Minzy's P.O.V
"Okay! Water break muna!" Announce ng choreo namin... Hay! Salamat kapagod mag rehearse para sa comeback stage namin ahh...
"Mingkki tubig oh" abot sakin ni CL unnie
"Thank you unnie"
"Ano kaya yung magiging reaction nila sa comeback natin?"Tanong ni Bom unnie samin... Oo nga ano kaya ang reaction ng blackjack sa comeback?? Sana magustuhan nila...
"Magugustuhan nila" napatingin kami sa nagsalita at nakita namin si Daesung oppa
"Oh oppa bakit ka nandito??"Tanong ni CL unnie sa kanya
"Ahh dumaan lang ako kasi kinausap ako ni boss eh" Sagot naman niya sa tanong ni CL unnie
"Ahm punta tayo sa canteen kain tayo... libre ko"aya samin ni oppa syempre tatanggi pa ba kami?
******Canteen******
Nasa canteen na kami at nag order na si oppa ng pagkain namin... Ano kayang nakain nito at nanlibre pa ng pagkain??
"Ui anong nakain ni Daesung Mingkki at naging galante ngayon?"Tanong sakin ni Dara unnie
"Ewan ko unnie, siguro may pera lang talaga siya kaya siya nanlibre" sagot ko naman sa kanila
"Alam niyo girls hayaan na natin si Daesung na manlibre satin kasi pagkain yan!" Si Bom unnie naman ang nag salita
"Hahaha ikaw talaga unnie!"-CL
RING!
"Wait lang guys ahh... tumatawag kasi si Top eh" tumayo siya at lumayo ng onti para makausap niya si oppa... Si Dara unnie naman laging hawak ang phone dahil siguro nagte-text si YB oppa sa kanya, eto namang si CL unnie nabigyan nga ng lovelife napaka-complicated naman tss... Ang mga unnie ko mga dalaga na hahaha
"Ui bakit ikaw na lang mag isa dito? Asan na sila?"Si oppa pala dumating na
"Huh? May mga kinausap lang sila babalik din yung mga yun"-ako
"Buti pa sila may lovelife na no"-siya
"Oo nga eh" -ako
"Halika!"Hinila naman ako ni oppa pero iniwan namin yung mga pagkain...
"Oppa san tayo pupunta??"Nakasakay na kami sa kotse niya
"Oppa may rehearsal pa kami ngayon, san ba tayo pupunta??"Tanong ko pa rin sa kanya ayaw naman niyang sumagot kaya tumahimik na lang ako
_________________
"Oh andito na tayo" nakatulog pala ako sobrang pagod sa rehearsal
"OPPA! ANONG ORAS NA?! MAY REHEARSAL PA KAMI OPPA!!" Napasigaw ako kasi nga...
"Ang ingay mo naman wag kang mag-alala tinext ko sila..
"Kahit na! San mo ba ko dinala?" Tanong ko sa kanya
"Tignan mo kasi" tinignan ko naman yung paligid na nakakunot ang noo ko pero bigla namang nawala yun sa mga nakita ko at napalitan ng luha, tears of joy ba
"Alam ko kasi sobrang stress ka na at namimiss mo na ang hometown mo kaya eto andito tayo ngayon sa Gwangju" oo ang hometown ko.... Sa loob kasi ng ilang years ko na kumakanta at sumasayaw kasama ang mga unnie sobra-sobra na ang pagod ko at gustong-gusto ko na uling umuwi dito.
"Oppa salamat ahh... Halika labas tayo"lumabas ako at lumabas din siyaNandito kami sa seaside at umupo kami sa may bench doon, nakikita namin yung sunset ang ganda! Lahat ng pagod ko nawala...
