Dara's P.O.V
Two years na rin nung naging kami ni Youngbae at masasabi ko na napakatatag namin ngayon.
Kahit na bawal kami pag oras ng trabaho pero hindi yun nagiging hadlang sa magandang relasyon namin.
Kaya marami paring hindi naniniwala sa relasyon namin kasi pag nagcoconcert kami ay parang walang KAMI. no attachment ika nga pero pag natapos yun balik kami sa dati...
Hindi pa rin naman maiiwasan ang awayan namin dahil parte yun ng isang relasyon pero matatanda na kami para i-big deal ang mga ganung bagay kaya pag may problema hangga't maaari aayusin na namin agad.
"Anong gusto mong gawin ngayon?"Tanong ni Youngbae sakin
Pahinga na ang grupo namin... Hindi uli namin alam kung kailan ang comeback namin.
"Kahit ano na lang" sagot ko sa kanya
"Halika dinner tayo, may alam akong restaurant na gustong-gusto mo" at hinila niya ako
Saan naman yun?
Sumakay na kami sa kotse niya at tahimik lang ako na nakatingin sa bintana.... hindi ko alam kung bakit ako tahimik, parang wala akong gana....
Para kasing may kulang sakin....
"Andito na tayo" at bumaba siya para pagbuksan niya ako ng pinto at nagulat naman ako sa pinuntahan namin nung pumasok na kami sa loob...
"Nagustuhan mo ba?" Tumingin lang ako sa kanya at tumango na lang, tumawa naman siya ng mahina
"Mabuhay! What is your order?" Tanong ng waitress samin...
Nasa Filipino restaurant kasi kami eto ata yung kulang na nararamdaman ko eh namimiss ko na uli yung Pilipinas kahit doon kami nag anniversary ng 2ne1...
Nag order kami ng pagkain na paboritong-paborito ko....
"Ang dami mo naman kumain" tuwang sabi ni Youngbae...
"Namiss ko lang talaga yung pagkain sa Pilipinas ikaw talaga! Thank you ahh" pag thank you ko sa kanya
"Wala yun alam mo naman na para sayo gagawin ko lahat diba?" Ngumiti naman ako
"I Love You" malambing kong sabi sa kanya
"I Love You More" sagot naman niya... Corny namin no? Hehehe
Tinapos lang namin ang dinner namin at nag kwentuhan saglit at nang matapos iyon ay nag pasya ng umuwi.
"So tomorrow uli?" Tanong niya
"Ahh sige mag text ka o tumawag ka pag nakauwi ka na ahh"bilin ko sa kanya
Hinalikan niya ako sa noo at umalis na
Nagtataka kayo kung bakit sa noo niya lang ako hinahalikan?
Pinangako niya kasi sakin na pagkinasal na kami tyaka niya ako hahalikan sa labi.. Sweet no? hihihi..."Oh unnie musta date?" Tanong ni Mingkki sakin
"Okay naman syempre laging masaya ikaw? Anong ginagawa mo ngayon?" Tanong ko sa kanya mukha kasing ang busy niya sa laptop
"Ahh inaasikaso ko kasi yung ipapatayo kong Dance Academy unnie, support niyo ko ahh" wow! Nag mamature na talaga si Minzy...
"Oo naman gusto mo pa nga na mag-enroll ako dyan eh" at tumawa siya ng malakas
"Ahh nasan nga pla sila CL?" Tanong ko sa kanya
"Ahm si CL unnie may inasikaso lang tapos si Bom unnie pumunta sa bahay ng mama at papa niya may sasabihin daw sa kanya" sagot niya
BINABASA MO ANG
Eyes, Nose, Lips
RandomAng 2ne1 at Bigbang ay isa sa mga successful na K-Pop Groups sa Industry ng Music, pero pano kaya kung sa likod pala ng kasikatan nila ay punong-puno ng saya, lungkot, sakit at kabaliwan (joke) ang nararanasan nila? Please support my story^-^