We Belong Together (2)

55 1 0
                                    

Narrator's P.O.V

Nang makabalik sila sa Korea busy uli sila sa kanilang mga trabaho...

Nang matapos ang comeback ng Bigbang nagpahinga muna sila kaya nagkaroon ng pagkakataon na kulitin ni Ji Yong si CL

'For You'

Busy si CL sa recording studio para sa mga kanta niya sa debut album niya ng biglang may dumating

"hello po! Delivery for you" binigay naman sa kanya ng staff ang isang box at takang binuksan ni CL

Ngumiti naman siya ng makita niya ang nasa loob nito

'don't be afraid to stand on your own because I believe in you... Remember that'

-Dragon 🐉

"whow! Something's fishy" biglang nagsalita si Teddy dahil nakisilip siya sa box

Kinain na lang nila yung binigay na bake cookies ni Ji Yong

'Airplane'

Nakatakda ng umalis si CL para bumalik sa US at magtrabaho maraming fans ang nag aabang sa kanya sa Airport nakasuot siya ng jeans, white shirt, shades at mask at dali dali siyang lumakad papuntang eroplano

"CL wait lang ahh Rest room lang ako" nagpaalam naman ang manager niya kasi ito ang katabi niya ang stylist at make up artist niya ay nasa likod nila

Ilang minuto pa may tumabi na sa kanya at nagtake off na ang eroplano

"manager ang tagal mo namang mag rest--" natigil siya ng makita niya na hindi ang manager niya ang katabi niya ngayon kundi si....... Ji Yong

"Hi" ngiting bati sa kanya nito

"bakit ka nandito?" tanong ni CL na gulat pa rin

"malamang aalis din" sagot naman ng dragon

"asan na yung manager ko?" tanong niya tumuro naman si Ji Yong at nasa pinakalikod ang manager niya at kumaway pa

Kunot noo namang tinignan ni CL si GD

"Why?" tanong ni GD

"wala" humarap naman si CL sa bintana

Ilang oras din ang lumipas at nakatulog si CL sa sobrang pagod siguro

Hindi naman niya namalayan na tinititigan lang siya ni GD sa patulog at hinawi ng binata ang ulo nito para mapasandal ito sa balikat niya

Ngiti siyang pumikit at natulog din.

'Jacket'

naglalakad si CL papuntang hotel dahil nasiraan siya sa daan at hindi naman niya matawagan ang manager niya dahil lowbat na ang phone niya, sakto din namang hindi nagpakita si GD sa kanya kaya napag desisyunan niyang maglakad ng lang tutal trip niya rin yun

Wrong timing din ang paglabas niya dahil malamig pa rin sa labas at hindi makapal ang damit niya

"bakit nag lalakad ka?" nagulat naman siya ng biglang may sumabay sa kanya

"bakit masama na bang maglakad ngayon?" tanong niya kay Ji Yong nairita kasi dito dahil kung kailan kailangan niya ito tyaka naman hindi susulpot

"mag gagabi na tapos ngayon mo pa naisipan na maglakad mag isa" pacool niyang sabi kay CL lalo namang nairita ang dalaga dahil hindi manlang inalala ni GD na nilalamig na siya kanina pa

"wala ka ng pake kung ngayon ko gusto" pinipigilan ni CL na hindi manginig sa pagsasalita para hindi mapansin ni GD na nilalamig na ito

"oh" nagulat siya ng pinatong sa kanya ni GD yung jacket niya

Eyes, Nose, LipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon