Narrator's P.O.V
Sa loob ng mahigit 20 years na pamamayagpag ng 2NE1 at BIGBANG nagkaroon sila ng kasiyahan at ng kalungkutan......
Ang Bigbang ay isa sa pinakamagaling at matagumpay na grupo na ibinuo ng YG Entertainment, nakilala sa magagandang kanta na sila mismo ang gumawa at tinitingala ng iba pang grupo.....
Ang 2NE1 ay isa rin sa pinakamagaling at ang kauna-unahang girl group na nagpa-iba ng takbo ng industriya ng music...
Hindi naging madali ang pagtatapos ng pamamayagpag nila dahil sa mga hindi inaakalang pangyayari pero kahit ganoon ang nangyari bumangon sila at tumayo sa mga sarili nilang paa at mas pinatunayan pa nila na sila pa rin ang 2NE1 na nakilala ng lahat ng tao
Marami ng nangyari sa ating mga bida...
Ito na ba ang END ng kanilang mga kwento??O talagang kailangan lang ni Little Author na tapusin ito?? HAHAHA
CL's P.O.V
"Unnie!!!" Nilingon ko ang kaisa-isang dongsaeng sa grupo namin
Magkikita kasi kami ngayon
"Oh hello Minzy kumusta naman??" Niyakap ko siya at tumingin ng nakangiti...
"Okay lang naman unnie" sagot niya
"Asan na yung dalawa?" Tanong ko
"Susunod na daw sila diyan lang naman yung hotel namin" sagot din niya
"Oh there they are" Tinuro ko yung direksyon nila Dara unnie na naglalakad na papunta sa amin...
Andito kami sa U.S ngayon kumakain sa dati naming kinainan way back 2010 nung nagre-record kami kasama si Will.I.Am pinuntahan nila ako dito.
"Kumusta ka naman dito Chae?" Tanong ni Bom unnie sakin
"Ahh ayos naman, nakakamiss ang mga blackjacks sa Korea pero kailangang magtrabaho dito haha, kayo unnie kumusta na?" Tanong ko din wala na kasi akong balita sa kanila
"Ahh ayun malaki ng yung kambal papasok na sila sa grade school" sagot niya...
"Talaga? Wow! Namimiss ko na yung anak ko" nalungkot ako ng ma-alala ko na naman si Yongrin
"Ano ka ba Chaerin okay lang yan... Malapit ka na naman matapos sa mga projects mo dito makakauwi ka na rin" pagcomfort sakin ni Dara
"Pero sobrang nami-miss ko na sila ilang taon na rin si Yongrin" naluluha na ko sa sobrang lungkot
"Nagpe-face time naman kayo diba okay lang yan konting tiis na lang makakauwi ka na rin" sabi uli ni Dara unnie...
"Bakit kasi ayaw mo nalang isama yung anak mo o di kaya dito na kayo tumirang pamilya tutal mas marami kang projects dito" payo sakin ni Bom unnie
"Ayaw ni Ji Yong dito diba? Lahat ng Bigbang ayaw dito tyaka may trabaho din si Ji Yong" sagot ko...
"Wala ka talagang magagawa unnie kundi magtiis para makauwi ka na satin" sambit ni Minzy na kanina pa busy sa pagkakalikot sa phone niya...
Hindi nga siya tumitingin samin eh...
"Sino ba yan?" Biglang tanong ni Bom unnie sa kanya
"Ahh wala unnie sa academy lang" sagot niya pero pangiti-ngiti pa siya habang nagta-type
"Hanggang ngayon ba naman Minzy maglilihim ka samin??" Tampo ni Bom unnie sa kanya
"Ahh eh wala naman akong tinatago sa inyo eh" depensa ni Minzy nangingiti na lang kami ni Dara unnie sa kanila
BINABASA MO ANG
Eyes, Nose, Lips
CasualeAng 2ne1 at Bigbang ay isa sa mga successful na K-Pop Groups sa Industry ng Music, pero pano kaya kung sa likod pala ng kasikatan nila ay punong-puno ng saya, lungkot, sakit at kabaliwan (joke) ang nararanasan nila? Please support my story^-^