Bad Chapter 14: Preparation

35 1 0
                                    


"Teka nga! Gabing gabi na tapos gagawin mo pa akong actress para lang mag panggap jan? Gaano ba kaimportante yung lalaking yun?" Mahina kong pagiinarte habang nasa loob kami ng sports car ni Jax. Nandito kami sa may gilid ng bahay ni Mr. Mendoza ngayon, nagaabang ng tyempo na may pumasok para makasabay ako.




"Just follow what I said." Nagpoker-face ako sa kanya. Kailangan ko daw kasing ma-entertain si Mr. Mendoza habang si Jax naman magnanakaw ng mga plano. Ewan ko kung anung plano ang mga pinagsasabi nya. "Ayun na! May papasok! Go!" Pinalabas nya ako pero bago ako sumunod tiningnan ko sya.





"Basta promise mo na pagkatapos nito, ililibre mo ako ng pagkain?" Sabi ko.





"Aissshhhh--- okay okay. Just get inside!" Tsk. Lumapit ako sa gate at tumingin sa mga poste. Wala daw cctv ang buong bahay kaya wala daw dapat daw akong problemahin. Tsk.




Nang makapasok ako sa loob, pinuntahan ko ka agad yung opisina kung nasaan si Mr. Mendoza. Kumatok ako bago pumasok.




"Who are you young lady?" Isang boses nang lalaki ang nagsalita mula sa likod.





"Hinahanap ko po si Mr. Mendoza." Malumanay kong sagot. "Im Mr. Mendoza. Anyway, who gave you permission to go inside my office? Yaya!" Pagalit nyang tanong. Sinimulan ko na ang pag-act ko. Medyo ngumuso ako ng kaunti at nagaantay na may pumatak na luha.





"Why are you crying?!" tanong nya. "Eh kasi po pinapagalitan nyo ako eh. Huhuhu! Gusto ko lang naman po makiusap na pwede bang mabigyan ako ng pagkain kasi gutom na po ako. Nakita ko po kasing bukas yung gate kaya pumasok na ako." Mangiyak ngiyak kong sabi. Medyo umepekto naman kaso biglang may katulong na dumating.




"Sir! Bakit ho?" Tanong nung katulong.




"Get this nobody, out of my house! Right now!" OMG! Nooo! Hindi ako makakakain mamaya kapag hindi ko sya na-entertain. WAAAAAH! Humanap ako ng bagay na makakasakit sa akin at nakakita ako ng karayom sa sahig at saka tinusok ko yun sa braso ko.





"ARAYYYYYYYY!" Sigaw ko na nakanakaw ng atensyon ni Mr. Mendoza. Ugh! Ang sakit ng pagkakatusok ko. Ugh! Anu ba naman kasi 'tong si Jax, dapat daw gawin ang lahat kahit saktan ko pa ang sarili ko para lang makuha nya ang gusto nya. Ugh!




Dali-dali akong tinulungan ni Mr. Mendoza makatayo at mai-upo. "Yaya! Get the medical kit!" utos nya.




"Did it hurts?!" Tanong nya. Abay malamang! Wala nang sasakit pa sa sariling katangahan. "Opo eh. Huhuhu!" Palusot ko naman. Nang iabot sa kanya yung medical kit, ginamot nya ang sugat ko.




Habang tinitingnan ko sya, naaalala ko si Daddy--my real dad. He is the same as Mr. Mendoza. A father. Kung nabubuhay sana ang anak nya ngayon, edi masaya pa sya sa buhay. "It's done." Sabi nya. Hindi ako nagsalita at bigla na lang syang niyakap. Yumakap din sya sa akin ng pagkahigpit-higpit.





Kumalas ako sa yakap at nginitian sya.
"Thank you po Mr. Mendoza." Nakangiti kong sabi. Ngumiti din sya-- "Your welcome." Sagot naman nya.

The Bad Guy's Love (On-going & Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon