I Hope Your HAPPY..

62 0 0
                                    

(A/N: Annyeonghaseyo! ang mga sumusunod na chapters po pala na gagawin ko ay puro kwento sa pagitan ni GD, Kiko, CL, and Seungri, pero may mga konting moments din ng ibang bida hehehe marami pang mangyayari sa buhay ng mga bida natin kaya abangan niyo pa po at suportahan "Thank you nga pala sa mga nagbabasa kahit konti lang kayo naaapreciate ko yun kamsahamnida chingus!" Okay back to the story ^-^)

____________________

CL's P.O.V

Ilang linggo na rin ang nakalipas nung sinurprise kami ng Bigbang oppas at ang biglang bisita rin ni Joong Ki oppa samin, hindi naman pinatagal ni Dara unnie yung problema niya kaya sinunod niya ang payo namin at sinabi niya kay Youngbae oppa kung ano ang namamagitan kay Unnie at Joong Ki oppa. Syempre naintindihan naman ni Youngbae oppa kung ano ang nangyari pero hindi ko alam kung nag-usap na sila ni Joong Ki sana naman ayos na silang dalawa.

RING!

GDJiyong^-^ calling....

Ano na namang bang kailangan nito? Siguro nag away na naman sila ni Kiko...

"Hello?"

Sinagot ko na lang wala naman akong magagawa eh, mangungulit lang to sakin eh

'C-chaerin m-may *sniff* n-nangyari--'

Umiiyak ba siya?

"Oppa bakit anong nangyari sayo??" Alala kong tanong minsan lang kasi umiyak to tss..

'Hindi a-ako C-chae s-si S-Seungri k-kasi'

"Anong nangyari sa kanya?! Nasaan ba kayo?" Nagpapanic na ko sa tono ng boses niya

'Nandito kami sa hospital na aksidente siya' napatulala naman ako sa narinig ko sa kanya

"S-saang hospital?? P-pupunta ako dyan" natatakot ako sa nangyari kay Seungri gusto ko siyang makita, puntahan...

'Text ko na lang yung *sniff* name ng *sniff* hospital punta ka na dito, i-ikaw k-kasi ang b-binabanggit niya k-kanina pa'

"Sige pupunta na ako text mo agad ang address, wag ka ng umiyak, nahihirapan ako pag naririnig kang umiyak....  okay bye"

Wala akong pakielam kung nasabi ko yun sa kanya basta ayoko lang na naririnig o nakikita siyang umiiyak nanghihina ako....

"Girls!" Tawag ko sa tatlo. Lumabas naman agad sila

"Bakit Chae? What's the problem?" Takang tanong ni Bom unnie

"Si Seungri kasi nasa hospital naaksidente siya" panic na sabi ko sa kanila, naiiyak na ko dito pero ayoko ng makita nila na umiiyak ako

"Ahh!! Puntahan na natin siya Chae" papunta na si Bom unnie sa pinto

"Oo unnie pupunta tayo tinext na rin ni Ji Yong oppa kung saang hospital"

Bumaba na kami ng dorm at pumunta sa mga sasakyan namin, sasakyan na lang ni Dara unnie ang ginamit namin, ayokong mag drive ngayon ang daming iniisip, si Seungri na naaksidente tapos si oppa na umiiyak na kanina...

********Hospital********

Bumaba na agad kami sa sasakyan at dumiretso sa emergency room nakita ko na naman agad ang Bigbang...

"Oppa anong nangyari sa kanya?" Bungad ko kay Daesung oppa

"Nagmamaneho kasi siya kaninang madaling araw pauwi madulas yung kalsada kaya hindi niya na control kaya tumilapon yung kotse niya" mahinahon na paliwanag ni oppa sakin, hindi ko na naman alam ang sasabihin ko kaya napatulala lang ako.

Eyes, Nose, LipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon