The Truth

71 0 0
                                    

CL's P.O.V

Nakahiga lang ako ngayon sa kwarto ko at nakatitig sa kisame....

"AHH!! AYOKO NA!" sigaw ko sa kwarto at bigla namang may kumatok

"CL okay ka lang ba dyan?" tanong ni Dara unnie

"wala unnie may iniisip lang ako" sagot ko. nasa labas lang siya alam niyo naman na ayoko na may papasok na iba sa kwarto ko diba?

"Ahh sige CL pupunta pala ako ngayon sa shooting para sa webdrama" paalam niya

"ahh sige unnie goodluck!" wala ng sumagot nakaalis na ata..

Naalala ko na naman yung naging usapan namin ni oppa paano yun? sinaktan na nga siya tapos gusto niya pa rin maging sila?! nahihibang na ba siya?!

gusto ko matulog pero di ko magawa! makaalis na nga lang!

Ji Yong's P.O.V

"hyung alis na ko may appointment pa ko eh" paalam ni Daesung

"Gabi na ahhh! tapos may pupuntaha ka pa??" nagrerecord kami para sa comeback namin kaya sobrang busy na namin ngayon

"oo nga hyung, sige na alis na ko bye!" lumabas na siya at hindi ko na napigilan tss... mag isa na naman ako ngayon dito

RING!

Hunchae calling...

ang ganda ng name niya no hahaha! actually ayan na yung name niya simula nung una kaming magkakilala trainee pa lang siya non....

"hello CL?" sagot ko ng nakangiti

"oh! hello oppa! hihihi" si CL ba to? tinignan ko uli yung name at si CL nga

"CL? asan ka? bakit ang ingay?" tanong ko

"huh? maingay? *hik* hindi ah andito ako sa *hik* bar na pinupuntahan ng YG" biglang namatay ang tawag niya.

"Hello? CL!" pagtawag ko. ano ba to?

dali dali akong pumasok sa kotse at pinaandar agad ito... hindi ko alam pero pag dating talaga kay CL hindi ko maintindihan ang sarili ko, nagseselos ako pag may kasama siya o nakakasundong iba, nag-aalala ako pag hindi ko siya nakikita sa isang linggo.

sinasabi ng puso ko na gusto ko na siya pero ang isip ko ay sinasabi na mahal ko lang siya bilang isang kapatid o kaibigan....

HAYST! hindi ko alam basta ang mahalaga ngayon mapuntahan ko siya...

____________________

nandito na ako sa bar at syempre maingay, amoy alak at sigarilyo na ang loob...

hinanap ko lang siya at nakita ko siya sa isang sulok na natutulog na.

"CL! bakit ka pumunta dito mag-isa? gumising ka nga!" paggising ko sa kanya. buti hindi siya nakilala

"oh! oppa! bakit ka nandito? inom tayo" nakangiti ito sa akin pero may tama na talaga siya

"lumabas na tayo, iuuwi na kita" inalalayan ko siya palabas ng bar buti hindi na nagmatigas tong babaeng to

pinasok ko siya sa loob at pinaandar na ito. natutulog lang siya...bakit kaya siya naglasing? tapos mag-isa lang siya? dati naman magtetext lang siya sakin pag gusto niyang uminom...

"Ji Yong..." tinawag niya ako pero natutulog lang ito. masagot nga...

"bakit Ji Yong lang tawag mo sakin?"

"sorry oppa pala" tinignan ko naman siya wait lang? tama ba yung nakikita ko sa kanya? umiiyak siya? OMO!

"bakit ka umiiyak?" hininto ko sa gilid yung sasakyan ko

"umiiyak ba ko? ahh! oo... lagi naman akong naiyak eh... ikaw kasi eh" yung tono ng boses niya ay parang hindi na nakainom

"bakit ako?"takang tanong ko

"bakit ikaw? hahaha!! tinanong mo pa oppa hahaha! AY! oo nga pala hindi mo pala alam" nagulat ako sa inasta niya

"anong hindi ko alam?" papatayin na ko sa curiousity ko

"hindi mo alam kasi MAN.HID.KA oppa" teka ako manhid?

"baka hindi mo alam ibig sabihin non?" hinayaan ko muna siyang magsalita

"alam mo oppa ang tanga mo rin eh kasi niloko ka na nga gusto mo pa ring makipag balikan?" magsasalita na sana ako pero na-unahan na naman niya ako

"tapos ako pa yung gagamitin niyo?! hindi naman tama yun... nasasaktan din ako oppa" umiiyak na talaga siya...

"bakit ka nasasaktan? may nagawa ba ko?" alala kong tanong, sabihin niyo ng manhid ako pero hindi ko talaga alam eh...

"yun nga eh may nagawa ka, actually marami na nga pero hindi mo alam, simula ng una kitang nakita wala na kong naisip na iba na magpapasaya sakin" patuloy lang siya sa pagkukuwento

kailangan ko tong malaman.....

"nung nagdebut kami lagi kang nandyan para suportahan kami at lalo kitang nagustuhan non" walang pag aalinlangan niyang sabi...

tama ba yung narinig ko? bakit parang ang sarap sa pakiramdam nung narinig ko yun?

"pero nung nalaman ko na gusto mo si Dara unnie sinubukan kong tumigil sa pagkagusto ko sayo pero hindi ko kaya..... nasaktan ako nung nakita kitang nasasaktan nung nawala sayo si unnie" kaya ba umiyak siya sa rooftop dati?? dahil sakin??

"few months later Kiko came to your life" yumuko na siya hinawakan ko siya sa kamay niya

"hinayaan ko na kayo kasi masaya ka na sa kanya at naisip ko na baka hindi talaga ako para sayo pero hindi yun pinahalagahan ni Kiko at iniwan ka lang dalawang beses pa" kumuyom naman yung kamao niya ramdam ko to kasi nakahawak pa rin ako sa kamay niya

hindi ako makapaniwala na ang napakatapang na si CL ng 2NE1 ay si GD ng BigBang pala ang kahinaan...

"iniwan pa ko ni Seungri sa ere dahil sayo sumuko siya dahil sayo, tapos ipapagawa mo pa sakin yung favor ng babe in the city mo" ano? babe in the city?? natawa ako dun ahh

"bakit ka tumatawa?? magra-rap na lang ako ng 24 hours walang tigil mas madali pa yun kesa sa ipapagawa mo sakin!" binitawan niya yung pagkakahawak ko at sumandal sa upuan at biglamg pumikit, matutulog na ata...

napangiti na lang ako sa kanya kasi dati naman kahit lasing na siya never siyang nagconfess sakin, siguro napuno na.... ang sarap sa pakiramdam nung mga narinig ko kahit hanggang ngayon nalilito pa rin ako sa nararamdaman ko....

kaya kailangan niya pa ring gawin yun.....

kailangang kailan......

To be Continue....

Eyes, Nose, LipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon