CL's P.O.V
Nandito kami ngayong apat sa rehearsal room, hindi nagkikibuan tanging mga hikbi lang ang naririnig ko sa kanila....
Hindi ako umiiyak dahil kailangan kong magpakatatag para sa kanila, hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa ngayon...
Na ngayon na hinaharap namin ang isang malaking problema at haharapin namin yun hanggang huli ng sama-sama.
"Kaya natin to hindi tayo pwedeng maging mahina lalo ka na unnie....."At tumingin ako sa pinakamatanda sa amin si Bom unnie
"Alam natin na walang kwenta yang issue na yan na pinaparatang sayo dahil kilala ka namin unnie at alam namin ang rason kung bakit ka napunta dyan" patuloy ko sa sinasabi ko
At lumapit siya sakin at niyakap ako ng sobrang higpit, ramdam ko yung pag hingi niya ng katatagan sakin.... niyakap ko siya lalo ng mahigpit
"Salamat Chae kailangan ko talaga ng suporta niyo para sa laban ko na to"
"Laban NATIN to unnie hindi lang sayo to okay?" at nginitian ko siya nag yakapan kaming apat
Mahal na mahal ko talaga sila ng dahil sa kanila nabuo ako naabot ko na ang pangarap ko, binigay pa sila ng Diyos sa akin kaya lahat gagawin ko para lang ligtas sila at sumaya sila, hindi lang dahil leader nila ako kundi dahil sa MAHAL ko sila bilang mga kapatid ko.
*BOOGSH!*
Nagulat naman kami ng may biglang nagbukas ng malakas sa pinto ng rehearsal room namin... Napatingin kami doon at si TOP oppa ang niluwan non...
Hinihingal ito at bakas sa kanya ang pag-aalala..
Nakatingin lang kaming tatlo sa dalawa at parang nag-uusap sila sa pamamagitan ng pag-tititigan...Tumayo si unnie at lumapit sa kanya ng dahan dahan kaming tatlo dito nakaupo parin at parang nanonood ng teleserye..
Bigla naman siyang niyakap ni oppa
"Its gonna be okay.... Don't worry I'm here for you" wow! English hehe... Ayan lang ang sinasabi ni oppa kay unnie habang yakap niya ito
Hay... Ang dalawang panganay namin ay nagmamahalan na ngayon...
"Unnie okay lang ba na ganyan sila dito sa loob ng YG? Baka mapagalitan sila" alala ni Minzy sa dalawa nakaupo pa rin kami dito at pinapanood sila
"Hayaan muna natin sila kailangan nila yan ngayon" at ngumiti ako
Tumayo ako at pati sila Dara unnie ay tumayo na rin, nilapitan namin sila na ngayon ay hindi na magkayakap
"So... Kaya natin to unnie okay?"Paalala ko sa kanya
"Galingan niyo sa performance kahit wala ako ahh... Pakita niyo na hindi tayo matitibag kahit kulang tayo okay?" Paalala din niya sa amin at nagyakapan kami tinitigan lang kami ni Top oppa
TOP's P.O.V
Nakatingin lang ako sa kanila habang nagyayakapan sila...
Napakatatag nila at alam ko na lahat ng pagsubok malalagpasan nila dahil sila yung nakilala kong babae na matatag...
Sa sobrang tuwa ko sa kanila pinicturan ko sila... Dim lang ang ilaw sa rehearsal room kaya mas naging maganda ang picture...
Sa sobrang tuwa ko pinost ko ito sa insta..(Insert Picture)
@choi_seung_hyun_tttop: never fails to amuse me.Hindi ko na sila tinag o minention para hindi masyadong halata against the light din kasi yung picture kaya madilim yung mga mukha nila, nakikita lang ay ang mga katawan nilang nagyayakapan.
After kong pinost yun nagtrend agad at pinag-usapan na hindi ko na lang pinansin..
CL's P.O.V
"Next year magkakaroon ka ng solo debut sa U.S kaya ihanda mo na ang sarili mo para sa project na yun, after that tyaka uli kayo magka-come back ng grupo mo"sabi sakin ni boss ng pinatawag niya ko sa office niya.
Tumango lang ako pero wala pa rin ako sa katinuan ko dahil sa problema namin ngayon.
Lalo na ngayon na malapit na ang performance namin sa SBS.
Year end ng 2014 tapos ganto pa...."Chaerin ayos ka lang ba? Parang wala ka sa wisyo mo ahh" natauhan naman ako sa tanong ni boss
"Ahm okay lang naman po ako, sige po alis na po ako"
Ilang araw nang hindi pumupunta si Bom unnie dito lagi lang siya nasa bahay niya o kaya sa dorm....
"Unnie nakakapanibago na hindi tayo kumpleto sa pag papractice"lapit sakin ni Minzy
"Ahh malalagpasan din natin to baby girl okay? Pakatatag lang tayo" at tumango siya
Sana nga malagpasan namin ito....
******SBS Performance******
Nandito na kami sa backstage at nakachin up ako habang hinihintay ang performance namin
"Ma'am CL tumatawag po si Ms. Park Bom" at binigay niya sa akin ang phone ko
"Unnie! Nanonood ka ngayon?" Tanong sa kanya
'Ahh oo ang tagal niyo nga eh, galingan niyo ahh, GIRL POWER!!' At natawa ako sa kanya
"Sige unnie gagalingan namin para sayo... GIRL POWER!!" Sigaw ko din at nagtawanan kami
"2ne1 ready na po kayo sa stage kayo na po ang sunod" sabi ng staff samin
"Unnie kami na ang sunod nood ka ahh bye!"
'Sige bye din!' At binaba ko ang phone ko at binigay sa staff ng YG at pumunta na kami sa stage
"This is for all the BLACKJACKS out there...
2015.... ARE YOU READY?!!!" at tinugtog na ang crush hindi namin kinanta ang part ni unnie at kinut din namin yung part niya dun at inend na agad namin ang kantang crush at come back home naman.
Pumunta na si Minzy at Dara unnie sa main stage
"Baby I miss You and it's Gotta be you" sinabi ko yan bago ako kumanta ayan ang mga paboritong kanta ni Bom unnie sa album namin na CRUSH
Nagperform kami na galing sa mga puso namin ang ginawa pa nga namin color ng background namin ay green dahil paboritong kulay ni Bom unnie yun, usually red ang ginagamit namin pag part na ni Dara unnie at sinadya naming lakihan ang isang space doon at parang nandoon si Bom unnie...
Ang rap ko... dun ko pinaalam sa lahat na kami ang QUEEN Fourever as in 4 ever pinaalam ko lang sa lahat na matatag kami...
Natapos ang performance namin at nanalo pa kami ng Best Girl Group of 2014! Pero kahit masaya kami may kulang pa rin dahil hindi kami kumpleto....
Balang araw makukumpleto na kami....
Tatapusin ko lang ang album ko sa U.S uuwi agad ako para magcome back kami ng kumpleto....To be Continue....
__________________
A/N: Pero hindi na mangyayari yun.... I'm sure ayan ang naiisip niya nung mga panahon na yun pero never ng mangyayari ang gusto niyang mangyari....
: '(.....
BINABASA MO ANG
Eyes, Nose, Lips
RandomAng 2ne1 at Bigbang ay isa sa mga successful na K-Pop Groups sa Industry ng Music, pero pano kaya kung sa likod pala ng kasikatan nila ay punong-puno ng saya, lungkot, sakit at kabaliwan (joke) ang nararanasan nila? Please support my story^-^