Bad Chapter 18: Being ignored

17 1 0
                                    

××× Elaine's Point of View ×××


Pagkatapos naming kumain sa McDo, bundat akong umuwi sa bahay. Pine-prepare ni Shane ang kwarto ko kaya nagaantay muna ako dito sa sala.





"Elaine..." tawag sa akin ni Mommy.





"Hmm..." sagot ko kahit hindi nakatingin, busy kasi ako sa pangangalikot ng phone ko habang nagcha-charge. "Hindi ka muna papasok bukas, you understand? Sabi ni Doc, mabibinat ka lang." Tumingala ako sa kanya. "Mom, wala naman akong lagnat eh." Pronta ko.





"No, you are not going to school tomorrow." Mariin nyang sabi.






"Puppy, listen to your mom once." Ngumisi ako. All my life I have always been listening to her, to the both of them. Bakit ba feeling ko pinagtutulungan nila ako ngayon?





"Miss El, okay na yung kwarto mo. Pwede ka nang umakyat."





Good! Hinatak ko ang charger mula sa saksakan at umakyat sa taas. Kaya ko namang maglakad kahit hindi na naka-wheel chair atsaka wala naman kasi kaming elevator para umakyat ako nang naka-wheel chair.





Pumasok ako sa kwarto ko at isinarado ng kaunti ang pinto. "Good Night, Shane!" Sabi ko. "Good Night din Miss El." sinarado ko na ang pinto ng kwarto ko at nagpahinga.





Kinabukasan


Pagkabukas ng mga mata ko, nakita ko ka agad ang pagkain sa gilid at may nakalagay pa na note.





Miss El! Kumain ka na! Papasok na ako sa school eh! Pagaling ka... -Love, Shane.





Ngumiti ako pero napalitan agad ng gulat. Tiningnan ko ang orasan. "Oh shit!" Bulalas ko. Im super late! nagmadali akong nagbihis ng jeans at jacket. Alam ko namang bawal akong pumunta sa school pero naalala ko yung sinabi ni Jax "Breaking the rules are one of the coolest things"





Hindi naman ako papasok, kailangan ko lang makausap si Jax. Basta I have this feeling na kailangan ko syang kausapin para malinawagan ako. Hindi kasi ako nasasatisfy kapag di ko nalalaman ang totoo. Para hindi ako mahalata, dumaan ako sa bintana ng kwarto ko at dun tumakas. Buti na lang di gaanong mataas ang kwarto ko, kaya nakatalon pa ako kahit na medyo kumirot ang tagiliran ko.





Nagtaxi ako papunta sa school. Nagbabaka sakali kung nandun sya, yun nga lang di ako makapasok. "Manong sa M-llei Hotel na lang po." Sabi ko kay Manong driver. Useless rin kasi ang pagpunta ko dun kung hindi naman ako makakapasok kaya sa Hotel na lang nya, baka dun ko sya makita.





Pagkarating namin sa hotel, binigay ko ang bayad sa driver at pumasok na sa loob ng hotel. Lumapit ako sa Reception desk. "Good Morning Mam, what can I do for you?" Tanong ng staff. "Is Mr. Williams is here?" Tanong ko.





"Sorry mam but Mr. Williams isn't here."






"Ah okay, thank you miss..." sabi ko sa staff. Umupo ako sa mini-couch sa gilid at napaisip. Kung ako si Jax ngayon? Saan kaya ako pupunta? Hmm... Tsss. Hindi ko maisip. Si jax pa?! Eh ang hirap hirap basahin ng utak nun eh. Isang genius mystery guy from nowhere na nakilala ko at ngayon eto, hinahanap ko...





Umakyat na lang ako sa hotel room nya at sa labas nya ng pinto ako naghintay. Mga ilang oras ang lumipas pero wala pa rin sya. Naaantok na ko, sigurado kung ako nasa bahay ngayon baka manuod na lang ako ng phineas and ferb at kumain ng kumain ng kumain. Well, that's what I usually do when I have no classes or when I didn't go to school. Mabuti na yun kesa aral ng aral, eh hindi naman nakakabusog. Aba! Dapat sa panahon ngayon, maging praktikal na tayo. Maraming tao ang nagugutom kaya dapat tayo kain lang ng kain para mabuhay, diba?





The Bad Guy's Love (On-going & Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon