Narrator's P.O.V
5:00 pm na ng magbabaan sila sa tabing-dagat ang iba ay natulog muna para magkalakas lalo na ang Bigbang....
"Oh guys handa na pala lahat dito eh" manghang sabi naman ni GD sa members niya
"Ahh sinet-up na namin Oppa, kayo kasi ang nagplano na pumunta tayo dito kaya kami na lang ang nag ayos dito pa-thank you na rin namin" sagot naman ni Mingkki
"Ahh ang galing talaga ng bunso natin ahh"si Daesung naman at hinawakan ang ulo ni Minzy
"So Let's start na?"Si Top naman ang nag salita
Nagkantahan sila at nag kwentuhan
"Guys alam niyo ba ang larong I wanna be a tutubi?" Tanong ni Dara sa kanila pagtataka naman ang sinukli nila kay Dara
"Hehe sabi ko nga ako lang ang nakaka-alam"-Dara
"Ano ba yun Noona?" Tanong ni Seungri
"Nung bata pa kasi ako ayun yung nilalaro ko sa Pilipinas masaya yun magpapasahan ng bato pero hindi dapat ipapakita kung nasan yung bato, sa madaling sabi naka-kuyom dapat ang mga kamay niyo pag-pinasa niyo sa katabi niyo?" Explain naman ni Dara mukhang naintindihan naman ng mga kasama niya
"Kunwari ako ang taya dapat titignan ko kung nasaan ang bato at pag huminto na ang kanta hahanapin ko na kung na kanino yung bato, pag tama ako sasagot ng truth lang yung nahuli kong may bato" explain pa rin niya
"Ano naman yung kakantahin Unnie?" Si CL naman ang nag tanong
"Ahm... Ganto.... I wanna be a tutubi na walang tinatagong bato sa aking kamay na nahulog sa lupa tinuka ng manok na nanggaling sa ilog!" Kanta naman ni Dara natawa naman ang mga kasama niya kasi kakaiba ang laro na alam ni Dara
"Ahh kaya ka ata tinawag na Krung-krung sa Pilipinas eh" si Bom naman ang nang asar sa kanya
"Ano lalaruin ba natin?"Tanong naman ni Dara naka-pout pa
"Oh sige laruin na natin"si Youngbae naman ang nagsalita
(Sino ang nakaka-alam ng larong iyan, sila lang ang makakagets sa tono ng kanta hehe)
Si Dara na ang unang manghuhula kung na kanino ang bato at sya rin ang kumanta hindi pa kasi alam ng mga kasama niya eh hehehe
"Na kay CL yung bato sure ako" hula naman ni Dara
"Ahh Unnie pano mo nalaman?!" Inis na tanong ni CL sa kanya patay siya nito gigisahin sya ng mga to eh
"Sige ako ang unang magtatanong" napalunok naman si CL ng si Bon ang nag salita
"Ano yun Unnie?" Tanong ni CL sa kanya
"Okay lang ba sayo kung may manligaw sayo ngayon?" Tanong niya
"Huh? Okay lang naman, pero wala naman kasi eh" diretsang sagot ni CL sa kanya
"Bakit kasi ayaw mong pakiramdaman para malaman mo na may nagpaparamdam"biglang sabi naman ni Bom
"Huh?" Takang tanong naman ng mga kasama niya pwera kay Seungri na hindi naman napansin ng iba
"Hehe wala-wala wag niyo na kong isipin hehehe" natawa naman si Bom sa ginawa niya pero alam niyang na feel ni CL na may laman yung sinabi niya
"Oh sige ikaw naman CL magtanong ka sa taong gusto mong tanungan at kung sino ang tinanungan mo siya naman ang sunod na mag tatanong" explain uli ni Dara habang nag iihaw ng marshmallow
"Okay Top Oppa, alam ko never kang magsasabi ng mga sikreto mo pero ngayon, kung may chance ka na ligawan sa aming apat sino yun?"Tanong ni CL
Tumitig naman ng makahulugan si Bom kay Top at nag iwas ng tingin ng biglang napatingin si Top sa kanya
"Wala kasi sa inyo yung type ko na babae" nagulat naman ang tatlo at natawa naman si Minzy sa kalokohan ni Top
"HUL! Ang hard mo Top"sabi ni Dara sa kanya
"Kasi diba Alien daw ako eh wala namang Alien sa inyo"napatahimik naman ang lahat sa sinabi ni Top
"Eh si Bom Noona ang Alien diba? Hala Hyung nyare?"Tanong naman ni GD sa kanya
"Ilang beses ko ng sinabihan na Alien siya, hindi daw eh"malungkot na sabi ni Top
"Manahimik ka nga diyan Top ahh!"hindi na katiis ang isa pang Alien
"Totoo naman ahh, sasabihin ko bang Alien ka kung hindi"paliwang din Top
Natawa naman sila GD sa bangayan ng dalawang Alien
"Kung ako sa inyo pag usapan niyo yan ng seryoso para hindi kayo malito hehe" dagdag na payo ni YB sa kanila
Natahimik naman ang dalawa.... Nagpatuloy ang laro nila at nagkwentuhan pa sila....
Past 10 pm na ng matapos sila sa kanilang bonding time bumalik na sa hotel....
Dara's P.O.V
Andito ako ngayon sa tabing-dagat naka-upo hindi kasi ako makatulog natulog na silang lahat andami pa kasi naming gagawin bukas sinusulit namin tong mga araw na to dahil sa suaunod busy na naman ang lahat....
"Oh bakit gising ka pa?" Nagulat naman ako ng si YB ang nagtanong sakin
"Hindi kasi ako makatulog, bakit ikaw hibdi ka natutulog?"Tanong ko din sa kanya
"Hindi ka pa kasi tulog" ngayon lang kami nagkatime na kaming dalawa lang namiss ko tuloy siya....
"Talaga lang ahh hehe" ayun na lang ang nasabi ko sa kanya
"Kaya mo pa ba akong mahintay?"Tanong ko sa kanya
"Nakapag hintay nga ako ng 2 years ngayon pa kaya?" Pagmamayabang naman nitong Youngbae na to
"Hanggang kailan mo ba kaya?"Tanong ko uli sa kanya
"Hanggang sa hindi ka pa nag aasawa" sagot naman niya hehe natawa na lang ako sa kanya
"Eh sobrang tagal nga nun"napatingin naman siya sakin na naka kunot pa ang noo hehehe
"Kasi hindi naman ako magpapakasal"sagot ko uli
"Huh?"Takang tanong niya
"Pag hindi ikaw yung nag aantay sa dulo ng simbahan"patapos kong sabi sa kanya ngumiti naman siya sa sinabi ko at niyakap ako ng sobrang higpit, sobrang saya ko na ang taong tinitignan at minamahal ko ng malayo ngayon yakap na ko at mahal na rin ako....
"Youngbae ko"sabi ko sa kanya habang nakayakap pa rin siya wala ata tong balak bitawan ako eh
"Hhmm" sagot naman niya
"Oo" kumalas naman siya sa pagkakayakap niya sakin at nakatingin na nag tataka
"Sabi ko OO na" ngumiti naman siya na pati mata niya hindi na makita sa sobrang singkit
"YES!! KAMI NA!! YES!" Sigaw naman niya
"Ui may makarinig sayo"Saway ko naman sa kanya
"Sorry gusto ko sabihin na natin sa kanila bukas" sabi naman niya
"Wag muna gusto ko pag uuwi na tayo"sagot ko naman sa kanya
"As your wish my Angel"at hinalikan niya ko sa noo ko napaka-gentleman niya talaga
________________Hala pano na si Ji Yong?
Salamat sa mga nag re-reads mas ginanahan akong mag update ^-^
To be Continue.....
BINABASA MO ANG
Eyes, Nose, Lips
RandomAng 2ne1 at Bigbang ay isa sa mga successful na K-Pop Groups sa Industry ng Music, pero pano kaya kung sa likod pala ng kasikatan nila ay punong-puno ng saya, lungkot, sakit at kabaliwan (joke) ang nararanasan nila? Please support my story^-^