Papalabas ako ngayon sa computer room dahil nagresearch ako ng mga assignments ko pati na rin ang Underground Business. Madami nang nakabanggit sa bagay 'yon pero walang nakakapagpaliwanag sa akin ng maayos. Hindi ko naman maitanong kay Jax dahil baka magalit at kung anu-ano pang sabihin sa akin atsaka hindi kami nagpapansinan. Simula pa kahapon at hanggang ngayon dinadaan-daanan nya lang ako, ni hindi nya akong magawang tingnan habang ako naman titig na titig sa kanya inaantay na tingnan nya ako kaso sa huli ako pa rin yung umasa.Ewan ko ba sa sarili ko, hindi ko na maintindihan. Feeling ko hindi buo ang araw ko kahit nung nasa ospital pa ako. Tapos lagi ko na lang syang naiisip. Siguro nasanay ako na nandyan sya lagi sa tabi ko, kausap ko, kakulitan. Napayuko ako habang naglalakad nang makita kong papasalubong si Jax sa kinaroroonan ko.
Kitang kita ko sa peripheral vision ko na deretso lang syang nakatingin at naglalakad. Medyo nalungkot naman ako at nagpatuloy nalang din sa paglalakad. Hindi muna siguro ako papasok sa first subject ko, wala rin naman akong ganang makinig. Imbis na lumiko ako kung nasaan ang room namin banda, bumaba ako ng hagdan at pumunta sa canteen. Walang gaanong tao kaya makakapagisip ako ng maayos.
Habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid, may dalawang lalaking naguusap ang umupo sa kabilang mesa na halos kadikit lang ng mesa ko.
"Pre! Bakit hindi ka nakapasok kahapon! Maraming naghanap sayo!" - guy 1
"Eh may problema kasi sa pamilya namin eh." - guy 2
"Anong problema? Sabihin mo sakin!" - guy 1
"Pasensya na pre, bawal sabihin eh. Sa amin na lang yung magpapamilya." - guy 2
"Sus! Sabihin mo na! Ako lang naman makakaalam eh. Magtiwala ka pre." - guy 1
"Sabi mo yan ah! Yung tatay ko kasi napasama sa underground business, isa yung grupo na kung saan----" hindi naituloy nung lalaki yung sasabihin nya nang biglang sitain kami nung guard.
"Kayo! Bakit nandito pa kayo?! Magsipasok kayo sa mga klase nyo!" Utos nung guard habang nakaturo sa amin. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at umalis ng canteen. Pambihira! Malalaman ko na sana yung underground business, hindi pa naituloy! Hays. Poor life.
Pumasok ako sa second subject and as usual, it's boring and everyone is sleepy. Sino ba naman kasing gaganahan sa teacher na kung magturo hindi napapaliwanag ng maayos at sobrang hina pa nang boses. Sumubsob nalang ako sa desk ko at pinalipas ang oras hanggang sa mag break time na. Absent ngayon si Francine kaya di kami nagkita at nagkausap may gagawin daw sya ngayon, si Clei naman di ko pa nakikita ganun din si Melissa.
Pumunta ako sa likod ng school, binabalak ko kasing tumakas. Nawawalan ako ng ganang magaral sa ngayon. Di ko alam kung bakit...kung kailan naman gagraduate na ako saka ako tinamad. Bakit ba ang unfair ng buhay ko. Tumingin ako sa paligid, kung may tao. Nang wala nang masyadong tao ang nakapaligid, saka ako tumakas at tumakbo papalayo sa school. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta takbo lang ako nang takbo hanggang sa may humigit sa akin at pinasok ako sa kotse.
Bago pa man ako maka-react nakita ko na agad ang itsura nya. "Jack?" Wika ko.
"Good job, you memorized my name." Sabi nya nang hindi tumitingin sa gawi ko. "Teka--pano mo nalaman---"
"Im the kind of person that has lot of secrets and never share it to anyone." Sabi nya.
"Para sabihin ko sayo, wala ka nang sikretong maitatago kapag ako ang lagi mong kasama." Wika ko, di ko na sya pinansin at hinayaan nalang syang magdrive.

BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Love (On-going & Editing)
Fiksi RemajaWhat if loving someone will put you in danger? Would you still take the risk? Are you ready to love? and to sacrifice? ---- The story is unedited. There are still some grammar lapses and some errors. But im working on it. ==>01.29.16<==