"Nawala na ba pagod mo?"Tanong niya
"Oo oppa salamat talaga ahh.... Siguro napakaswerte ng magiging Girlfriend mo"-ako
"Ahh talaga ba? Ang daming nagsasabi niyan saming lima na napakaswerte daw ng magiging girlfriend namin or magiging asawa namin, pero dun nga kami nagtataka eh" -siya
"Bakit naman kayo nagtataka eh totoo naman talaga yung sinasabi nila"
"Kasi naman ordinaryo lang din naman kami at wala namang special samin.. Oo sikat tayo pero trabaho natin at pangarap kasi natin to pero pag nawala naman lahat ng to, isa na lang tayong normal na tao, feeling ko nga mas swerte kami sa makakatuluyan namin"
"Bakit naman?" Tanong ko
"Gusto kasi namin na mahalin nila kami dahil sa kung sino kami hindi sa kung ano kami sa mundo na to, napaka-swerte namin kung ganun ang mangyayari"
"Tama ka oppa" sang-ayon ko sa kanya
Nagtagal kami doon ng ilang oras pa at nagpasya ng bumalik ng Seoul...
Marami pang nangyari saming dalawa ni oppa lagi kaming nag-aout of town pag weekend tapos sabay na magsisimba pag linggo, pag magpeperform kami sa M Countdown pupunta na lang siya bigla at magchecheer samin....
Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa yun pero ng dahil don nakakalimutan ko na....
Kuya ko siya....
Hindi ako pwedeng mainlove sa kanya...
Hindi pwede....Pero...
Ang sarap ng feeling na kapag iniisip ko yung mga bagay na impossible saming dalawa... napaka-perfect namin pero sabi nga nila
'Perfect relationship is Imperfect, but Imperfect relationship is Perfect'
Kaya imposibleng maging kami...."Mingkki ano tara na?"Tanong ni oppa sakin galing pala kami sa parlor nagpa-ayos kasi ako ng buhok pati siya nagpa-ayos din hehe
"San tayo?" Tanong niya sakin
"Gusto ko ng umuwi oppa"ayoko muna siya na masyadong makasama
"Ahh ganun ba? Sige hatid na kita"hindi ko naman matatanggihan yun kasi wala akong sasakyan hehehe
"Kailan pala ang start ng world tour niyo?" Tanong niya
"Next month na oppa" sagot ko
"Ahh ganun ba"
"Come back home
Can you come back home
modeun apeumeun dwiro hae
yeojeonhi neol gidaryeo ireohge
Now you gotta do what you gotta do"
Pinapakinggan ko yung kanta namin at kinakanta ko na rin pero mahina lang, ng may nagtapik sakin tumingin naman ako at tinanggal ang earphone ko..."Andito na tayo sa harap ng bahay mo" nagulat naman ako hindi ko kasi namalayan
"Ahh salamat oppa!"At bumaba na ko ng kotse hindi na siya bumaba pero binaba na lang niya yung bintana
"Ingat ahh" Tumango lang ako at tumalikod na
"Bagay sayo yung hairstyle mo, ang ganda mo tuloy lalo"napahinto ako nung sinabi niya yun at nung humarap ako sa kanya nakasara na yung bintana niya at biglang pinaandar ang kotse niya...
Daesung's P.O.V
Nakangiti lang ako habang nagdadrive ang cute kasi ni Minzy eh lalo siyang gumanda ngayon tss....
Tinitigan ko lang siya habang nakikinig ng pagkanta niya, at sobrang ganda nito....
Bakit ko ba sinasabi to?
Ang alam ko hindi ako dapat magkagusto sa kanya...
Dahil sa maraming dahilan...
Imposibleng maging kami...
Dahil hindi niya ako gusto....
Kuya ang turing niya sakin....
At higit sa lahat mas matanda pa ko ng 5 years sa kanya... Ang pangit kaya nun...[A/N: Age doesn't matter]
Alam ko pero kahit naman yan ang pagbasehan ko hindi pa rin pwede dahil wala namang gusto sakin yun...
Tsss.... ewan! Basta ang importante na papasaya ko siya.To be Continue...
BINABASA MO ANG
Eyes, Nose, Lips
RandomAng 2ne1 at Bigbang ay isa sa mga successful na K-Pop Groups sa Industry ng Music, pero pano kaya kung sa likod pala ng kasikatan nila ay punong-puno ng saya, lungkot, sakit at kabaliwan (joke) ang nararanasan nila? Please support my story^-^