Minzy's P.O.V
"Sige... Iiyak mo lang yan, andito lang kami para sayo" dinadamayan namin si CL unnie kasi umiiyak siya, ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganyan katindi naaawa tuloy ako kay unnie...
"Sorry ahh dapat hindi ako umiiyak ng ganto lalo na sa harap niyo" pagsosorry ni unnie samin
"Ano ka ba CL ano ba ang pamilya diba? Hindi mo naman pwedeng itago lang yan sa sarili mo"payo ni Bom sa kanya
Alam niyo ba kung bakit siya naiyak??
Inamin niya na kasi samin yung status niya ngayon about kay Seungri oppa tyaka kay GD oppa, actually alam ko na to pero sila Bom unnie hindi nila alam"Unnie ano bang gagawin ko? Nahihirapan na ko eh"iyak pa rin ng iyak si unnie
"Sino ba sa palagay mo ang magpapasaya sayo?"Tanong ko hehehe makikisali na rin
"Silang dalawa" ano daw?
"Pano mo na sabi na silang dalawa?"Tanong ko uli
"Si Seungri kasi, pinapasaya niya ko sa mga effort niya at pinaparamdam niya sakin na gusto niya talaga ako" paliwanag niya
"Si oppa naman?"Tanong ko uli
"Si oppa naman pinapasaya niya ko kasi siya yung mahal ko kahit lumapit lang siya sakin sobrang saya ko na" paliwanag pa rin niya
"Ahh Effortless si Ji Yong"sagot ni Bom unnie
"Alam mo Chaerin hindi mo talaga malalaman kung sino ang pipiliin mo kung ang tingin mo sa kanila ay laging parehas... Isipin mo kunwari binigyan ka ni Seungri ng lollipop na orange flavor at si GD naman ay mango flavor kailangan mo ng pumili kung ano ang kakainin mo pero lagi kang naghe-hesitate na pumili dahil iniisip mo na parehas naman silang lollipop" tuloy na payo ni Bom unnie pati sa pagpayo may halong pagkain pa rin eh tss...
"Tama si Bom"sang ayon ni Dara unnie
"Unnie wag ka ng umiyak isipin mo lang ng mabuti yung sitwasyon mo I'm sure maliliwanagan ka na, tyaka pupunta na tayo sa Singapore para mag concert kaya wag mo munang isipin yan" AON concert na kasi namin eh tapos sa Singapore kami ngayon
"Oo nga salamat sa inyo ahh, atleast nabawasan yung bigat sa dibdib ko dahil sa inyo" nginitian namin siya...
RING!
"Hello?" Sagot ko sa tumawag sakin sumakay na kami ng van para pumunta sa Incheon Airport
'Asan na kayo? Sama ako'
"Hindi pwede oppa sa Singapore yun" ang kulit talaga ni Dae oppa
'Wala naman akong gagawin ngayon eh'
"Sure ka? Aalis na kami ngayon" siya lang ata ang sasama na artist sa YG kaloka!
'Oo kaya nga kita kinukulit diba'
"Sige oppa sabihin ko kela unnie.... okay bye" binaba ko na yung tawag niya
"Unnies gusto daw sumama ni Daesung oppa"paalam ko sa kanila
"Huh? Talaga?! Siguro may pupuntahan din siya sa Singapore kaya gusto niyang sumama" sumang-ayon na lang ako sa sinabi ni Dara unnie
----------------------
Nandito na kami sa Airport at hinihintay na lang namin yung flight namin
RING!
nagulat ako sa number na nakita ko
"H-hello?"Utal kong sagot ilang buwan din siyang di nagparamdam
'Ahm... kunusta na?' Tanong ni KAI sa kabilang linya
"Ahh ayos lang naman ikaw okay na ba kayo ng grupo mo?" Tanong ko nabawasan kasi sila, siguro sobrang sakit ng pakiramdam na mabawasan ng member sa grupo?
'Huh? Eto naga-adjust pa rin ahm balita ko pupunta kayong Singapore?' Tanong niya
"Ahh oo sunod-sunod na uli yung concert namin"nawala na yung awkwardness samin
"Woi maknae aalis na tayo, halika na!" si Dae oppa.. Wait lang kanina wala to ahh?!
"Ahh sige Kai we gotta go na.... Bye take care" at binaba ko na yung tawag niya
"Oppa!" Sigaw ko sa kanya habang hinahabol sila kasi naiwan na ko eh
"Bakit?"Huminto naman siya sa paglalakad para maabutan ko siya
"Ang bilis mo naman dumating? tyaka kailan ka pa natutong sumingit may kinakausap huh?" Sermon ko sa kanya habang inaagaw yung stroller dun kasi nakalagay yung gamit ko.
"Syempre male-late ako kapag hindi ako narating agad, tyaka akin na nga yan! Ako na ang hihila nito tutal andito rin naman yung gamit ko"inagaw na naman niya sakin yung stroller at nauna na siyang nag lakad hinabol ko naman agad siya at sabay na kaming nag lakad
Daesung's P.O.V
"Guys I'm here!" Nakita ko kagad sila na nasa waiting area pero si Minzy nasa malayo banda at may kinakausap sa phone niya
"Guys sinong kausap nung batang yun?"Tanong ko sa ibang member nakita ko yung itsura ni CL na parang kakaiyak lang ano kayang nagyari dito?
"Ahh narinig ko ang kausap niya si Kai ng Exo, ngayon na nga lang uli nag-usap yan eh" sagot ni Bom noona
"Haay.... naku yung baby natin dalaga na" dadag naman ni Dara noona, tahimik lang si CL sa upuan niya siguro naghahanda sa concert nila pero nung narinig ko kung sino ang kausap niya, parang hindi naging komportable yung pakiramdam ko kaya pinuntahan ko siya
"Woi maknae aalis na tayo, halika na!"Kinalabit ko siya at agad naman niyang kinausap yung nasa kabilang linya na konti na lang gusto ko ng patayin.... yung tawag... Hahaha kayo ahh!
Alam ko wala akong karapatan pero gusto ko protektahan ka sa kahit anong bagay na makakasakit sayo..... but maybe this is not the right time to say what I want to say to you......
.
.
.
.
.
.
.
That......
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
I Love You.....To be Continue...
BINABASA MO ANG
Eyes, Nose, Lips
RandomAng 2ne1 at Bigbang ay isa sa mga successful na K-Pop Groups sa Industry ng Music, pero pano kaya kung sa likod pala ng kasikatan nila ay punong-puno ng saya, lungkot, sakit at kabaliwan (joke) ang nararanasan nila? Please support my story^-^