CL's P.O.V
Andito pa rin kami sa recording studio, hinahanda na kasi namin yung una naming kanta sa album......
Buti na lang may nagdala samin ng pizza... hehehehehehe"Hello sa inyo!" Biglang pasok naman ni Seungri hayst manggugulo naman to dito eh, binati na lang namin siya
"Kamusta naman ang paggawa ng kanta?" Himala parang matino siya ngayon...
"Okay naman Oppa nasa loob si Bom Unnie nag rerecord" sagot ni Minzy
"Ahh sana maging successful ang comeback niyo" sabay tingin sakin
"Tatakbo ka bang presidente?" Tanong ko naman
"Huh? Bakit?" Tanong niya
"Wala naman...." sagot ko hehehehe
Biglang lumabas naman si Bom Unnie at ako na yung sunod na magrerecord....
Seungri's P.O.V
Pumasok na siya sa loob at eto na ang chance ko para mag tanong bwahahaha!!
"Ahm girls may itatanong sana ako sa inyo pero wag na lang maingay kay Cl okay?" Pakiusap ko sa kanila
"Ano yun? Manliligaw ka?" Diretsang tanong sakin ni Bom Noona kahit kailan talaga tong si Noona prangka
"Hindi ahh!" Sagot ko naman
"Ahh sige kunwari hindi ka na lang namin nabuko, ano tanong mo?" Si Bom Noona talaga kaya napakamot na lang ako
"Ahh kasi ganto yan, asar ba talaga sakin si CL?" Tanong ko sa kanila
"Gusto mong sagutin talaga namin yan?" Tanong din ni Bom Noona natatawa na lang sila Mingkki sa kanya
"Noona naman eh" pa-bebe kong reklamo sa kanya hehehe
"Siguro hindi masyado, kasi may time naman na hindi siya asar eh-"
"Pag wala ka" dugtong ni Bom Noona sa siasabi ni Dara Noona
"Ano ba yan! Noona nagtatanong ng maayos eh!" Reklamo ko uli
"Ui anong kaguluhan yan?" Narinig ni Cl pano?
"Ahm sorry napindot ko yung button na makakarinig siya galing dito sa labas" patay!
"Narinig ba niya lahat?"-ako
"Hindi yung sigaw mo lang yung narinig niya" hay salamat naman
"Oi! Ano na?" Si Cl pa rin, pinindot ko uli yung button at nag salita
"Ahh wala Chae naglolokohan lang kami" sagot ko umoo naman yung tatlo at tumahimik lang siya, inalis ko na yung pagkapindot ko dun sa button
"Ano na?" Balik sa topic hehehe
"Hindi nga kulit" sabi ni Dara Noona
"Oi ano ba topic niyo dyan?" Bigla namang lumabas si Cl
"Ahh wala Unnie, bibili lang kami ni Oppa ng pagkain" pagtakip naman ni Mingkki at hinila na ko palabas ng studio
"Bakit mo ginawa yun?" Tanong ko sa kanya
"Para makausap ka" sagot naman ....
———————————————
Narrator's P.O.V
Nang makapagusap na sila Minzy at si Seungri bumalik na sila sa studio na may dalang pagkain at tahimik lang si Seungri na nanonood ng pag rerecord ng 2ne1...
"Ahm mga girls alis na ko" paalam ni Seungri
"Hala bakit?" Tanong naman ni Dara sa kanya
"Ahh nag text kasi si Ji Yong hyung eh asan na daw ako hehehe sige girls next time na lang uli" nagpaalam din ang 2ne1 sa kanya
CL's P.O.V
Andito na kami sa Dorm nag papahinga at ako naman nasa kwarto na anong oras na rin kasi kami natapos mga 2:00 na ng madaling araw grabe no tss...
Ring!
'Matulog ka na..... pahinga mo na boses mo'
Message from: Seungri Panget
Ganda ng pangalan niya no hehehe
To: Seungri Panget
'Pakielam mo ba?'
Sent!
Ring!
Message from: Seungri Panget
'Masama bang maging caring?'
ANO DAW?! Baliw na ba to?
To: Seungri Panget
'At kailan ka pa naging caring hah?'
Sent!
Ring!
'Dati pa noh! Di mo lang nahahalata'
Message from: Seungri Panget
May saltik na talaga tong lalaking to tss...
To: Seungri Panget
'Kasi hindi naman kasi halata, bahala ka nga diyan matutulog na ko'
Sent!
Ring!
Message from: Seungri Panget
'Edi mas ipapahalata ko pa, geh good night!'
Ano daw?! May saltik na talaga siya, makatulog na nga....
To be Continue.....
BINABASA MO ANG
Eyes, Nose, Lips
RandomAng 2ne1 at Bigbang ay isa sa mga successful na K-Pop Groups sa Industry ng Music, pero pano kaya kung sa likod pala ng kasikatan nila ay punong-puno ng saya, lungkot, sakit at kabaliwan (joke) ang nararanasan nila? Please support my story^-^