××× Elaine's Point of View ×××
Dalawang araw na ang nakakalipas at nandito pa rin ako sa ospital. Di ako iniwanan ni Shane simula nung araw na dumalaw sya dito. Si Dean at Melissa, dumalaw nung isang araw pero hindi ko alam kung dadalaw sila ngayon sa akin. Para tuloy akong patay na dinadalaw dalaw. Hays.... Si Jax naman hindi na bumalik pagkatapos nya akong iwanan...
*TOK-TOK*
"Miss El, oh eto na yung pizza mo! Pasalamat ka at wala ang doktor mo ngayon kung hindi? Naku baka namatay ka na sa gutom." Hays Salamat! nilapag ni Shane ang pizza sa lamesa kasama ang banana shake na pinabili ko sa kanya. Ayoko kasi nang mga vegetables na pinapakain sa akin ng Doktor. Nakakasuka kaya. Eww. Anyway, okay na nga pala kami ni mommy, nagsorry na ako sa kanya sa nagawa kong kasalanan at sa pagsagot sagot ko.
Umupo ako ng maayos at kinuha ang shake ko. "Sila mommy dadalaw ba?" Tanong ko kay Shane. Alam na kasi nila mommy at daddy ang nangyari sa akin pero di namin sinabi ang totoong dahilan gumawa lang kami ng alibi para makalusot sa kanila, pati si Doc kinunsinti namin para lang mapapaniwala sila Mommy at Daddy.
Sobrang nagaalala daw silang dalawa atsaka mga ilang araw din nila akong hinanap dahil hindi ako umuuwi kaya naman ngayon magkakaroon na ako ng body guards at mas dododblehin pa ni Daddy. T^T not a great idea.
"Syempre naman Miss El! Kinakausap nga ata ng mommy mo si Doc eh."
Muntikan ko nang mailuwa ang pizza na kinakain ko. "What? Ibigsabihin nandito si mommy?" Bulalas ko, tumango sya.
"Hindi lang mommy mo kundi pati ang daddy mo." Whatever! Inasahan ko na yan.
"Babe!" Napatingin kami sa kakapasok pa lang. Eto ang hindi ko inaasahan. My mood shift into pissed again.
"Babe! Okay ka lang? Pasensya ka na ngayon lang ako nakadalaw. Busy ako eh. Oh ano kamusta na?" Tiningnan ko sya na parang diring diri. "Kulang nalang Jayvee, tanungin mo si Miss El kung kamusta na ang anak nyo eh. Tsss" sabi ni Shane. Correct! Parehas kami ng iniisip. Kung makapag-react naman kasi 'tong dimuho na 'to akala mo asawa nya ako na kakatapos lang manganak. Tssss.
"Alam mo Shane, dream ko yun." Nakangiting sabi ni Jayvee.
"YUUUUUUCK!" Sabay naming reak ni Shane. Hell no! Iniisip ko pa lang nasusuka na ako. "Huy! Magsalita ka naman jan! Ginagawa mo akong baliw dito na parang kinakausap yung sarili eh." Pagmamaktol nya.
"Oh bakit? Hindi ka ba ganon?" Pagtataray ko. Narinig kong humalukipkip si Shane. "Tsaka hoyyy----" binatukan ko sya. "Aray naman!" Angal nya. "May atraso ka pa sa akin! Binato mo ako ng bola sa court!! Hmp!" Sabi ko sabay batok uli sa kanya.
"Sorry naman! Nagpapapansin lang ako saiyo nun eh kaso panira ng moment yung lalaki. May atraso pa sa akin yung lalaking yun!" Napatahimik ako.
"---teka nga! Bakit mo kasama yung lalaking yun ha? Diba sya yung bagong kinikiligan ng mga babae sa school? Pero mukhang walang pakialam? Sus! Bakla naman ata yun. Di nagsasalita. Napaka-tahimik! Ni hindi nga sya kasama sa mga varsities eh. Tsk! Anung pinagmamalaki nya. Eh di hamak na mas gwapo pa ako dun." Gustuhin ko mang ingudngud yung nguso nya sa sahig, o lagyan ng tape ang bibig nya hindi na lang ako umimik. Lakas maka-feelingero nang isang 'to eh. Hay nako! Kung alam nya lang kung sino talaga si Jax. Tsk.
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Love (On-going & Editing)
Teen FictionWhat if loving someone will put you in danger? Would you still take the risk? Are you ready to love? and to sacrifice? ---- The story is unedited. There are still some grammar lapses and some errors. But im working on it. ==>01.29.16<==