Dara's P.O.V
Isang linggo na ang nakalipas nung biglang dumating si Joong Ki sa dorm namin alam na rin ng mga ka member ko ang nangyari pero si Youngbae hindi pa...
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya kasi kahit nung nanligaw si Joong Ki sakin hindi rin niya alam yun
Kaya baka maguluhan siya ayoko naman na magkaroon kami ng miss understanding...
"Kailan mo naman sasabihin sa kanya unnie?"Tanong ni CL
"Hindi ko pa nga alam eh" sagot ko sa tanong niya
"Pano na yan unnie, balita ko malapit ng bumalik sa showbiz si Joong Ki oppa" Nag-alala naman ako sa mga balitang naririnig na namin tungkol sa kanya, hindi niya kasi alam na kami na ni Youngbae eh tss....
"Kaya kung ako sayo Dara sabihin mo na sa kanya, mahirap na baka malaman niya pa sa iba yan"advice samin ni Bom
DING DONG!
Bigla naman akong kinabahan kung sino ang bisita namin tss....
"Ako na ang magbubukas" pumunta ako sa pinto at hinanda ko yung sarili ko kung sino man ang tao sa labas ng dorm namin....
Deep breath Dara.......
Pagkabukas ko ng pinto
"Hello my angel!" Nakahinga ako ng maluwag don ahh si Youngbae lang pala
"Oh ayos ka lang? Mukhang hindi ka mapakali ahh" alalang tanong ni Youngbae sakin
"Ahh... Hindi naman may iniisip lang ako, halika pasok ka!" Ngumiti na ako sa kanya
Umupo siya sa sofa at tumabi naman ako sa kanya
"Hello Youngbae!" Lumabas naman si Bom sa kwarto ko
"Oh noona! Kumusta na?" Tanong niya ngayon lang kasi nila nakita uli si Bom eh
"Okay lang naman ako.... Hindi naman ako nagkasakit hahaha" biro ni Bom sa kanya
"Ahh hehehe" natawa naman kami sa reaksyon ni Youngbae parang bata na walang masagot....
DING DONG!
Lumaki naman ang mga mata namin ni Bom sa narinig namin
"Ahh ako na ang magbubukas ng pinto" tatayo na sana si Youngbae sa pagkakaupo niya ng pigilan ko siya
"Ahm ako na lang Youngbae.... Ahm..... D-dyan k-ka na l-lang" bakit ako nauutal? tss....
"Ako na... Noona upo ka na dyan okay? Asan yung dalawa?"Tanong niya
"Nasa mga kwarto nila may ginagawa" sagot ni Bom
"Ahh palabasin mo muna noona, sige ako na ang mag bubukas ng pinto" at tumayo na talaga siya
"Pano yan? Baka si Joong Ki yun?"Tanong ni Bom sakin
"Bom hindi ko na alam gagawin ko papalabasin ko muna sila Minzy"
"Sige"
Kinatok ko si Minzy at si CL sa mga kwarto nila at sinabi ang tungkol sa nangyayari
"Bakit parang ang tagal naman dumating ni Youngbae oppa eh ayun lang naman yung pinto?" Takang tanong ni CL
"Lumabas pa siya? Baka nag-aaway na sila sa labas?!" Nag-panic naman si Minzy sa mangyayari....
BOOGSH!
Nagulat kami sa ingay na nanggaling sa labas parang may natumba sa labas
HALA! baka totoo yung sinabi ni Minzy??!!!
BINABASA MO ANG
Eyes, Nose, Lips
RandomAng 2ne1 at Bigbang ay isa sa mga successful na K-Pop Groups sa Industry ng Music, pero pano kaya kung sa likod pala ng kasikatan nila ay punong-puno ng saya, lungkot, sakit at kabaliwan (joke) ang nararanasan nila? Please support my story^-^