××× Melissa's Point of View ×××
Nang matanggap ko ang text ni Dean tungkol kay Elaine, dali-dali akong tumungo sa ospital. Nadatnan ko si Dean at si Jax na nakaupo habang nakahawak sa buhok nya. "Guys?" Mangiyak ngiyak kong banggit habang papalapit sa kanila.
"Anung nangyari? Kamusta na si Elaine?" Nagaalala kong tanong sa kanila.
"Maraming dugo nawala sa kanya kaya kailangan muna syang ma-confine but don't worry she's gonna be fine."
"No won't be. As long as she's on my side, her life is in danger. She's in there! Unconcious! Because of me!!" Galit na tumayo si jax at naglakad palayo sa amin. Nagkasalubong naman ang mga mata namin ni Dean. "Magiging okay din sya." Sabi nya. Sana nga...
"Anu ba nangyari dean?" Tanong ko at sumilip sa kwarto ni Elaine. "Hindi ko nakausap si Jax sa nangyari. Ang sabi na lang ng doktor sa akin, may saksak daw si Elaine sa tagiliran buti na lang naagapan ka agad." May saksak? Papaano at Bakit?
"Do you think na dapat nang layuan ni Jax si Elaine?" Nagdadalawang isip ako.
"What do you mean?" Tanong nya.
"Jax is right. These shits are starting to happen to Elaine because of Him. Delikado ang buhay ni Elaine ngayon. Kaya dapat isa sa kanila ang kailangan umiwas. It's better for Elaine." Napaisip si Dean sa sinabi ko.
"You're right pero sinong iiwas?"
×××××××
Pinuntahan namin si Jax kung saan sya laging pumupunta kapag may problema.
"Ngayon pa lang ako nakapunta sa ganitong bar, parang ang high class. Libre mo naman ako dito minsan Lisa!" Siniko ko sya sa tagiliran. "Manahimik ka nga jan! Hanapin mo si Jax!!!" Utos ko sa kanya. Minsan kasi kapag itong si Dean nadidistract sa mga bagay na hindi nya pa nakikita o napupuntahan, eh magsisismula syang dumaldal kaya inis na inis dito si Jax minsan eh.
Habang naghahanap kami kay Jax, sinilip ko si Dean na nahalata kong kanina pa tinitingnan yun mga babae. "Hoy! Ikaw ba gusto mo dito dahil high-class na bar o dahil sa mga sexy na babae?" Pagtataray ko. "Alam mo naman na siguro ang sagot jan diba!" Siniko ko sya uli pero this time, malakas na kaya naka-rinig ako ng ouch sa kanya.
"Ayun si Jax oh!" turo ko sabay lapit kay jax, habang papalapit kami ng papalapit nahahalata ko ang mga luhang pumapatak sa mesang pinapatungan nya. Pinigilan ko si Dean bago pa sya makalapit kay Jax. "Bakit tayo---" hindi nya naituloy ang pagtatanong nang makita nya ang nakikita ko.
"Totoo ba 'to?! Oh binbangungot lang ako? Si jax?! Umiiyak?! What the fuck! Gaytard?!"
"Tumigil ka nga dean! Kanina ka pa! Pag di mo inihinto yang bunganga mo, ingungudngod ko yan sa inidoro!" Pagsasaway ko sa kanya. Minasdan muna namin si Jax na kanina pa tumutulo ang luha pero walang ka-emo-emosyon ang mukha at patuloy lang sa pagiinom. Hindi ko alam kung anu ang eksaktong rason kung bakit sya umiiyak pero sa tingin ko may kinalaman ito kay Elaine.

BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Love (On-going & Editing)
Teen FictionWhat if loving someone will put you in danger? Would you still take the risk? Are you ready to love? and to sacrifice? ---- The story is unedited. There are still some grammar lapses and some errors. But im working on it. ==>01.29.16<==