaine sa loob ng classroom. Habang inaantay ang teacher namin, umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi nya. "Success!" Sambit ko.


The Bad Guy's Love (On-going & Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon